Warning: This article contains spoilers
GORGY RULA
Ngayong Enero 14, 2025, Martes, ang huling araw ng extended na showing ng 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entries.
Ang tanong ngayon: ma-achieve kaya ang target na PHP800M sa kabuuan ng filmfest?
Marami ang nagsasabi sa aking mahihirapan daw, base sa mga pagtatanung-tanong nila at pag-iikot sa mga sinehan.
Pero mas mabuting hintayin natin ang official results mula mismo sa MMFF Executive Committee at MMDA.
Read: MMFF 2024 extended hanggang January 14, 2025
LESSONS LEARNED
Marami tayong natutunan sa nakaraang MMFF na siguro dapat pag-usapan nila ng filmmakers, producers, at iba pang stakeholders.
Hindi talaga biro ang mag-produce ngayon ng matinong pelikula.
Ayon sa nakausap kong producer, malaking epekto sa kanila itong sinusunod nilang Eddie Garcia Law dahil nadadagdagan sila ng shooting days.
Isipin ninyo, bawat shooting day ay milyon ang ginagastos diyan. Pero wala silang magawa kundi sumunod sa batas.
Kaya ang hirap din talaga ng kalagayan ngayon ng ating film producers na naglalabas ng pera.
Sana, magkaroon ng dialogue ang nga taga-MMFF sa producers, pati theater owners, kung paano sila mapoprotektahan kapag hindi maganda ang takbo ng pelikula sa takilya.
Nakakabilib talaga sila dahil sa gitna ng hirap ng buhay, tuloy pa rin sila sa paggawa ng pelikula. Yung talagang ginagastusan nila pati sa promotion nito.
MIFF AND SUMMER MMFF
Samantala, wala pa tayong latest na balita kung matutuloy ang Manila International Film Festival (MIFF).
Parang hindi kasi talaga tamang timing na ituloy nila sa gitna ng pinagdadaanan ngayon ng mga kababayan natin sa Los Angeles, California, dahil sa wildfires.
May nagtatanong din kung tuloy ba ang Summer Metro Manila Film Festival.
Sana, ituloy pa rin kahit walang katiyakan, dahil kahit paano ay makakatulong ito para tauhin ang mga pelikulang kasali kesa basta na lang kumuha ng playdate at i-showing ito sa mga sinehan.
Read: MMFF 2024, hindi pa umabot sa PHP600M ang total gross?
NOEL FERRER
Bukas, January 15, malalaman ang finishing numbers sa box office ng MMFF50.
Kasi, audiences have until today para panoorin ang mga hindi nila mapapalampas na entries.
Whatever the numbers are, sana hindi maging padalus-dalos ang ibang "Maninira ng Pelikulang Pilipino" sa pagsasabing ito ay flop hangga’t hindi lubusang nalalaman at nasusuri ang contributing factors sa nasabing resulta.
Safely, I think, mahi-hit ang naunang projection ng PHP800M. (Hintay tayo kapag nag-turn in na ng official numbers ang mga produksiyon.)
Tama si Tito Gorgy na after this, magandang pag-usapan ang susunod na tunguhin ng MMFF moving forward.
Read: MMFF 2024 Top 4 sa box office sa opening day
REFUTING STATEMENT OF "MANINIRA NG PELIKULANG PILIPINO"
Aminin naman natin, despite sa mga maninira, we have levelled up everything this year in terms of activities and building the momentum and giving support to all the outstanding entries.
Despite most of our film audiences saying good things about this year’s bumper crop — di ba, Marinel Cruz of the Inquirer — si Butch Francisco lang naman ang lantarang naghuhumiyaw na “the 49th edition still offered better choices. There was the historical epic GomBurZa, for instance. Even the horror entry in this ongoing filmfest, Espantaho, would come out pale as a ghost compared to last year’s Mallari.”
Ano kaya ang reaksiyon ni Direk Chito Roño rito na mismong chair ng jury ng 49th MMFF?
Read: MMFF 2024 awards results stay, kahit maraming kuda at hanash
I suppose the producers and even his co-Manunuri member na chairman of the MMFF jury, Prof. Nic Tiongson, will refute Butch on this point (and many other points for that matter).
People are talking about Rewind — and we regard it as an exceptional example of a post-pandemic revenge viewing box-office hit.
Iba ang sitwasyon noon — walang kumitang local film during that year, at first time lumabas lahat na walang restrictions after the pandemic.
This year, there were just too many good choices even on Netflix.
Totoong iba ang sitwasyon ngayon.
May nag-hit na Un/Happy For You noong Agosto; at Hello, Love, Again noong Nobyembre.
May major offerings ang Disney Channel noong Christmas season.
Lumiit ang mga cinemas natin (compared to the pre-pandemic numbers), but still tumodo tayo sa paggawa ng magagandang pelikula at isang MMFF na talagang may 1M support sa block screenings na may talkback sessions pa.
If these are not moves towards moving forward and supporting the industry, I don’t know how else to regard these efforts.
Madaling manira, mahirap bumuo — lalo na ng napakalaking effort sa pagsuporta sa industriya tulad ng Metro Manila Film Festival.
Sana, may pasalamat man lang.
Or respeto man lang o pagkilala ng mga magaganda at mabubuting nagawa, hindi mga iresponsableng sweeping statements na, in the end, tila disservice lalo na sa mga naghirap itaguyod ang festival na tradisyon na nating mga Pilipino.
And I thank you!
Read: MMFF 2024 Parade of Stars sidelights
JERRY OLEA
Sa sampung kalahok sa 49th MMFF, apat sa mga ito ay namatay ang bida.
Sa topgrosser na Rewind, namatay in the end ang karakter ni Dingdong Dantes.
Sa pinakamaraming awards na GomBurZa, highlight ang pagbitay sa tatlong pari na ginampanan nina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee.
Sa best picture na Firefly, namatay ang karakter ni Alessandra de Rossi.
At sa fourth best picture na When I Met You In Tokyo, namatay ang karakter ni Christopher de Leon.
Sa 50th MMFF ay sampu muli ang official entries, at more and more ang nategi!
Read: Dennis Trillo, Judy Ann Santos lead MMFF 2024 Gabi ng Parangal
SPOILERS ALERT!!!
Sa topgrosser na And The Breadwinner Is…, tegi bumblebee in the end si Bambi Salvador na karakter ni Vice Ganda.

Sa best picture na Green Bones, tegi si Domingo Zamora na karakter ni Dennis Trillo.

Sa second best picture na The Kingdom, tegi si Lakan Makisig na karakter ni Vic Sotto.

Sa fourth best picture na Isang Himala, siyempre tegi si Elsa na ginampanan ni Aicelle Santos.

Sa Uninvited, tegi si Guilly Vega na ginampanan ni Aga Muhlach.

Sa Hold Me Close, tegi si Woody na ginampanan ni Carlo Aquino.

Sa horror drama na Espantaho, multo si Rosa na ginampanan ni Lorna Tolentino.

Dahil horror ito, maraming nategi rito, kabilang ang characters nina JC Santos, Janice de Belen, Mon Confiado, Donna Cariaga, at Nico Antonio.
Sa pitong pangunahing karakter ng horror thriller na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, anim ang nategi. Isa lang ang nakaligtas, iyong karakter ni Alexa Miro.
Tigok ang characters nina Enrique Gil, Jane de Leon, MJ Lastimosa, Rob Gomez, Raf Pineda, at Zarckaroo.

Sa action-thriller na Topakk, sa umpisa pa lang ay andami nang nategi, kabilang ang karakter ni Enchong Dee.

Andaming supporting characters ang nategi sa Topakk! Tegi overload!!!
Sa dalawang MMFF 2024 movie na suporta si Sid Lucero — Topakk at The Kingdom — parehong tegi ang karakter niya.

Sa dalawang MMFF 2024 movies na may special participation si Iza Calzado — The Kingdom at Green Bones — parehong pinaslang ang karakter niya.

MMFF 2024 BOX-OFFICE PERFORMANCE
Sa totoo lang, sa sampung official entries ng 50th MMFF, bukod-tangi ang fantasy romance na happy ending ang dalawang bida (Francine Diaz, Seth Fedelin) at walang mga supporting characters na ipinagluksa sa pagwawakas ng kuwento. Pampakilig at pampa-good vibes!!!
Ang ganda ng batch na ito ng mga pelikula sa 50th MMFF, pero hindi nalagpasan ang kinita ng 49th MMFF na P1.2B.
Bonggacious ang mga kaganapan sa golden edition ng MMFF, kung saan merong celebrity golf tournament, grand fan and media con, Konsyerto sa Palasyo, payanig na Parade of Stars, at pasiklab na Gabi ng Parangal sa grand ballroom ng Solaire Resort sa Parañaque City pero…
