PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Generous gay, binawi halos lahat ng iniregalo sa male starlet

Generous gay, kiss and tell sa sexcapades nila ng male starlet.
by PEP Troika
Published Jan 22, 2025
blind item generous gay male starlet
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA

Natigalgal ang isang male starlet na naging boy toy ng isang generous bading.

Hindi niya sukat-akalain ang kahahantungan ng kanilang beneficial arrangement.

Naging second lead ang male starlet sa launching film ng isang premyadong artista.

Wagas ang sex appeal ni Male Starlet at mapangusap ang kanyang mga mata.

Read: Komedyana, nagtagumpay sa pagbakod sa makisig na aktor

Naharuyo sa kakisigan niya ang generous bading, na marami ang nakatikimang aktor-aktoran before.

Malambing at yayamanin si Generous Bading, kaya hindi kataka-takang nasisilaw sa mga regalo niya ang sinumang pinagnasaan niya.

Kung anu-ano ang ihinatag ni Generous Bading kay Male Starlet, at bilang kapalit niyon ay napasubo si Male Starlet sa compromising situation.

Medyo labag man sa kalooban niya ay nakipagbaliktaran si Male Starlet kay generous bading sa pagsasanib ng kanilang katawang alabok.

OK lang kay male starlet na ipagsabi ni Generous Bading na magdyowa sila, o boy toy siya nito, at naglalaro sila sa kama.

Hindi nagustuhan ni Male Starlet na idinetalye pa ni Generous Bading ang kanilang lecherous adventures.

Ipinagmalaki kasi ni Generous Bading ang kanilang erotic positions.

END OF AN ILLICIT AFFAIR

Nagpasya si Male Starlet na itigil na ang 69 sessions nila ni Generous Bading.

Pumayag naman si Generous Bading, pero binawi niya ang halos lahat ng iniregalo niya sa Male Starlet.

Parang SexBomb dancer ang pagkendeng ni Generous Bading, “Laban-laban, bawi-bawi!”

Para matapos na ang kanilang ugnayan, isinauli ni Male Starlet kay Generous Bading ang iniregalo nitong mga mamahaling personal belongings o appliances.

Ewan kung pati iyong cash incentives ay ibinalik.

Read: Dalawang aktres, pinaglalaruan dahil sa kanilang "bagong mukha"

GORGY RULA

Kilala si generous bading na ang hilig magkukuwento sa mga kaibigan ng mga ginagawa nila ng iba’t ibang boylets niya.

Hindi na rin kataka-takang sa solian ang ending, dahil hindi lang naman kay male starlet ito nangyari.

Hindi na rin kami nagulat sa mga ipini-flex nilang pa-kotse, housing project, at bakasyon, dahil mauubos ka rin.

Maganda sana kung natuluy-tuloy ang pagpo-produce ng projects para sa mga boy toy niya, kaso, nasaan na ba yung mga na-shoot at iba pang naka-lineup na pasiklab? Matutuloy pa kaya ang mga yun?

Bubuwelta kaya si generous bading sa Year of the Wood Snake?

Abangan natin ang mga susunod na kadramahan!

Read: Pretty Actress, balik-trabaho pagkatapos manganak

NOEL FERRER

Sana, makahanap na ng pangmatagalang makakasama si generous bading dahil hindi na siya bata — need niyang lumagay na sa tahimik at payapa at less materialistic na oryentasyon.

Sana talaga.

Para wala nang solian at ingay sa pakikipagrelasyon sa mga tao.

Iyan ang wish natin sa kanya ngayong 2025.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results