Trigger warning: Mention of inappropriate behavior, sexual harassment
GORGY RULA
Nagkagulo sa isang bar kamakailan nang may ginawang kahalayan ang isang businessman-producer sa isang guwapong actor-politician.
Ikinabigla ito ng mga nakasaksi sa insidente.
Kilala ng ibang taga-showbiz si Businessman-producer dahil sa ilang shows na iprinodyus nito.
Pamilyado siya, pero tila open naman ito sa kanyang kabadingan.
Ilang beses siyang na-link sa ilang guwapong modelo at aktor-aktoran.
Read: Tatlong boy toys, nakikinabang sa kani-kanilang benefactors
THE ALLEGED INCIDENT
Ayon sa kuwentong nakarating sa amin, papunta raw ng comfort room si Actor-politician at nagkasalubong sila ng Businessman-producer.
Medyo lasing na raw si Businessman-producer.
Nag-iba siguro ang pakiramdam niya nang masilayan ang kakisigan ni Actor-politician.
Naka-jogging pants lang si Actor-politician, kaya halata ang nakaumbok sa suot nito.
Bigla raw dinaklot ni Businessman-producer ang nakaumbok sa bandang harapan ni Actor-politician na sobrang nagulat sa ginawa sa kanya.
Siyempre, nagalit si Actor-politician kaya nagkagulo raw sa bar.
May mga ka-meeting pa raw si Actor-politician na nasa pulitika rin kaya hiyang-hiya siya sa ginawa sa kanya ng businessman-producer.
Umabot daw ang insidente sa presinto dahil pina-blotter ni Actor-politician si Businessman-producer.
Gusto raw ni Actor-politician magsampa ng pormal na reklamo.
Pinatawag pa raw ang misis ni Businessman-producer.
Nagtanong daw ang wifey ni Businessman-producer sa kasamang kaibigan kung bading ba ang mister niya, o baka napagtripan lang dakmain ang harapan ni Actor-politician.
Hanggang doon na lang ang nakuha naming kuwento.
Hindi raw sure ang aming source kung natuloy ang insidente sa pagsasampa ng reklamo.
Medyo matigas din daw si Businessman-producer dahil ayaw umano nitong mag-apologize.
Kung anu-ano raw ang mga pinagsasabi, na maaaring dala na rin ng kalasingan.
Wala rin kaming update kung natuloy ba ang pagpa-blotter.
Read: Generous gay, binawi halos lahat ng iniregalo sa male starlet
NOEL FERRER
Mabait sa atin itong actor-politician na love love love mo, Tito Gorgy, di ba?
Basta kapag ganyan, mas may upper hand yung maayos ang disposisyon at hindi nagpapadaig sa espiritu ng alak at galit.
Tama lang na magpa-blotter ito. At doon na sa presinto magpaliwanag.
Pero ang mas mahirap na hukom siguro ay ang pamilya at mismong asawa ng businessman-producer na ito.
Sana’y malampasan niya ang pagsubok na ito sa pamamagitan ng pagpapakatotoo.
Read: Komedyana, nagtagumpay sa pagbakod sa makisig na aktor
JERRY OLEA
Pogilicious yummylicious si Actor-politician na kinahibangan minsan ng isang tisay na aktres.
May kiyeme pa noon ang tisay na aktres na kesyo ikamamatay niya sakaling magkahiwalay sila nitong actor-politician.
Nagbago ang ihip ng hangin.
O naging marupok ang tisay na aktres at nakatagpo ng ibang pag-ibig.
Matangkad at sports-oriented si Actor-politician. Kahit sa malayo, yum yum yum ang kanyang dating.
Isang yayamaning bading ang nakatanaw minsan kay Actor-politician sa isang sangay ng isang warehouse club.
Excited na sinundan ni Yayamaning Bading si Actor-politician sa CR at tinabihan ito sa pagdyinggel.
E, magkakilala ang dalawa.
Namukhaan agad ng actor/politician ang yayamaning bading na tumabi sa kanya at hopiang makasilip.
Nahiya siyempre ang yayamaning bading at kung anong kakiyemehan ang palusot.
Natawa na lang ang actor-politician.
Read: Kaaya-ayang aktres at guwapong boyfriend, mahilig sa kandungan
