JERRY OLEA
Pitong pelikula ang opening sa local cinemas ngayong Enero 22, 2025, Miyerkules.
Ang mga ito ay Her Locket, Death Whisperer 2, Anora, Cleaner, Flight Risk, Presence, at Overlord: The Sacred Kingdom.
HER LOCKET
Ang Her Locket ay humakot ng walong tropeyo sa Sinag Maynila 2024 filmfest na ginanap noong Setyembre 5-10.
Wagi ito sa mga kategoryang best film, best actress (Rebecca Chuaunsu), best director (J.E. Tiglao), best ensemble, best supporting actress (Elora Españo), best cinematography (Jag Concepcion), best screenplay (Maze Miranda and J.E. Tiglao), at best production design (James Rosendal).
Ito ang unang pelikulang Pinoy na nag-open sa local cinemas this year.
Read: Her Locket film, a poignant family drama on grief, dementia

DEATH WHISPERER 2
Ang Thai supernatural horror na Death Whisperer 2 aka Tee Yod 2 ay noong Oktubre 10, 2024 pa ipinalabas sa Thailand.
Mag-i-streaming na ito sa Netflix Philippines umpisa Pebrero 7, 2025.

ANORA
Ang critically acclaimed na Anora ay kabilang sa Screen International segment ng 12th QCinema filmfest noong Nobyembre 8-17, 2024.
Nagwagi ito ng Palme d’Or sa 77th Cannes filmfest noong Mayo 2024.
Exclusive na mapapanood ang Anora sa mga sinehan ng Ayala Malls.
Read: Pelikula, musika, at teatro: Mga dapat abangan ngayong Nobyembre

OTHER FOREIGN MOVIES SHOWING LOCAL CINEMAS
Ang action-thriller na Cleaner ay tinatampukan nina Daisy Ridley, Taz Skyler, at Clive Owen.

Ang suspense-thriller na Flight Risk ay idinirek ni Mel Gibson. Tampok dito sina Mark Wahlberg, Michelle Dockery, at Topher Grace.
Umikot ang istorya ng Flight Risk sa isang piloto, isang Air Marshal, at isang fugitive.

Ang supernatural horror thriller na Presence ay idinirek ni Steven Soderbergh.
Ang buod nito, “A family moves into a suburban house and becomes convinced they're not alone.”

Ang anime film na Overlord: The Sacred Kingdom ay exclusive sa mga sinehan ng SM.

NEXT ATTRACTION
Nakatakdang mag-showing sa Enero 29 ang mga pelikulang A Real Pain, Dark Nuns, Mickey 17, Paddington in Peru, Companion, Cells At Work, Z Zone, at Sampung Utos kay Josh.
Inilabas ng VinCentiments ang trailer ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma nitong Enero 21, Martes, at ipinahiwatig sa Facebook na ang playdate nito ay Pebrero 5.

Maaari pang magkaroon ng pagbabago ang mga playdate na ito.
Para sa updates, bisitahin ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), SM Cinema, Ayala Malls Cinemas, at Robinsons Movieworld, maging ang website ng Click The City.
Read: Darryl Yap movies: Sparking conversations, stirring up controversies
NOEL FERRER
Ibayong lakas ng loob at tapang para sa isang producer na maglabas ng pelikula ngayon.
Bale ba, it’s testing the waters again pagkatapos ng 50th MMFF.
Alam natin na extra effort para mapalabas ang mga tao sa kanilang mga bahay para manood ng sine. Kaya event films dapat.
Tulad ng ginagawa nina Marvin Agustin-Jolina Magdangal ngayon sa kanilang Ex Ex Lovers na pelikula na ire-release sa Pebrero 12, kasabay ang Captain America: Brave New World.
Iyon din ang playdate ng Paquil nina Beauty Gonzalez at JM de Guzman, at ng Bridget Jones: Mad About The Boy ni Renee Zellwegger.
Teka, ang The Rapists of Pepsi Paloma, tuloy ba sa Pebrero 5?
Yung Everything About My Wife nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, sa Pebrero 26 naman ang showing.
Good luck!
Pero kung fighting spirit ang labanan, may tatalo pa ba kay Ma’am Rebecca Chuaunsu ng Her Locket?
Maganda kayang pambuena mano ito sa Filipino Film Year 2025? Abangan!
Read: MMFF 2024: Tatlo o apat na pelikula lang ang kumita sa box office
GORGY RULA
Lumabas na sa social media ang trailer ng The Rapists of Pepsi Paloma.
Si Mon Confiado, na gumaganap bilang si Dr. Rey dela Cruz, at si Rhed Bustamante, bilang si Pepsi Paloma, ang madalas na nasa eksena.
Pero hindi maganda ang mga anggulo ni Rhed kung ikukumpara sa totoong Pepsi Paloma na napakamestisa.
May ilang eksena si Shamaine Buencamino bilang nanay ni Pepsi.
Meron din si Gina Alajar bilang si Charito Solis, at si Beverly Salviejo bilang talent scout na si Monica.
Pero walang Tito, Vic & Joey, kung kasali nga ba ang characters nila sa kabuuan ng pelikula.
Sa social media pa lamang napapanood ang trailer ng pelikulang ito, dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang nasa-submit na material sa MTRCB.
Kung talagang February 5, 2025 na ang showing nito, dapat ay ipinasa na nila for approval ang material nito.
