PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Komedyana, nagtagumpay sa pagbakod sa makisig na aktor

Komedyana, tinalbugan ang mga bading na umaaligid-aligid sa aktor.
by PEP Troika
Published Jan 16, 2025
blind item comedienne actor
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA

Sadyang makamandag ang alindog ng isang babaeng komedyana.

Walang laban sa kanyang halimuyak ang mga sirena at halamang dagat.

Pinatunayan ng comedienne ang bagsik, bangis, at bargas ng kanyang awra sa isang pagtitipon kung saan naglipana ang mga diwata at divaklong.

Read: Dalawang aktres, pinaglalaruan dahil sa kanilang "bagong mukha"

Sa naturang event ay nilulunod ng isang makisig at dakilang aktor ang kanyang lumbay sa paghihiwalay nila ng kanyang dyowa.

Pagkakataon na sana iyon ng mga juding at juklita gutierrez na kalamayin ang kalooban ng dakilang aktor, at maano bang sa pagyakap ay maglakbay ang kanilang kamay sa makisig na katawan nito.

Abang-abang ang mga badiday at zhokling ng pagkakataon para malapitan ang dakilang aktor. Tilam-tilam!

Animo’y mga buwitreng umaali-aligid sa karneng lalapain!

THE WINNER TAKES IT ALL

Aba! Ang nagmamagandang komedyana, nakabakod!

Hindi iniiwan ang dakilang aktor na lango sa alak.

Parang MVP sa liga ng basketball si Comedienne kung bantayan si Pogi, kaya ang mga accla ay nanatiling ngangey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa pagtatapos ng party ay hindi man lang nakalapit ang mga nyoklah kaya nagpuyos ang kanilang diwa, sagad sa balun-balunan ang inggit sa comedienne.

Baun-baon ng mga bakla sa pag-uwi ang asadong siopao at hopiang Eng Bee Tin, habang umaawit ang kiffy ravena ng komedyanang pinagpala sa balat ng lupa…

“The winner takes it all/ The loser's standing small/ Beside the victory/That's her destiny…”

Read: Showbiz couple, tahimik na nagkabalikan; young couple, break na?

GORGY RULA

Narinig ko na noon na tila na-link ang comedienne at ang aktor, pero hindi naman namin sineryoso dahil parang hindi naman bagay.

Medyo masagwa!

Pero may narinig na naman kaming ganoong kuwento at ang ibang kabadingan ay nagkukuwento ring nagkainteres sila noong nalasing-lasing si Poging Aktor.

Akala ng mga kabadingang ito ay makaka-score sila kahit masilip o makapa-kapa man lang ang kadakilaan ni aktor.

Pero may taglay na kabadingan din itong si Comedienne, hindi ito humiwalay kay Dakilang Aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Akala ng iba ay close friends sila, doon lang naman pala sa isang party sila nagkapalagayan ng loob.

Yun pala, interesado si Comedienne, at nagtagumpay naman siya.

Ang bongga-bongga raw!!! Pasok na pasok!

Gandarang aktres, may bagong property sa isang exclusive village

NOEL FERRER

Grabe talaga ang alindog ng komedyanang ito.

At kahit pamilyado na, grabe ang diskarte sa pagtikim.

Oh well, bilib ako sa confidence at fighting spirit niya. Sana all.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results