PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'90s OPM bands, inalala ang wildest fan experience sa concerts

After Image, Orient Pearl, Color It Red, and Prettier Than Pink nagsama-sama!
by PEP Troika
Published Jan 25, 2025
90s OPM bands recall wild fan experience
Wency Cornejo ng After Image, Cookie Chua ng Color It Red, Lei Bautista ng Prettier Than Pink at Naldy Padilla ng Orient Pearl, inalala ang mga unforgettable encounters nila sa fans nung '90s.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA:

Maraming wild things na pinaggagawa o na-experience ang mga Pinoy bands na AfterImage, Orient Pearl, Color It Red, at Prettier Than Pink noong 1990s.

Noong panahon na iyon ay hindi pa uso ang cellphone at internet.

“Yung mga nagpa-flash, yung mga ganun,” sambit ni Naldy Padilla ng Orient Pearl.

Humarap ang mga nabanggit na banda sa mediacon ng Frontmen & Rock Chix concert noong Enero 10, 2025, sa Borro restaurant sa Sct. Bortomeo St., Quezon City.

Patuloy ni Naldy, “Akala ko sa pelikula lang nung araw. Totoo pala. He! He! He!”

Susog ni Cooky Chua, may mga batuhan, gaya ng condom na pinapalipad.

Paggunita ni Cooky, “Sa amin sa Color It Red, yung talagang nagkagulo dun sa Ever Gotesco. Tapos siguro second song, talagang nagwala na yung mga tao.

“Tapos, e, yung mom ko, nakikinig nung live. E, tapos yung guard, parang pinukpok niya yung isang nagwa-wild na tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos ang last kong sinabi, ‘Manong, huwag po!’ Tapos biglang na-cut. Tapos yung nanay ko, ‘Ano yun?!’

“E, parang wala namang cellphone. Takot na takot talaga siya. E, dinala kami sa top floor ng Ever Gotesco dahil nagkakagulo dun sa ibaba, sa Ever dun sa Recto.

“Nandun pa yata sa YouTube yung incident na yun, e.”

Nagbalik-tanaw din si Wency Cornejo ng early part ng career niya bilang musician.

Nag-perform ang banda nilang AfterImage sa Ultra. Hindi siya sigurado kung Ultra Storm 2 ba iyon noong 1980s.

Saad ni Wency, “So, wala pang plaka. Yaiks, plaka! Wala pang album ang AfterImage during the time, and we did Ultra.

“And I remember saying during one of my spiels before singing a particular song, sabi ko, ‘Sindihan niyo na yung puwede n'yong sindihan diyan,' without really thinking that people would take what I said literally.

"Ang ibig kong sabihin nun, yung, di ba kasi, ngayon, cellphone na yung ginaganyan [pinapailaw], e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nung unang panahon, siguro hindi niyo naabutan yan, lighter. So, yun yung ibig sabihin ko. Lighter, sindihan.

“Because that was what was usually done during our days nung ‘80s, nung ‘90s pati. Kasi cellphones came out during the early part of the 2000s."

Iba raw ang interpretasyon ng concertgoers sa sinabi ni Wency.

"And ang ginawa nung mga tao, sinunog nila yung mga ganyan na nakasabit na ganyan all around ULTRA," sabay turo ni Wency sa mga nakasabit na posters at tarps.

Ang ULTRA ay isang sports complex na kilala ngayon bilang Philsports Arena sa Pasig City.

Dagdag ni Wency, "And I was utterly shocked. And it just goes to show how much power we as performers have.

"Pagkasinabi namin sa audience, ‘Gawin niyo,’ and they are so into the performance, gagawin talaga nila quite literally what you said.”

Singit ni Lei, “Mahirap i-top yon. Nagkaroon ng arson.”

Pag-ayon ni Wency, “Oo nga. Buti hindi kami nademanda ng San Miguel.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya nga pala, ang Frontmen & Rock Chix concert ay gaganapin ngayong Enero 25, 2025, Sabado ng gabi, sa Music Museum, Greenhills, San Juan City, Metro Manila.

Panauhin dito si Andrew E.

Ang halaga ng tiket ay PHP4500 (orchestra center), PHP2500 (orchestra side), at PHP1500 (balcony).

90s band members to hold concert called Frontmen Rock & Chix tonight at the Music Museum

Read: Sarsi Emmanuelle claims Pepsi Paloma was insecure of her success

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Isa sa mga na-experience ni Lei Bautista na wild ay nang mag-perform sila minsan sa Shakey’s sa Taft Avenue, Manila.

Kuwento ni Lei, “Naku, favorite ko yun! Kasi, alam niyo naman, doon lahat ng tao, lasing, di ba? Tapos kami, all girls.

“So, pagtuntong namin, while we were playing, siguro between our set, may nag-ensue na rambol sa harap namin.

“Dahil nagkabanggaan lang. Natapunan ng beer at nag-free-for-all yung mga tao. We had to stop the show.

“We had to go down and wala na, hindi na kami nag-show. Pero at least, bayad kami. Hi! Hi! Hi! Yun ang importante pero grabe talaga!

“I could see mga bote at yung mga mug. Talagang ganun, o! Pero ang saya! Ang saya ng rock ‘n roll, di ba?! Nangyayari pa ba yun ngayon?!”

Read: Chie Filomeno calls out Dawn Chang for spreading "lies"

GORGY RULA:

Naalala ni Naldy Padilla ang isang karanasan ng Orient Pearl noong early 1990s.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Naldy, “Wala pa kaming record deal nun. So, nagpapakahirap yung grupo, nago-audition sa lahat ng mga club.

“Since nabanggit ni Lei yung Shakey’s Taft, naalala ko bigla. Naging Art’s Venue yun, e, di ba?”

Singit ni Lei, “Correct!”

Pagpapatuloy ni Naldy, “Naging Art’s Venue sa Taft. Nag-audition kami, natanggap kami. Tuwang-tuwa kami. Ambababaw ng kaligayahan namin.

“Mga PA lang kami nun, uhugin pa. Inilalagay na yung pangalan [sa marquee]. O-R-I-E-N… sabi ko, ‘Eto na ito! We made it!’

“Ngayon, nag-concert kami, andaming tao, no. E, di ang ganda. Kasi ang ganda sa Art’s Venue, antaas ng stage, e.

“Meron ngayong nabasag na baso. May natabig siguro nung isang customer.

“Hindi ko malaman yung ka-flip-an ko kung bakit ko sinabi na, ‘Sige, basagin niyo lahat ng baso!’

“Mali yata yung sinabi ko, brod. Binasag nga lahat. Nagbasag. Tapos nagkagulo sila. Wala pa kaming album nito, ha?

“Pagkatapos na pagkatapos ng concert, paglabas ko, pagpunta ko sa kotse ko sa parking lot, tinatanggal na yung O-R… sisante na agad! Ha! Ha! Ha! Isang gabi lang! Ha! Ha! Ha! Ha!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wency Cornejo ng After Image, Cookie Chua ng Color It Red, Lei Bautista ng Prettier Than Pink at Naldy Padilla ng Orient Pearl, inalala ang mga unforgettable encounters nila sa fans nung '90s.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results