PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2025 Elections: Kiko, Beaver, Dennis sasabak na sa kampanya

Kiko Pangilinan, suportado ng ilang showbiz personalities.
by PEP Troika
Published Feb 2, 2025
kiko pangilinan beaver lopez dennis padilla 2025 elections
L-R: Kiko Pangilinan (for senator), Beaver Lopez (for party-list representative), and Dennis Padilla (for councilor) seek help from showbiz personalities for their campaign this 2025 elections.
PHOTO/S: Kiko Pangilinan Facebook / Gorgy Rula / Jerry Olea

NOEL FERRER

Isang maganda at masayang pagtitipon ang naganap sa isang restaurant sa Makati noong Biyernes, January 31, 2025, bilang belated birthday celebration para kay Megastar Sharon Cuneta, na nagdiwang ng kanyang ika-59 kaarawan noong January 6.

Ang pagtitipon na iyon ay bilang pagsuporta na rin sa mister ni Sharon na si Kiko Pangilinan sa pagbabalik nito bilang lingkod-bayan.

Tumatakbo muli si Kiko bilang senador ngayong 2025 elections.

Read: Kiko Pangilinan: "Hindi pa tapos ang laban."

Nasa naturang pagtitipon ang mga kaibigan natin sa industriya na sina Ogie Alcasid, Raymond Lauchengco, Angel Aquino, Mylene Dizon, Iza Calzado, Jed Madela, Robi Domingo, Nikki Valdez, Leo Martinez, Jona, Pooh, Pinky Amador, Bayang Barrios, Cookie Chua, Jim Paredes, Pia Magalona, Direk Malou Sevilla, Arsi Baltazar, Girlie Rodis, Jett Valle, at marami pang iba.

kiko and sharon get-together with artists
Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan hosted a get-together with some friends from the entertainment industry.
Photo/s: Noel Ferrer
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At mukhang sanib-puwersa ang lahat para tulungan si Senator Kiko na gumawa ng mga content na makakapukaw ng atensiyon ng netizens na hindi lang politika ang pinag-uusapan.

Sapat at abot kayang pagkain ang gustong ihain ni Senator Kiko para sa lahat dahil isa siyang napaka-involved na farmer kaya alam nito ang pinagsasabi niya.

It was a delight to see Sharon.

Masaya, maaliwalas ang aura, at oo, fit at payat!

Ang ganda-ganda niya talaga — at back to the vintage Sharon ng ating kabataan ang aking nasilayan.

Kita mong maligaya siya sa kanyang buhay, at todo ang suporta niya sa kanyang asawang si Kiko.

Read: Sharon Cuneta reveals breakup, reconciliation with husband Kiko Pangilinan

kiko pangilinan sharon cuneta
Kiko Pangilinan and wife Sharon Cuneta
Photo/s: Kiko Pangilinan Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAN KIKO HELP IN REDUCING PRICES OF FOODS?

Tumataas na ang ranking ni Kiko sa recent SWS Survey.

Ang sabi ni Raymond Lauchengco, “The prices of food in wet markets and groceries are considered one of the biggest stressors for almost all Filipino families. I still get shocked at how little a thousand pesos can buy these days.

“Sen Kiko Pangilinan wants to do something about this problem that affects us all. Did you know that when he was food secretary in 2014, price inflation of rice was at 15%? But within a year, after going after hoarders, smugglers, and negotiating the expensive price of rice imports, price inflation went down to .8%. (That's less than 1%).

“I believe he can do it again, that's why he definitely has my vote.”

GORGY RULA

Nakakatuwa ang suportang ibinigay kay Kiko Pangilinan, dahil na rin kay Sharon Cuneta.

Malapit na ang pagsisimula ng kampanya, at magiging abala ang ilang celebrities sa pangangampanya sa susuportahan nilang kandidato.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BEAVER LOPEZ

Eto nga, curious kami kung sino sa mga Kapamilya stars ang susuporta kay Manuel "Beaver" Lopez na ngayon pa lang pinasok ang pulitika.

Second nominee si Beaver sa Partido ng Bagong Pilipino (PBP) party-list, kung saan si dating Comelec chairman Atty. Goyo Larrazabal ang first nominee.

Tinanong ng PEP Troika si Beaver Lopez kung sino sa Kapamilya stars ang hihingan niya ng tulong para sa pangangampanya.

Kakausapin pa raw niya ang kanyang kapatid na si Martin "Mark" Lopez.

Ang nakakatuwa kay Beaver, kilala niya ang halos lahat na mga artista, lalo na ang nasa Kapamilya Channel.

Kilala niya ang mga taga-PBB Gen 11, at baka mga taga-PBB raw ang hingan niya ng tulong, na bagay naman sa PBP na partido niya.

beaver lopez
Beaver Lopez
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEAVER NOT RUNNING FOR ABS-CBN FRANCHISE

Pero ang isa pang gustong linawin ni Beaver ay desisyon daw niyang pasukin ang pulitika, hindi dahil sa ibang rason—kagaya ng posibleng pagbabalik ng franchise ng ABS-CBN.

Wala raw sa isip niya iyan.

“I am running and decide on my own and I’m just running because I want to continue my father’s legacy, no? Just to give back, no?

“More than that, there’s really no other reason. I mean I just want to help, and that’s why we’re focusing on the far-flung barangays because I think that’s the most neglected areas in our country, that need help today.

“So, it’s really that, nothing more, no?” saad ni Beaver.

Pero kung papalarin daw siyang mabigyan ng upuan sa Kongreso, hindi naman nito itinatangging susuportahan niya ito kung talagang merong gustong pag-usapan ang franchise ng ABS CBN.

“First of all, I’m running on my own. So, there’s really no family-family. I’m not running because of ABS, or to push ABS,” sambit ni Beaver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, personally, I really… you know in the Congress it’s collective, e. So if it’s there, obviously we support it.

“I think si Congressman Joey Salceda… we’re thankful, you know he brought it up. But ako naman, you know, let’s see… I don’t really know yet.

“I have not really spoken to my brother about that. Nothing has been taken up about the franchise.

“But definitely, we’re in Congress you know, we can support, we can have good friends in Congress.

“But personal, I’d like to support siyempre. Once upon a time, I was also employed in ABS,” dagdag ni Beaver.

Read: Beaver Lopez, proud dad to sons with ex-wife Jackie Ejercito

JERRY OLEA

Kandidato si Dennis Padilla para konsehal sa second district ng Caloocan City.

Ang ex niyang si Marjorie Barretto ay sa district one ng Caloocan tumakbong councilor.

“Hopefully magkita kami pag pareho kaming nanalo,” sambit ni Dennis nang makatsikahan namin sa lunch break ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis motorcade nitong Pebrero 1, 2025, Sabado, sa Cabalen restaurant ng SM San Lazaro, Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinu-sino ang nangakong susuporta sa kanya?

“Robin Padilla, number one. Si Bong Revilla. Bong Go. Sina Kuya Ipe [Phillip Salvador],” tugon ni Dennis.

“In return, ako rin, supporting din naman sa kanila sa Caloocan.

"That’s why yung mga ginagawang campaign materials ko, it’s me and Bong Revilla, it’s me and Bong Go, it’s me and Robin Padilla.”

Ano ang sabi sa kanya ni Robin?

“Happy naman siya. Sabi nga niya sa akin, ‘Nauna ka sa akin sa pulitika, pagbutihin mo yan. Alam mo na naman yan,’ sabi niya."

Read: Get to know Dennis Padilla's seven kids

dennis padilla walang matigas na pulis
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-enjoy ni Dennis ang motorcade nila nina Senator Bong Revilla, Beauty Gonzalez, Carmi Martin, Niño Muhlach, at Maey Bautista.

Sa umaga, ang ruta ay Navotas, Malabon at Caloocan.

Pagkatapos ng lunch break, sa Maynila naman at Quezon City.

Read: Tolome at Alyas Pogi, nagharap sa finale ng Walang Matigas Na Pulis

“Masaya, masaya na nakikita mo ang mga tao, nakangiti. Kumakaway. So nakaka-miss din na nagpaparada ka sa iba-ibang lugar, kaya masaya,” lahad ni Dennis.

DENNIS ENJOYS CAMPAIGN SORTIES

Abala rin siyempre si Dennis sa pagpunta-punta sa iba’t ibang lugar sa Caloocan.

“Yes. Siyempre umpisa na naman, pupunta ka sa mga patay. Pupunta ka sa birthday ng mga kapitan saka kagawad,” tugon ni Dennis.

“Tapos pag may mga affairs, a-attend ka para… siyempre kailangan yung visibility lalo na pagka artista ka.

“Kasi yung makita ka lang nila, parang tuwang-tuwa na sila. Saka I think most of the people sa Caloocan, na-miss din nila ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Antagal ko ring hindi nag-ikot, e. Yung reaction nila, nagugulat pag dumadating ako na parang, ayun, nai-starstruck uli sila.

“Kasi antagal ko silang hindi naikutan, e. Usually sa TV lang nila ako napapanood o kaya sa pelikula.

“Pero to see me personally, happy naman sila. Excited sila.”

Ano ang kaibahan ng pag-iikot niya noong 2007 at ngayong 2025?

Mabilis na sagot ni Dennis, “Mas expensive ngayon. Kasi before, pag nagbigay ka ng tulong na PHP50 or PHP100, happy na sila, e.

“Ngayon pag nagbigay ka ng donation na PHP50 saka PHP100, parang hindi sila happy. Ngayon siguro, lowest PHP300, PHP500.

“Sa patay noong araw, pag nagbigay ka ng PHP300, OK na yun. Lalo na sa akin, artista ka. Minimum kong ibinibigay ngayon sa patay, PHP500, PHP1000.

“Pag close ka dun sa namatay, medyo malapit ka sa pamilya, PHP2,000. E, noong araw, pag nagbigay ka ng PHP500 sa patay, maganda na yun. Matutuwa na yung namatayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayon, pag nagbigay ka ng PHP300, parang… ‘Ano ba yan, ang barat-barat naman ni Dennis Padilla!’

“So, minsan ang ginagawa ko naman, magdadala ako ng konting pagkain, kape, tapos sasamahan ko ng pera.

“So mas expensive ngayon. Saka ngayon, mas mahal ang tarpaulin ngayon. Noong araw, alam mo, papel lang, karton lang, OK na. Ngayon, tarpaulin na ang labanan.

“Di ba? Mas expensive yan. Halos triple.”

Read: Dennis Padilla hints at missing his grown children

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
L-R: Kiko Pangilinan (for senator), Beaver Lopez (for party-list representative), and Dennis Padilla (for councilor) seek help from showbiz personalities for their campaign this 2025 elections.
PHOTO/S: Kiko Pangilinan Facebook / Gorgy Rula / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results