JERRY OLEA
Nang mag-umpisa ang wildfires sa Southern California noong Enero 7, 2025, nasabi ko nang nanganganib ang 2nd Manila International Film Festival (MIFF).
Ang kaibigang Hollywood correspondent na si Oliver Carnay, nag-extend ang bakasyon sa Pilipinas dahil doon.
Nakatira si Oliver sa Glendale, California, at Enero 10, Biyernes, sana ang flight niya pabalik ng USA.
Inabisuhan si Oliver ng isang kaibigan na huwag munang bumalik dahil “hindi ka makakahinga din sa hangin dito, at ang daming sunog palibot! omg!”
Read: Homes of Anthony Hopkins, Miles Teller, Mel Gibson burned to the ground in LA wildfires
MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL TO BE CANCELLED?
Sa presscon ng Sante Barley nitong Enero 14, Martes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, kung saan inilunsad si Vic Sotto bilang endorser, napag-usapan muli namin ni Oliver ang MIFF.
Sabi ni Oliver, sosy ang venue ng awards gala na The Beverly Hilton sa Beverly Hills, California. Yayamanin!
Ang halaga ng tiket — $321.96 (individual admission), $3,096.35 (group table, seats ten people, save $100), at $3,715.26 (group table, seats twelve people, save $120).
Aba! Inaasahan daw na dadalo sa awards gala si First Lady Liza Araneta-Marcos.
“Sinabihan ako ng isa kong friend sa California na hindi siya interested sa awards gala ng MIFF,” sey ni Oliver.
“Priority niya ang pagtulong sa mga kababayang Pinoy na nasunugan. Magbabayanihan sila!”
Pagkatapos ng open forum sa Sante Barley mediacon, isa ako sa mga nakigulo para makapagpalitrato with Bossing Vic.
May nagtanong kay Bossing Vic kung kailan siya aalis pa-U.S. para sa MIFF screening ng The Kingdom.
“Hindi yata tuloy ang MIFF,” sabi ni Bossing Vic.
Read: Vic Sotto, may balak sundan ang dalawang anak nila ni Pauleen Luna?
MIFF TO BE RESCHEDULED
Sinabi ko agad iyon sa kaibigang Oliver.
Dalawang taga-media rin ang nagsabi sa kanyang malabong matuloy sa katapusan ng buwan ang nasabing filmfest sa Tate.
Ngayong Enero 15, Miyerkules ng 2:10 A.M. (Manila time) ay nakatanggap si Oliver ng isang press release, na agad niyang ipinost sa kanyang Facebook account.
Ang nilalaman ng press release: “Due to the devastating wildfires in Southern California, the Manila International Film Fest postponed its second edition, scheduled from January 30 to February 2, to a later date this year that will be announced.
“MIFF was going to show MMFF entries plus special screening films at the TCL Chinese Theatre in Hollywood and hold a closing night awards gala at the International Ballroom of The Beverly Hilton in Beverly Hills.
“Omen Ortiz, MIFF chairman and co-founder, said in a statement:
“‘Because of the catastrophic wildfires that are heavily affecting Southern California, we at the Manila International Film Festival (MIFF) are postponing our second 2025 edition, originally scheduled from January 30 to February 2, to a later date to be announced.
“‘We are devastated by the tremendous impact of the wildfires on many people, including the Filipino community. At this time, as we pray for the people experiencing trauma and loss, we ask all to continue supporting the fire relief efforts.
“‘We look forward to announcing the new dates of this year’s MIFF where we plan to honor the frontline workers and volunteers, including the Filipino first responders, who are heroically battling the wildfires.’”
Read: Hollywood stars lose homes in Los Angeles wildfires
NOEL FERRER
Kahit ang Metro Manila Council ay nagpahayag ng kanilang concern sa sitwasyon sa Los Angeles.
Noong Enero 13, Lunes, pa lang ay nagsabi nang hindi ito tutuloy sa paglipad sa U.S.
May last-ditch effort ang MIFF group na ituloy pa dapat ito to the point na gagawing fundraising gala raw dapat with matching distribution of relief goods na scenario.
Pero ano ang magiging dating niyon, mala-Oro Plata Mata na party-party habang nasusunog na ang komunidad sa labas?
Oh well, nature and God must have led us to this good decision.
Ipagpatuloy na lang natin ang pagtulong sa ating industriya at pagdarasal din sa mga kapatid nating apektado ng LA wildfires.
Read: Bayanihan ng mga Pinoy, buhay na buhay sa Los Angeles wildfire
GORGY RULA
Ilang nakapag-confirm nang dadalo sa 2nd MIFF ay ayaw nang tumuloy.
Nakaka-guilty raw na nagdiriwang tapos may mga kababayan tayong apektado ng malawakang wildfire.
Nagdadalawang-isip na rin ang iba kung sasama pa ba sila.
May ilang kaibigan doon sa LA ang nakaka-chat ko.
Wala pa raw sa isip nilang manood sa MMFF 2024 entries dahil abala pa sila sa pagtulong sa mga kababayan natin doon na apektado ng sunog na yun at tumutulong din daw sila sa pamimigay ng donasyon sa firefighters.
Sabi pa ng isang kaibigan kong Pinoy na matagal nang naninirahan doon, overwhelming ang mga tumutulong na talagang nagbibigay sila kahit ano.
Kahit old clothes nila ay ipinamimigay dahil malaking tulong na yun sa mga nasunugan.
Kaya mabuti na lang at napagdesisyunang ikansela na muna itong 2nd MIFF.
Siguro, magbibigay na ang MMFF ng report sa katatapos lang na filmfest.
Ano ang susunod na hakbang para patuloy pa ring may napapanood na local films natin?
Sana, magbigay na ng final decision kung may Summer Metro Manila Film Festival pa rin ba tayo.
Read: Box-Office Report 2024: Mga pelikulang kumita at sumemplang
