JERRY OLEA
Nakatrabaho ni Lani Mercado sina Gloria Romero, Charito Solis, at Nida Blanca sa telesine ng GMA-7 na Tatlong Anino ng Kahapon (1993), sa direksiyon ni Romy Suzara.


“Pinanood ko siya kagabi, pauwi ako from Negros Occidental,” lahad ni Lani nang makatsikahan ng PEP Troika sa birthday celebration ni ka-Troikang Gorgy Rula noong Enero 26, 2025, Linggo, sa Finkels restaurant sa Hotel Durban, sa Brgy. Poblacion, Makati City.
“Nag-reminisce ako. Tapos I remember the time na nag-guest din ako sa isang teleserye, Tita Glo was there.
“She showed me a picture of daddy [Ramon Revilla Sr.] nung magka-loveteam sila.
“Binorrow ko yung picture na yon, pina-reproduce ko. Tapos niregalo ko sa father-in-law ko.
“Sinend ko kay Maritess ngayon. Kinuwento ko sa kanya.
"Sabi ko, ‘Maritess, ito yung dumalaw si Tita Glo sa bahay [mansion sa Imus, Cavite] kasama sina Manay Ichu [Vera-Perez Maceda], Kuya Germs.’
"Nagre-reunion na sila sa langit.”
Si Ramon Revilla Sr. ang yumaong father-in-law ni Lani.
Ang "Maritess" na tinutukoy ni Lani ay si Maritess Gutierrez na daughter nina Gloria at Juancho Gutierrez.
Read: Gloria's daughter and grandson recount last moments with actress
Gloria Romero visited former leading man Ramon Revilla in his mansion in Imus, Cavite.
Nabalitaan ni Lani noong nalalapit na ang pagpanaw ni Tita Gloria.
“Pero we kept it quiet. Kasi ayaw nga ni Maritess na masyadong pinagpipiyestahan,” sambit ni Lani.
“Last week… nagde-deteriorate na, inuwi na si Tita Glo sa bahay. Kasi nga slowly nagpa-palliative care na siya.
“So we didn’t talk about it. Hindi namin nilalabas, kasi Maritess wanted to keep it quiet.
"So, ito na nga, yesterday nag-pass away na siya.”
Read: Legendary actress Gloria Romero dies at 91
GLORIA ROMERO'S GRACIOUSNESS
Isa sa mga pinaka-gracious na artista si Tita Glo.
“Ay, oo! Saka ano, I had an opportunity to campaign for Bong [Revilla] sa Mabini, Pangasinan,” pagbabalik-tanaw ni Lani.
“Nakaharap ko ang kapatid ni Tita Glo. Tapos sinabi niya, ‘Did you know that Gloria Romero is from this town?’
“Tapos nung nakita ko siya, ‘You went to our town,’ sabi niya. Ipinagmamalaki niya yon na nakaabot ako sa Mabini, Pangasinan.
“So, yung mga moments na ganun na hindi talaga showbiz-related, mas nate-treasure ko pa. Lalo na nung dumalaw sila kay Daddy.
“Kasi nagde-deteriorate na rin ang health ng daddy ko. Naka-wheelchair na si Daddy…
“It was very appreciated by the family na dumalaw sila kay Daddy to reminisce their Sampaguita days.”
Pumanaw si Ramon Revilla Sr. noong June 26, 2020.
Read: Film icon and former senator Ramon Revilla Sr. passes away at 93
Kabilang sa mga pelikulang pinagtambalan nina Tita Glo at Mang Ramon ang Recuerdo (1953), Mister Kasintahan (1953), Cofradia (1953), Kurdapya (1954), Anak sa Panalangin (1954), at Bim Bam Bum (1955).

Present si Lani at si Senator Bong Revilla sa Tribute to the Queen na in-organize ni Daisy Romualdez para kay Tita Glo noong Pebrero 28, 2024 sa Manila Hotel.
“Dapat talaga, pinapahalagahan natin yung ating mga dating artista, mga luma nating artista.
“Kasi part sila ng history, e,” sabi ni Lani.
Read: Gloria Romero, binigyan ng tribute ng mga kasamahan niya sa industriya
NOEL FERRER
Sa pagpanaw ng movie queen na si Gloria Romero, agad nag-post ang mister ni Lani na si Senator Bong Revilla ng artcard sa kanyang Facebook account.
Aniya, “Lubos po tayong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga tagahanga ng ating minamahal at tinitingalang si Ms. Gloria Romero.
“Ang kanyang paglisan ay kawalan ng industriya ng pelikula at telebisyon. Ang kanyang husay, dedikasyon, at walang kupas na ganda ay nagsilbing inspirasyon sa maraming henerasyon ng mga artista at manonood. Bilang bahagi rin ng industriya, lubos kong ikinalulungkot ang kanyang pagpanaw.
“Maraming salamat at paalam, Ms. Gloria. Ang iyong mga alaala at hindi matatawarang ambag sa ating sining at kultura ay mananatiling nakatatak sa hindi lang sa ating kasaysayan, kundi pati na rin sa puso ng mga Pilipino.”
Pumunta si Bong sa lamay nitong Enero 28, Martes, at muli’y nag-post siya sa FB,
“Personal nating ipinaabot ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ng yumaong haligi ng ating industriya, Ms. Gloria Romero.
“Isang karangalan ang makapagbigay-pugay sa kanyang di matatawarang kontribusyon sa pelikula at telebisyon sa huling sandali.
“Paalam at salamat, Tita Gloria. Mananatili ka sa aming mga alaala at lahat ng iyong ‘di matatawarang ambag sa ating industriya. May your soul rest in eternal peace.”
Read: Daisy Romualdez recalls last conversation with Gloria Romero
GORGY RULA
Sa umpisa ng mediacon ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) noong Enero 27, Lunes, sa Limbaga 77 restaurant, Quezon City, nag-request si FDCP Chair Jose Javier Reyes ng moment of silence para kay Gloria Romero, at kapagkuwan ay nag-alay ng panalangin para rito.
Si Tita Glo ay isa sa honorees sa 2nd FDCP Parangal ng Sining noong Abril 19, 2024 sa Seda Vertis North, Quezon City.

Ano ang hindi makakalimutan ni Direk Joey kay Tita Glo?
Mabilis na tugon ng multi-awarded scriptwriter-director, “Ambait-bait niya! Ambait-bait niya at isang hindi ko makakalimutan kay Tita Glo ay iisa ang trato niya sa lahat ng tao.
“Ang trato niya sa akin bilang direktor ay ganun din ang trato niya sa utility. At saka wala siyang kaarte-arte sa katawan.
“Wala siyang glam team. Nung mga kapanahunan namin, wala pang tent-tent. Hindi ba, nasa kuwarto ka?
“At laging napaka-positive ng disposisyon. Kahit siya’y pagod na pagod, she will never complain.”
JOEY REYES ON DIRECTING GLORIA ROMERO
Naidirek ni Direk Joey si Tita Glo sa mga pelikulang Araw-araw, Gabi-gabi (1995), Narinig Mo Na Ba Ang L8est? (2001), at I Wanna Be Happy (2006).
“Pinakamarami ko siyang nakasama, sa Palibhasa Lalake. Almost once a week. I was there for nine years,” sey ni Direk Joey.
Maraming iniskrip na pelikula si Direk Joey kung saan nasa cast si Tita Glo.
“Ang naaalala ko lang, yung Condemned (1984) ni Mario O’Hara. Yung kontrabida siya,” sabi ni Direk Joey.
“Hindi ko makakalimutan yun dahil andun din ako sa pelikulang yun. Artista ako dun.”
Bida sa Condemned si Nora Aunor, at nasa cast din niyon sina Gina Alajar, Rio Locsin, Dan Alvaro, Ricky Davao, Len Santos, Sonny Parsons, at Connie Angeles.

Deserving ba si Tita Glo na maging National Artist?
“I hope so. Pero alam mo naman dito, masyadong masalimuot ang pagiging National Artista, di ba?” saad ni Direk Joey.
“Kailangan mo ng kampanya. Tingnan mo si Dolphy! Na dapat National Artist na. Masalimuot yon, e. I mean, di ba?
“More than anybody else, Dolphy and Tita Gloria deserve to be National Artist, OK.”
