PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Raymond Bagatsing, boto kay Jericho Rosales bilang Manuel Quezon

Raymond, naalala ang pagganap niya bilang MLQ sa Quezon's Game.
by PEP Troika
Published Jan 26, 2025
Raymond Bagatsing reacts to Jericho Rosales as the possible lead actor of Jerrold Tarrog's Quezon biopic
Raymond Bagatsing hiningan ng reaksiyon na si Jericho Rosales ang sinasabing napipisil na bumida bilang Manuel L. Quezon sa biopic na gagawin ni Direk Jerrold Tarog.
PHOTO/S: Jerry Olea / Rachelle Siazon

GORGY RULA:

In-announce ng TBA Studios noong Enero 16, 2025 na sisimulan na nila ang historical film na Quezon, bilang pangatlong installment na raw ng ‘Bayaniverse’ ni Direk Jerrold Tarog.

Pero wala pa silang inilabas na pangalan kung sino ang gaganap.

Unang napabalita ay si Benjamin Alves, pero bilang young Manuel Quezon daw ito. Ang majority raw ng bahagi ng pelikula ay gagampanan ni Jericho Rosales.

Pero meron nang unang gumawa ng biopic ni Manuel L. Quezon, ang Quezon’s Game (2018) na pinagbidahan ni Raymond Bagatsing.

Kaya hiningan namin ng reaksyon tungkol dito ang premyadong aktor nang nakatsikahan namin sa intimate mediacon ng pagtatapos ng sitcom nila sa NET25 na GoodWill.

Doon lang daw nalaman ni Raymond na meron palang gagawing ganung pelikula.

Inaasahan niyang mas malaki ito dahil sa TBA Studios, kung ikumpara sa kanila na isang independent film daw.

“I guess kasi, our Quezon’s Game was considered to be an independent production yun, and then partner with ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi yung pelikulang sinasabi nyo ang gumawa ng Heneral Luna, malaki talaga.

"I’m curious to see what kind of product or film na mailalabas nila, and it’s good to tell another view of Quezon especially with the bigger budget, you know,” saad ni Raymond.

RAYMOND BAGATSING ON HIS VERSION OF QUEZON

Napag-aralan daw niya nang mabuti ang buhay ng President of the Commonwealth of the Philippines, at malaking challenge daw talaga sa isang aktor na gampanan si Manuel L. Quezon.

“Well, medyo maraming dimension pag sinabi mong Philippine President Manuel Quezon, because sa lengguwahe pa lang, he speaks fluent English. He sounds American, he speaks fluent Spanish, and he speaks Tagalog.

"So, you’ll put that together, dun pa lang, aaralin mo na yun.

"Ano ang kalalabasan ng isang President Quezon? Hindi lang siya Filipino, because he’s very American. Kasi we were under American colony.

"So, hindi pam-Filipino ang pag-uugali niya. Ang mga best friend niya ay Amerikano ang nakapaligid sa kanya,” sabi pa ni Raymond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Raymond Bagatsing, handa na bang magpakasal sa ikatlong pagkakataon?

NOEL FERRER:

“He’s a very good actor,” kaagad na reaksyon ni Raymond Bagatsing nang nalaman niyang baka si Jericho Rosales ang gaganap bilang Quezon.

Kahit si Bayani Agbayani na katabi ni Raymond sa mediacon, agree sa galing ni Jericho.

Nakasama raw ni Bayani si Jericho nung ginawa nila ang Pacquiao: The Movie (2006) sa direksyon ni Joel Lamangan.

Si Pacquiao na raw ang tingin niya sa Kapamilya actor.

DIFFERENCE BETWEEN HENERAL LUNA, GOYO, QUEZON

Kaya ibang-iba raw talaga itong Quezon sa mga nagawang historical films ng TBA na Heneral Luna at Goyo.

“Kasi if I would compare Heneral Luna, brusko siya. He’s a warrior. Iba yung ugali niya,” patuloy ni Raymond.

“Pag sinabi mo namang Goyo, he’s also military.

"Pag sinabi Manuel Quezon, maraming dimension. Medyo intellectual. How will you be intellectual, Americanized, fluent siya mag-Espanyol.

“Kasi ni-research ko siya, mga speech niya sa YouTube, wala kang makita kundi… wala kang marinig kundi mga speech niya, puro Spanish,” sambit ni Raymond.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Arnell Ignacio tells Ai-Ai delas Alas to create "AIAI party-list"

JERRY OLEA:

Malaki rin pala ang nagawa ng Quezon’s Game kay Raymond Bagatsing.

Bukod sa naparangalan siya sa ilang international film festivals, nagkaroon pa siya ngayon ng isang magandang international film dahil sa napatunayan ang galing niya sa naturang pelikula.

“Because of that, may offer ako to do something in England. Sometime sa June,” pakli nito.

Nakatrabaho raw niya ang director nito sa Quezon’s Game.

“British siya na nag-compose ng theme song na kinanta ni Rachel Alejandro sa Quezon’s Game. Siya yung tumawag sa akin, because nakita na niya ako as Quezon,” dagdag ni Raymond.

Ikinuwento pa ni Raymond kung paano napunta sa kanya ang project at naging bida na siya sa pelikulang ito.

“Dapat kasi ang lead dun, may edad na charismatic na lolo na… kasi ang tema is assisted dying. With the issue right now sa England yun kung ile-legalize nila o hindi. So, yun yung tema ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ako, kinukuha lang ako sa apat na eksena, sa umpisa, gitna at dulo, pero importante daw yung role. Taxi driver ako nung bida na para bang mamamatay, ako yung witness nila, ganun, na Filipino driver.

“E, biglang nakausap ako, ‘How would you feel na bigay ko na lang sa yo,’ kasi he wanted to hear my take on assisted dying.

"So, I told them my own personal knowledge about… minsan pag terminally ill ka, gusto mong mamatay, psychologically depressed ka, gusto mo na ring mamatay.

“Sabi niya, ‘I think you understand about this thing, a! What do you say about taking the lead?’

“Sabi ko, ‘that’s British, e, matanda.’ Kailangan mong i-rewrite yan, di ba?Kailangan mas bata at Filipino pa ngayon, Filipino na matagal na sa England, you know.

“So, mukhang ano naman siya… Ire-revise niya,” saad ng premyadong actor.

May kinakausap na rin silang Filipino actress na maaring makakasama niya sa pelikulang ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, nagpapahanap siya sa akin ng anak ko supposedly. So, sabi niya ‘Sino ba sa actresses diyan na puwede?’ Tatlo ang binigay kong name.

“Bale yung isa, lumabas sa kanila na okay kasi may British blood, si Bela Padilla. Tatawagan daw nila. Kasi nag-base siya dun, e, for a while. Nag-aral din siya ng Academy of Arts yata dun o Acting.

“So, yun pag-uusapan nila. Nakuha ko yung number ng handler niya, sila na ang bahalang mag-usap kung ano yung nangyayari.”

Siyanga pala, tatlong episode na lang ang fifth and final season ng GoodWill, na umeere tuwing Linggo ng 5:00 PM sa NET25.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raymond Bagatsing hiningan ng reaksiyon na si Jericho Rosales ang sinasabing napipisil na bumida bilang Manuel L. Quezon sa biopic na gagawin ni Direk Jerrold Tarog.
PHOTO/S: Jerry Olea / Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results