JERRY OLEA
Magiliw na sinagot ni Vic Sotto ang mga tanong ng showbiz media nang ilunsad siya bilang endorser ng Sante Barley nitong Enero 14, 2025, Martes, sa Luzent Hotel, Timog Ave., Quezon City.
Nasabi ni Bossing Vic na maraming health benefits sa kanya ang iniendorsong produkto.
Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap
Kaugnay rito ay nailusot ng katotong Janiz Navida ang tanong kaugnay sa "softdrink."
Pang-uurirat ni Janiz, “How does Pauleen [Luna-Sotto] take care of your health?... Aside from drinking Sante Barley, ano ba iyong mga ipinagbabawal niya sa yo?
“Kasi nga siyempre as we age, di ba, talagang iniingatan natin ang health natin. Meron ba siyang mga ipinagbabawal sa yo, like junk foods, o ayaw mo na bang mag-softdrink? Di ba?
“O ano pang mga healthy na ibinibigay sa yo ni Pauleen?”
VIC SOTTO'S HEALTH REGIMEN
Malumanay na tugon ni Bossing Vic, “Isa isa sa mga regimen ko pagdating sa… lalo na sa pagkain, ano — I only eat when it’s time to eat.
“Hindi ako kumakain in between breakfast and lunch, lunch and dinner. Hindi ako ma-junk food. Hindi ako mahilig sa mga sweets.
“Pag meron, tikim-tikim lang. I take everything in moderation. Kahit na, let’s say, alcohol or softdrinks. Lahat yan, in moderation.
“Yung isa sa mga healthy style of living… as a matter of fact, hanggang ngayon, wala pa akong maintenance… hypertension, diabetes, hindi katulad ng mga kasama ko sa programa.”
Natawa ang karamihan sa nasa presscon.
Dagdag ni Bossing Vic, “Si Joey [de Leon], si Allan K. Ha! Ha! Ha! Mga diabetic yan…
“So for me, I’m just thankful sa ating Panginoon na ako’y sinusuwerte lalo na pagdating sa health, pagdating sa pangangatawan.
“Kasi we really have to take care of our bodies. We should have a healthy living ahhmm sleep at least six to seven hours a day.
“Eenjoy the family. Ganun, ganun ang aking buhay sa araw-araw.”
Kahit nakaka-stress ang mga kaganapan sa showbiz, nakilala si Bossing Vic na cool at kalma lang.
Paano niya inaalagaan ang kanyang mental health at emotional well-being?
“Simple lang. Trust in God. Ganun lang. With God on your side, wala yung mga stress-stress na yan,” sambit ni Bossing Vic.
“Kumbaga, yakang-yaka. Hindi ko pinapansin yun kung ano man.
“Yung mga pagsubok, whatever it is, basta entrust in God, tanggal lahat yun.”
Read: Vic Sotto, tinitiyak na present sa school activities ni Tali
NOEL FERRER
May plano ba sina Vic Sotto at Pauleen Luna na sundan si Baby Mochi?
Natawang sagot ni Bossing Vic, “Ewan ko kung kaya pa ni Pauleen! Ha! Ha! Ha! Ha! Ako, kaya pa. Ewan ko sa kanya, itanong niyo. He! He! He!
“Magwa-one year old na si Mochi on January 23. Parang ambilis nga ng panahon. And we’re just so thankful to God that she’s healthy.
“Very beautiful baby. At medyo nakakatayo na. Hah! Nakakatayo na nang mag-isa niya pero mga two seconds lang, bagsak ulit.
“Yung susundan? I always leave it to God kung ibe-bless pa kami.”
BABY BOY FOR BOSSING AND POLENG?
Baby boy naman sana?
“OK na, andami kong apong lalaki, ang gugulo! Anak ni Oyo, limang lalaki,” natatawa pa ring sabi ni Bossing Vic.
“Tapos si Danica, may dalawang lalaki. Pag nasa bahay, parang may riot palagi sa bahay namin pag andun yung mga apo kong lalaki.
“So OK na sa akin ang mga babae. They’re very sweet, very malambing. I always look forward to going home.
“Kasi, tanggal lahat ng pagod mo sa trabaho pag nakita mo na yung mga anak mong mababait.”
Read: Baby Mochi nina Vic Sotto at Pauleen Luna, bininyagan na
Nakakatulog ba siya nang mahimbing these days, considering na may mga bata sa bahay nila? Hindi ba nadi-disrupt ang pagtulog niya?
“Yung baby namin, nakahiwalay ng kuwarto. Si Tali lang ang madalas na natutulog sa gitna namin ni Pauleen,” saad ni Bossing Vic.
“At wala namang problema kay Tali, e. Medyo 10 seconds, tulog na siya, e. Kahit anong ingay ko, kahit nanonood ako ng TV, di siya magigising.
“So we’re just fortunate and thankful na we have easy babies. Like si Mochi, basta may kinakain siya, OK na.
“Kumakain na nga ng burger. Ha! Ha! Ha! Kung anu-anong pinapakain ng nanay. Mahilig siya sa prutas, mahilig siya sa fried chicken.
“Lalo na ngayon, apat na ang ipin niya! Kumakagat-kagat na siya. So we’re just fortunate.
“Pagdating sa gabi, napakahimbing na tulog namin.”

GORGY RULA
Nasa ika-46 taon na ang noontime show na Eat Bulaga!, kung saan isa sa main hosts si Vic Sotto. Looking forward sila sa kanilang 50th anniversary.
Tinangkilik ng moviegoers ang seryosong pagganap ni Bossing Vic sa MMFF 2024 entry na The Kingdom, kung saan isa sa mga anak niya si Cristine Reyes na katambal niya noon sa pelikulang Ang Darling Kong Aswang (2009).
Read: Vic Sotto first serious film ang The Kingdom; paano napapayag?
VIC SOTTO ON DURABILITY IN SHOWBIZ
Ano ang secret ng kanyang durability sa entertainment industry?
“Wala namang sikreto, e. I’m always thankful sa kapalaran,” matamang lahad ni Bossing Vic.
“Kung ano man ang estado ko ngayon, kung ano man yung narating ko, I always lift everything to God, sa ating Panginoon.
“Dahil Siya naman talaga yung direktor natin, e. Siya rin ang producer, Siya lahat. Siya ang nagsasabi, ‘Ikaw, ganito ka. Ikaw, ganyan ka.’
“Ako naman, e, kumbaga go with the flow. Like for example, itong latest movie natin, The Kingdom. Sino ba ang mag-aakala na mag-o-offer sa akin ng isang seryosong pelikula?"
Read: Vic Sotto, walang bakas ng Enteng Kabisote sa The Kingdom

Patuloy ni Vic: “Samantalang we started with Okay Ka, Fairy Ko The Movie [sa MMFF]. Tapos tayo, nag-Lastikman. Isa yun sa mga una na Metro Manila Film Festival entries ko.
“Tapos sunud-sunod na yon. The Enteng Kabisote series, which are all successful. Sino’ng mag-aakala na biglang meron akong offer to do a very serious role?
“To do a very serious film about alternative reality. Ahhmm so yun, ride lang, sakay lang ako.
“And pag nandun na, I do my best, I give it my hundred percent, at ang importante, ahhmm siguro para sa lahat din ng ating mga kasamahan sa industriya — mahalin natin ang ginagawa natin.
“Mahalin natin ang pelikulang Pilipino. Alagaan natin ang pelikulang Pilipino. Gawin nating kung maitataas natin ang antas, e, tayo rin naman ang makikinabang.
“Maliit lang ang ating industriya kaya dapat pagtulung-tulungan natin para maitaas ang kalidad.
“At I’m just very happy and proud that I was a part of a film na puwedeng ipagmalaki sa buong mundo.”
Paano niya napanatiling positibo ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya?
“Para mapanatili, clean living. It’s as simple as that!” bulalas ni Bossing Vic.
“Clean living lang. Huwag kang manapak ng ibang tao. Huwag kang manira. Huwag kang maangas.
“Stay humble. Humility for me is a very important word. Huwag kang magyayabang.
“Relax ka lang sa buhay...”
