PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hunky actor at pretty actress, hiwalay na naman

Hunky actor, ayaw nang suyuin si pretty actress na "baliw-baliwan" pagdating sa pag-ibig.
by PEP Troika
Published Jan 25, 2025
blind item comedian singer
Magbalikan na naman kaya sila ulit?!
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA:

Napundi na ang pagmamahalan ng hunky actor at pretty actress kung kailan pa naman nalalapit ang Year of the Wood Snake at Valentine’s Day. On-off, on-off, on-off, on-off ang kanilang pagsintang parurot.

Nae-enjoy ba nila sa tuwi-tuwina ang kiss and makeup?

Mas intense at mas passionate ang lambingan at harutan kapag nagkabati sila matapos ang tampuhan, ganoon ba iyon?

Nilalanggam pa ang ka-sweet-an nila sa dinaluhang intimate Xmas party recently kasama ang close friends.

Pagkatapos ang pagtitipon na iyon ay nagkaroon sila ng matinding conflict. To the highest level, as in! Max na max!

HUNKY ACTOR, PRETTY ACTRESS NOT ON SPEAKING TERMS?

Kaya nagsaulian na sila ng candle, so to speak. Kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin.

Hindi na sinuyo ni hunky actor si pretty actress. Naubos na siguro ang pasencia biscuit ni hunky actor.

Napagod ang kanyang puso, at natantong walang hahantungang mabuti ang kanilang love affair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PRETTY ACTRESS FLIES ABROAD

Nag-alsa balutan si pretty actress at nag-farewell muna sa bayang magiliw para magpalamig at magmuni-muni.

Ninanamnam ni pretty actress ang awit ni Barbra Streisand, “I thought we were lovers/ I thought we were friends/ I guess when reality steps in/ The dreaming ends.

“We live for the future/ We learn from the past/ No matter how hard we try/ Some good things never last…”

NOEL FERRER:

Oooooo, iyan naman ang dynamics ng kanilang patay-sindi na relasyon noon pa man.

Pero meron din namang pagmamahal doon, kasi tumagal sila at nagawa rin nilang ibangon ang relasyon sa ilang pasubok.

Pero ano kaya ang kanilang tipping point? At kung ang aktres ay lumipad at nangibang-bansa, nasaan naman ang aktor?

Hindi kaya magbalikan ang mga benefactors na kumalinga sa kanya noon, o bago naman?

Ending is, matatanda na sila! Sana, kayanin nila ang mga sarili nila!!!

GORGY RULA:

Nakakaloka lang ang kuwento kay pretty actress, kasi baliw-baliwan daw talaga ito pag nai-in love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa totoo lang, inamin naman ni aktres na baliw talaga siya pagdating sa pag-ibig. Talbog nga raw niya ang bading kapag mahal niya ang dyowa.

Oh well… iyun kaya ang isa sa nagustuhan ni hunky actor sa kanya?

Bagay talaga sa showbiz itong si pretty actress dahil sa pagiging baliw-baliwan niya. May kakaiba siyang karakter! At nagagamit niya iyun sa pag-arte.

Puring-puri siya ng mga katrabaho niya dahil magaling daw umarte itong si pretty actress. Iyun nga lang, nadadala niya pagdating sa pag-ibig.

Kaya huwag na tayo magulat kapag isa sa mga araw na ito, sila na naman uli ni hunky actor. Bet?!

MORE BLIND ITEMS:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magbalikan na naman kaya sila ulit?!
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results