PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

GoodWill stars Raymond, Bayani, at David sasabak sa pulitika

Bayani Agbayani, mawawalan ng raket sa kampanya dahil sa kanyang pagtakbo.
by PEP Troika
Published Jan 23, 2025
bayani raymond david 2025 elections
GoodWill stars (from left) Bayani Agbayani, Raymond Bagatsing, and David Chua will run for different positions in the coming May 2025 elections. Bayani will run for party-list representative, Raymond for mayor of Manila, and David for Manila councilor.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Malapit nang magsimula ang kampanya sa mid-term elections kaya ang mga TV program na may artistang tumatakbo ay sinisimulan na ang pag-alis ng karakter na ginagampanan ng mga ito.

Mabuti na lang ang magtatapos na ang fifth and final season ng GoodWill, kung saan tampok ang mga tumatakbong sina David Chua, Bayani Agbayani, at Raymond Bagatsing.

Tatlong episodes na lang ang GoodWill, na umeere tuwing Linggo ng 5:00 P.M. sa NET25.

Read: Vilma Santos, sinagot mga katanungan sa pagtakbo nilang mag-iina

Si David ay kandidato sa pagka-konsehal ng Tondo, Manila, kapartido sina Mayor Honey Lacuña at Vice Mayor Yul Servo.

Si Bayani ay second nominee ng Tupad partylist, at si Raymond ay tumatakbong mayor ng Maynila sa ilalim ng Partido ng Federal ng Pilipinas.

BAYANI AGBAYANI LOSES RAKET IN CAMPAIGNS

Dahil sa pagkasali ni Bayani sa naturang partylist, nawalan tuloy siya ng raket sa mga kampanya sa eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa si Bayani sa pinakamabentang magbigay entertainment o kaya hosting sa mga campaign sorties.

Pero ngayon ay hindi na dahil siya na mismo ang nangangampanya ng kanyang partylist.

“Okay lang. Tutal, tapos na yung mga anak ko, isa na lang ang pinag-aaral ko,” pakli ni Bayani nang nakatsikahan namin sa intimate mediacon ng GoodWill noong Enero 21, 2025, Martes, sa Via Mare restaurant sa Morato Extension, Quezon City.

Dati raw kasi, kapag nangangampanya siya sa isang kandidato, hindi na raw niya alam kung tinutupad ba ng mga kandidatong ito ang mga pangako nila.

“Sabi ko nga, sa mga nagtatanong sa akin, ‘Bakit ka pa tumakbo?’ Sabi ko, kasi lagi ako nagsasalita sa ibabaw ng entablado, ‘Iboto niyo siya, tutulungan niya kayo.’

“At the end of the day, hindi ko naman alam kung anong nangyari.

“Siguro, mas maganda kung gawin natin ganito, ‘Iboto niyo ako, at tutulungan ko po kayo.’

“Kasi ako na po mismo yun e. Hindi ko naman kontrolado yung ibang candidates, ako kontrolado ko ang sarili ko,” saad ni Bayani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
bayani agbayani goodwill
Bayani Agbayani is second nominee of Tupad party-list
Photo/s: Jerry Olea

Nilinaw ng komedyante na matagal na raw siyang tumutulong sa kanyang programa sa Facebook.

Maaaring isa ito sa mga dahilan kaya kinausap siya ng first nominee ng naturang partylist na sumali rito bilang second nominee.

“Hiningi ko naman sa kanya kung saka-sakali nung siya’y maupo, at ako’y hindi, itutuloy ko yung Tupad kahilingan na ginagawa ko sa Facebook live ko na tumutulong ako sa mga nangangailangan na mga tao, kahit hindi ako manalo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi naman niya sa akin, ‘Sige, ituloy natin yan para makatulong ka sa mga tao.’

“Yun naman yung gusto ko mangyari. Tutulungan naman niya ako sa show na yun, itutuloy ko, kasi ongoing yun e,” sabi pa ni Bayani.

JERRY OLEA

Aminado si Raymond Bagatsing na hindi siya handang tumakbo, pero siya raw ang nahilingang mag-represent ng partido nilang Partido ng Federal ng Pilipinas.

Ang buong akala raw niya, ang chairman ng kanilang partido na si Atty. Alex Lopez ang tatakbo, pero hindi raw ito tumuloy.

Siya ang pinakiusapang tumakbo.

Read: Isko Moreno at Sam Verzosa, di inasahang magkikita sa isang event

“I said I’m not ready, hindi ko naman inambisyon. But sabi nila, kailangan nila ng representative at maganda naman yung numbers ko the last time, 2022, which my numbers were higher than my mayor,” pakli ni Raymond.

raymind bagatsing goodwill
Raymond Bagatsing is running for mayor in Manila
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RAYMOND BAGATSING'S GOOD INTENTIONS

Wala lang daw talaga siyang laban sa mga matitinding kalaban na naglalabas ng malaking pera sa pangangampanya.

“Siyempre sa amin, medyo mabigat yung laban kung pondo ang pag-uusapan. Pero kung prinsipyo at good intentions ang pag-uusapan, may laban kami.

“In all actuality sa COMELEC, ang talagang hinahayaan lang na pondo is couple of hundred thousand lang. So, yun lang yung meron kami.

“Kumbaga, yung koserbatibong takbo, but hopefully the people will know the options, the good intentions that is here.

“And kung ano man yung… siyempre tatanggapin kung ano yung binigay sa inyo, but hopefully, kayo yung magbabago ng Maynila, because you know… wala kaming ginagamit para diyan.

“Kung papano lang kami bababa at mag-expose yung sarili namin, at kung ano lang yung kaya naming ibigay sa inyo, which is no corruption.

“No corruption, the money goes straight to you, because wala kaming gagastusing ganyan,” dagdag ni Raymond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Matagal na ring gustong manungkulan ni David Chua sa second district ng Tondo. Gusto raw sana niyang paunlarin ang tourism sa kanilang lugar.

Read: David Chua no plans of entering politics; enjoys being single at the moment

“May panahon nung bata pa ako, takot akong sabihing taga-Tondo ako, e,” sambit ni David.

“Kasi, dati parang naging landmark siya ng kahirapan, yun ang gusto kong baguhin.

“Pag sinabing Tondo, dapat… kaya para sa akin, kaya gusto kong maging konsehal, gagawa ako ng batas dun na lahat ng tourists, papasukin mo sila dun, magkaroon kami ng…

“Yung Cubao nga, merong Cubao Expo e. Ba’t walang Tondo Expo? E, ang daming masasarap na pagkain dun.”

david chua goodwill
David Chua is running for councilor in Manila
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NO ISSUE AMONG GOODWILL CAST

Walang isyu kina David at Raymond na magkaiba sila ng partido.

Si Isko Moreno nga na nasa ibang partido pa ay nag-guest sa GoodWill.

Nagkasama rin sina Raymond at Isko sa Black Rider ng GMA-7.

Gusto ni David na pagkatapos ng eleksyon, may bagong programa sa NET25 na co-stars pa rin niya sina Raymond Bagatsing at Bayani Agbayani.

Sa NET25 daw niya naramdaman na belong na belong siya, dahil maganda raw ang relasyon niya rito.

“Masaya ako sa partnership, kasi parang first time ko lang nakaramdam na meron pala akong network,” pagtatapat ni David.

“Kasi for the longest time, wala naman akong masasabing sinasandalan na network, e. Wala naman akong network contract. Sa NET25, may kontrata ako sa kanila.

“So, nakaramdam ako na meron pala akong bahay, may pamilya pala ako, may network pala ako. So, dun ko naramdaman sa NET25 yun.

“Never ko naramdaman na Kapamilya, never ko rin naramdaman na Kapuso ako. Nakagawa ako sa GMA, ang Mano Po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At least dito naramdaman ko, ay mahalaga pala ako sa kanila kasi sa Countdown, kasali ako mag-host sa Philippine Arena,” sabi pa ni David.

Notice: This article falls under promotional material for a politician's candidacy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GoodWill stars (from left) Bayani Agbayani, Raymond Bagatsing, and David Chua will run for different positions in the coming May 2025 elections. Bayani will run for party-list representative, Raymond for mayor of Manila, and David for Manila councilor.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results