PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap, hindi pa tapos?

Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap, payagan kayang maipalabas ng MTRCB?
by PEP Troika
Published Jan 17, 2025
darryl yap rhed bustamante pepsi paloma movie
Director Darryl Yap says in his latest interview that he's still finishing the controversial movie The Rapists of Pepsi Paloma, starring Rhed Bustamante (right), despite saying in the past that it's already finished.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook

GORGY RULA

Medyo nalito kami sa sinabi ni Direk Darryl Yap na, “I’m still finishing the movie.”

Isa ito sa matipid na sagot ng kontrobersiyal na direktor pagkatapos ng summary hearing na dinaluhan niya sa Muntinlupa Regional Trial Court ngayong Biyernes ng umaga, January 17, 2025.

Dumalo rin sa pagdinig si Bossing Vic Sotto, na naghain ng reklamo laban kay Direk Darryl.

Read: Vic Sotto and Darryl Yap face-off in Muntinlupa RTC

Ang buong akala kasi namin ay natapos na ang kontrobersiyal niyang pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma, na siyang ugat ng pagsasampa ng kasong 19 counts of cyber libel ni Bossing Vic laban sa kanya.

Nabanggit din noong 2024 na tapos na raw ang shooting ng pelikula noong December 29.

Meron bang idinagdag o ni-reshoot sa kontrobersiyal na pelikulang pinagbibidahan ni Rhed Bustamante bilang Pepsi Paloma?

Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
rhed bustamante the rapists of pepsi paloma
Rhed Bustamante as Pepsi Paloma

MTRCB ON THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA

Nang nag-file ng kaso si Bossing Vic, at sinundan niya ng pagsusumite ng petition for writ of habeas data, nangulit na kami sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kung nai-submit na ba sa ahensya ang The Rapists of Pepsi Paloma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang nakausap namin si Atty. Paulino Cases, isa sa board members ng MTRCB, wala siyang maibigay na sagot dahil wala pa raw silang natatanggap na kopya ng pelikula.

Dahil umabot na ito sa pagsasampa ng reklamo sa piskalya, maingat siya sa kanyang mga sagot. Wala raw muna siyang maibibigay na pahayag.

Kailangan daw munang pag-usapan ng buong board bago sila maglabas ng statement.

Pero dahil wala pa silang natatanggap na kahit ano mula sa The Rapists of Pepsi Paloma, wala rin silang masasabi sa ngayon.

Ngayong araw ay muli kaming nangulit sa MTRCB kung meron na bang nai-submit kahit trailer o teaser nitong pelikula.

Wala pa rin daw, sabi ng ilan sa napagtanungan namin.

TARGET PLAYDATE FOR THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA

Pero ayon sa aming reliable source, nagpa-reserve na sa booking ang The Rapists of Pepsi Paloma ng February 5 playdate.

Kung ito ang tina-target nilang playdate, dapat tapos na ito para may sapat pang panahon sa post production at pagpapa-review sa MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang MTRCB ay pinamumunuan ng chairman nitong si Lala Sotto-Antonio, pamangkin ni Vic.

Read: Vic Sotto not holding grudges against stars of Pepsi Paloma movie

JERRY OLEA

Baka ang ibig ipahiwatig ni Direk Darryl Yap ay tinatapos pa niya ang post-production ng The Rapists of Pepsi Paloma.

Ano nga kaya ang magiging kapalaran sa MTRCB ng ika-17 pelikula ni Direk Darryl Yap?

Matulad kaya ang kapalaran nito sa documentary na Lost Sabungeros?

Naipalabas ang Lost Sabungeros sa 12th QCinema filmfest noong Nobyembre 9, 10 at 12, 2024 sa Gateway mall sa Cubao, Quezon City.

Pero hindi pa ito puwedeng mag-regular showing sa mga sinehan. Hindi rin puwedeng ipalabas sa TV.

Facebook post ng Kapuso executive na si Nessa Valdellon noong Nobyembre 26: “It never ends. LOST SABUNGEROS applied for MTRCB review — so we can be screened on television and in select commercial cinemas. But the MTRCB will still not review us due to concerns about sub judice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“They were kind enough to explain the next steps in this process, however. We will comply and hopefully get our rating someday.

“Meanwhile, grateful for the schools that invited the docu for special screenings…”

Nagka-special screenings ang Lost Sabungeros noong Nobyembre 28 at 29 sa UP Film Institute ng UP Diliman, Quezon City.

lot sabungeros up screening
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganoon din kaya ang mangyayari sa The Rapists of Pepsi Paloma — hindi rerebyuhin ng MTRCB habang may kaso pero puwedeng mag-special screening sa mga lugar na hindi sakop ng MTRCB?

Read: Lost Sabungeros director thanks QCinema for showing canceled docu

NOEL FERRER

Tuluy-tuloy ang trabaho ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Upang mas maproteksyunan pa ang mga datos na kasalukuyang hawak ng Ahensya, opisyal na inilunsad ng MTRCB noong Miyerkules, Enero 15, 2025, ang Data Privacy Management Program nito kasunod ng pagsasagawa ng unang data privacy training para sa mga Board Member at empleyado ng MTRCB.

Parte ito ng inisyatiba ng MTRCB na matiyak ang seguridad ng mga sensitibong impormasyon bilang pagtalima sa Data Privacy Act of 2012.

Layon ng programa na matukoy ang lahat ng personal na datos na kinokolekta, pinoproseso, at itinago ng Ahensya, pati na rin ang pagbuo at pagpapatupad ng polisiya para masiguro na epektibong napapamahalaan ng MTRCB ang lahat ng datos at maiwasan ang anumang insidente at pagkakompromiso sa mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang dedikasyon ng Board na mapangalagaan ang lahat ng datos na kapit ng ahensya.

“As an agency tasked with safeguarding Filipino families, especially the children, through responsible viewing, we must also ensure the security and integrity of the data we handle in our operations, including sensitive information,” sabi ni Chairperson Lala.

Kinilala rin nito ang mahalagang parte ng data privacy sa makabagong panahon.

Aniya, “Through this program, we aim to identify all personal data collected, processed, and stored by the MTRCB, ensuring full compliance with the Data Privacy Act of 2012.

“This initiative allows us to develop and implement robust policies and procedures to address the challenges of privacy regulation and enable us in public service to manage personal data security effectively.”

Ang pagsasanay para sa mga empleyado at Board Member ay naging daan para magkaroon ng praktikal na kaalaman ang mga ito upang masiguro na nakalinya sa umiiral na polisiya at regulasyon ang bawat proseso ng ahensya sa pagprotekta ng mga sensitibong datos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ang pagtitiyak ng MTRCB na bukod sa mandato nitong pagprotekta sa mga manonood sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa responsableng panonood, sinisikap din ng Board na matiyak ang seguridad ng lahat ng impormasyon na sumasalamin sa dedikasyon ng Ahensya sa mataas na antas ng serbisyo publiko.

Read: Lala Sotto justifies X ratings of Alipato at Muog, Dear Satan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Darryl Yap says in his latest interview that he's still finishing the controversial movie The Rapists of Pepsi Paloma, starring Rhed Bustamante (right), despite saying in the past that it's already finished.
PHOTO/S: Darryl Yap Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results