PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gay movie Table For 3, naungusan ang sexy movies sa VMX

Gay movies at series, may market din sa VMX Philippines.
by PEP Troika
Published Jan 16, 2025
table for 3 vmx
BL movie Table For 3, which first streamed on VMX Plus, is currently the No. 1 content in the streaming platform VMX Philippines (formerly known as Vivamax). The movie stars Topper Fabregas, Jess Guinto, and Arkin del Rosario.
PHOTO/S: VMX Philippines

JERRY OLEA

Nag-streaming ang gay movie na Table for 3 umpisa Enero 14, 2025, Martes, sa VMX (dating Vivamax).

Nag-No. 1 agad ito sa Top 10 ng VMX kinabukasan.

As of January 15, Wednesday, ang Top 10 Movies sa VMX ay Table for 3, Las Ilusyunadas, Teacher’s Pet, Climax, Boss Ma’am, Boy Kaldag, Cheaters, Mama’s Boy, Lamas, at Secret Sessions.

Read: Noteworthy VMX Movies of 2024: From Unang Tikim to Climax

Sa sampung pelikulang iyan ay namumukod-tangi ang Table for 3 kung saan tatlong lalaki ang bida — sina Topper Fabregas, Arkin del Rosario, at Jesse Guinto.

table for 3
Photo/s: VMX Philippines

Iyong siyam na iba pa ay pawang may mga babae sa poster o artcard, at mas pino-promote online ang mga dilag.

Halimbawa, sa artcard ng Boy Kaldag, ang title roler na si Benz Sangalang ay napapalibutan ng limang babae.

boy kaldag vmx

Sa Mama’s Boy na title role si Victor Relosa, nasa litrato rin sina Sahara Bernales, Stephanie Raz, at Josh Ivan Morales.

Mama's Boy
Photo/s: VMX

VMX'S TAGET AUDIENCE

Sa 14M subscribers ng VMX, halatang kalalakihan ang target audience.

Panay-panay ang mga eksenang girl-to-girl sa mga pelikula.

Iyong pagna-No. 1 ng Table for 3 sa Top 10 ay nangangahulugan bang marami ring bading o babae na nanonood ng VMX?

Iyong Table for 3 ay nag-umpisang mag-streaming sa VMX Plus noong Agosto 28, 2024.

Pag sa VMX Plus, may hiwalay na bayad — hindi kasama sa subscription sa VMX.

Kung hindi ako nagkakamali, ang unang gay movie na nag-premiere sa VMX Plus ay iyong Two And One nina Miggy Jimenez, Paolo Pangilinan, at Cedrick Juan na nag-streaming umpisa Oktubre 5, 2022.

Matapos mag-best actor si Cedrick sa MMFF 2023 para sa GomBurZa, ipinalabas na sa VMX iyang Two And One.

Hindi ko batid kung kailan iyon ipinalabas last year, at hindi ko na-monitor kung pumasok ba iyon sa Top 10 list ng VMX.

two in one
Miggy Jimenez, Cedrick Juan, and Paolo Pangilinan in Two And One

Take note na last year ay wala nang series na ipinalabas sa VMX, panay pelikula na lang, at marami ay more or less 45 minutes ang running time

Itong Table For 3 ay 49 minutes lamang. In fairness, umaatikabo ang laplapan, harutan at hubaran dito ng tatlong bida.

Read: Hubadero 2024 Yearender: Male Celebrities Who Dared To Bare

GAY MOVIES ON VMX

May iba pang gay movies na pinarentahan sa VMX Plus sa halagang PHP299 each na naka-line up na sa VMX.

Iyong Bigayan nina Mike Liwag at Jesse Guinto ay nakatakdang mag-streaming sa Pebrero 11.

Meron ditong pa-orgy as salu-salo together ang lima o higit pang bortalicious gays.

bigayan
Photo/s: VMX Philippines

Sa Marso 11 naman ang streaming ng My Boyfriend Is A Sex Worker kung saan bida sina Kurt Kendrick at Topper Fabregas.

Nasa cast din ng erotic dramedy na ito sina Adrienne Vergara, Marnie Lapus, Omar Flores, at Bob Jbeili.

May sequel ito na nasa VMX Plus na rin.

my boyfriend is a sex worker
Photo/s: VMX Plus

Ang gay movies na ito — Two And One, Table for 3, Bigayan, My Boyfriend Is A Sex Worker at sequel — ay pawang dinirek ni Ivan Andrew Payawal, at collab ng Vivamax at The IdeaFirst Company.

Kung magna-No. 1 din sa Top 10 ng VMX ang Bigayan, My Boyfriend Is A Sex Worker at sequel nito, malamang na more gay erotic movies ang ipapalabas sa streaming platform na ito.

Read: Pinoy Hubaderos 2023: Stars Bared in Film, Pics, Social Media

NOEL FERRER

There are projects that you do out of friendship.

Kapag The IdeaFirst Company ang tumawag at gagawa ng proyekto, mahirap tanggihan. Kasi, alam mong aalagaan ka nila nang maayos at maganda naman ang kalalabasan.

Kaya nang tumawag sila for Direk Ivan’s project para kay Adrienne Vergara, yes lang ako for my talent. Kasi, alam kong kahit VMX pa iyan, basta IdeaFirst, maayos ito.

At tunay nga, may mga kaibigan sa industriya ang nagsabing markado si Adrienne sa proyektong My Boyfriend Is A Sex Worker at sequel nito.


Patuloy pa rin tayong magtulungan para buhayin at pagandahin at pasayahin pa ang ating industriya!

Tuloy lang talaga. Laban lang!

Read: Mga Balo director Adrienne Vergara may himutok sa online showing ng Virgin Labfest plays

GORGY RULA

May market na talaga ang gay films, pati ang series. Kaya hindi nagpapahuli ang VMX.

Nasa “Out With Pride” collection din ng VMX ang Love at the End of the World, Kasal, Tale of the Lost Boys, Ang Lalake sa Parola, Kambyo, Little Boy, Big Boy, Lockdown, at Ang Lihim ni Antonio.

Puwede namang rentahan sa VMX Plus ang Pretty Boys, Pwede G, Pwede B, Huling Palabas, Pusong Mamon, Masahista, at Totoy Mola.

Pero hindi rin ganoon kalawak ang audience ng mga ganoong tema.

Noong nagkausuhan ang Pinoy BL series, tinambakan tayo ng kung anu-anong BL series at ang ibang artista ay nag-out na rin tuloy.

Pero hindi naman yun na-maintain, hindi na sumunod ang iba.

Read: Pinoy Boys Love series: a genre that boomed during the pandemic

Sa ibang platforms, kagaya ng Facebook, meron akong nasisilip na Dramabox na series na may ganung tema, at mas matindi pa ang mga eksena, dahil online kasi.

Ano pa ba ang puwedeng dalirutin sa kuwentong kabadingan?

Magkakaubusan din iyan at mawawala na rin.

Puwedeng mabalik iyan kapag may bago na namang guwapong artistang willing gumawa ng ganoong pelikula o series.

Maingat na rin ngayon ang mga nasa VMX dahil napapansin pa rin sila, kaya nagbabawas na rin sila ng mapapangahas na eksena.

UPCOMING VMX SHOWS and MOVIES

Tuluy-tuloy lang ang paghahatid ng VMX ng mga nakakadarang na palabas.

Iyong gag show na Wow Mani ay 12 episodes, at palabas sa dalawang Tuesday every month.

Ang naka-credit nang direktor ng Wow Mani ay si Dominador Isip III, hindi na si Al Tantay.

Nakatakda na ang streaming ng mga susunod nitong episodes sa Enero 21, Pebrero 4 at 18, Marso 4 at 18, Abril 1 at 15, Mayo 6 at 20, Hunyo 3 at 17.

Read: Janno Gibbs, poste ng VMX sexy gag show na Wow Mani

Sa Enero 17, Biyernes, ang streaming ng Halimuyak starring Christy Imperial, Skye Gonzaga, Chester Grecia, and Carlo Lacana. Tungkol ito sa pabango.

Sa Enero 24 ang streaming ng kabit movie na Hiram na Sandali, starring Dyessa Garcia, Denise Esteban, Vince Rillon, and Aerol Carmelo.

Sa Enero 31 ang Sponsor.

vmx movies

Sa Pebrero 7 ang Belyas starring Audrey Avila, Dani Yoshida, Denise Esteban, and Matt Francisco.

Sa Valentine’s Day, Pebrero 14, ang Online Selling nina Arah Alonzo, Aria Bench, at Andrew Gan.

Sa Pebrero 21 ang Tokyo Nights nina Alessandra Cruz, Benz Sangalang, Julienna Villarba, Mark Nino, at Arneth Watanabe.

vmx movies

Sa Pebrero 28 ang Walker nina Robb Guinto, Stephanie Raz, at Alex Medina.

Sa Marso 11 iyong My Boyfriend is a Sex Worker.

At sa Marso 28 iyong Celestina: Burlesk Dancer nina Yen Durano, Christine Bermas, Sid Lucero, at Arron Villaflor.

vmx movies

Of course, puwedeng mabago pa ang streaming dates ng mga pelikulang ito.

Sana, meron pang mapapasikat ang VMX, iyong makilala sa mainstream na sinimulan ni AJ Raval, hanggang sa nakilala si Angeli Khang, at mangilan-ngilang VMX stars.

Tingnan natin.

Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BL movie Table For 3, which first streamed on VMX Plus, is currently the No. 1 content in the streaming platform VMX Philippines (formerly known as Vivamax). The movie stars Topper Fabregas, Jess Guinto, and Arkin del Rosario.
PHOTO/S: VMX Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results