PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Batang Quiapo at Incognito, nakaungos sa Lolong at Batang Riles

Bakit pababa nang pababa ang TV viewership?
by PEP Troika
Published Jan 22, 2025
primetime action stars
Primetime Action Stars: (from left) Ruru Madrid in Lolong: Bayani ng Bayan, Coco Martin in FPJ's Batang Quiapo, Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles, and Daniel Padilla in Incognito.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Noong Enero 17, 2025, Biyernes ng gabi, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang advance episodes ng Kapamilya seryeng Incognito kung saan bida sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Baron Geisler, Ian Veneracion, at Kaila Estrada.

Mula Enero 19, Linggo, hanggang Enero 22, Miyerkules, ay nanguna ito sa Top 10 TV Shows in the Philippines sa Netflix.

Ang pilot episode ng Incognito sa TV5, Kapamilya Channel, A2Z, TFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment ay noong Enero 20, Lunes ng 8:45 P.M.

Ang live concurrent views ng Incognito sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Lunes ay umabot sa 585,973.

Katapat ng Incognito ang Mga Batang Riles ng GMA Network, kung saan bida sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.

mga batang riles
Eva Darren, Miguel Tanfelix, Raheel Bhyria, and Antonio Vinzon in Mga Batang Riles
Photo/s: GMA Drama Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa unang bardagulan sa ratings ay wagi ang Mga Batang Riles with 8.9%, kontra sa Incognito na 8.7%.

Noong Lunes na iyon ay nag-pilot ang Lolong: Bayani ng Bayan with 10.8%, kontra sa FPJ’s Batang Quiapo na naka-15.9%.

May nag-post ng Monday ratings na ito sa X (dating Twitter), at shinare iyon ng GMA Drama.

Read: Ratings: Lolong vs Batang Quiapo; Mga Batang Riles vs Incognito

TUESDAY RATINGS

Noong Enero 21, Martes, ang rating ng Incognito episode sa araw na iyon ay 9.6%, kontra sa Mga Batang Riles na naka-8.4%.

Kinabog ng Incognito ang Mga Batang Riles!

incognito
Incognito cast: Anthony Jennings, Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Daniel Padilla, and Kaila Estrada
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta naman ang kani-kanyang rating ng maaksyong teleserye nina Coco Martin at Ruru Madrid?

Noong Martes, tumaas ang FPJ’s Batang Quiapo with 16.5%, at bumaba ang Lolong: Bayani ng Bayan with 9%.

coco martin batang quiapo
Coco Martin in Batang Quiapo
Photo/s: Kapamilya Channel

Lumaki ang agwat ng FPJ’s Batang Quiapo (kung saan kasama si Christopher de Leon) over Lolong: Bayani ng Bayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Lolong: Bayani Ng Bayan, Senatorial Face-Off to air in GMA-7 in January 2025

NOEL FERRER

Winner sa primetime ang walang franchise pero magaling na content creators na Kapamilya sa second day ng salpukan ng mga bagong shows.

Maganda iyan, paganda pa nang paganda ang episodes na susubaybayan natin sa TV.

Makikita natin kung alin ang all out na ginagastusan para mapanatiling exciting ang teleserye, at alin ang higpit ang sinturon sa pagtitipid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero alam ninyo, ang hindi natitipid ay ang creativity at ang magandang attitude.

Sana, iyon ang hindi mawala. Pati na ang pagpapakumbaba.

Read: Round 3: Ruru Madrid vs Coco Martin sa primetime

GORGY RULA

Hindi alam ng ilang napagtanungan naming sources kung bakit bumababa ang viewership ng mga programa sa telebisyon.

Pati ang Wil to Win ni Willie Revillame ay pinakababa ang naitala nitong rating noong Martes, January 21.

Kahit ang It’s Showtime nung araw na yun ay naka-5.8% lamang. Ang Eat Bulaga! ay 3.7%.

Mukhang sa digital na talaga nanonood ang karamihan ng viewers, dahil ang dami nilang napapanood doon.

Pagdating sa afternoon prime, ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ang pinakamataas noong Martes dahil malapit na itong matapos. Naka-7.9% ito.

Ang Prinsesa ng City Jail ay 7.2%, at ang Forever Young ay 6.4%.

gma afternoon prime
(L-R) Jo Berry in Lilet Matias: Attorney-at-Law, Sofia Pablo in Prinsesa ng City Jail, and Euwenn Mikaell in Forever Young
Photo/s: GMA Drama Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 4.1%, at Perfect Marriage Revenge na kasisimula lamang ay 2.5%.

Kahit ang Family Feud na consistent namang mataas ay naka-8.8% lamang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Primetime Action Stars: (from left) Ruru Madrid in Lolong: Bayani ng Bayan, Coco Martin in FPJ's Batang Quiapo, Miguel Tanfelix in Mga Batang Riles, and Daniel Padilla in Incognito.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results