PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beauty Gonzalez, di pa handang mag-showbiz ang anak na si Olivia

Beauty Gonzalez, excited sa unang movie nila ng anak na si Olivia
by PEP Troika
Published Feb 2, 2025
beauty gonzalez daughter olivia
Beauty Gonzalez on daughter Olivia Crisologo's first acting stint: “Very good. Nagulat ako, naiyak siya. For a first timer, nagawa niya, naiyak siya. She delivered. And nakakatuwa, hindi ko in-expect. Parang nung mga times na sinasama ko siya sa taping, nanonood pala siya sa akin."
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram

JERRY OLEA

Magpi-premiere night ang pelikula ni Beauty Gonzalez na Paquil sa Pebrero 6, 2025, Huwebes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.

“Oh my God, I’m so nervous and excited!” bulalas ni Beauty nang makatsikahan namin sa lunch break ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis motorcade nitong Pebrero 1, Sabado, sa Cabalen restaurant ng SM San Lazaro, Manila.

“Kasi pelikula din ito ng anak ko, e. First time niyang makikita sa big screen. First time niyang mag-arte.

“So she’s very excited. Sabi ko sa kanya, ‘Kung ano mang mangyari sa pelikula natin, ang importante — maganda siya, at tayong dalawa, kasama.”

Read: Beauty Gonzalez admits to being a stage mother to daughter Olivia's acting debut

Sa Pebrero 12, Miyerkules, ang showing ng Paquil sa mahigit 100 sinehan nationwide.

Kinunan ito sa Pakil, Laguna, kung saan enshrined ang milagrosang Mahal na Birhen ng Hapis ng Turumba.

Nasa cast din ng pelikulang Paquil sina JM de Guzman, Yayo Aguila, Lui Manansala, Lilet Esteban, Leandro Baldemor, Angela Cortez, Kych Minemoto, Iyah Mina, Arnold Reyes, Lou Veloso, Joel Saracho, Argel Saycon, at ang daughter ni Beauty na si Olivia Crisologo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinirek ito ni Lemuel Lorca.

Read: Director Lem Lorca mesmerized by Paquil star Beauty Gonzalez: "Para siyang Cate Blanchett."

BEAUTY NOT YET READY TO LET DAUGHTER ENTER SHOWBIZ

Aminado si Beauty na hindi pa siya ready sakaling gustuhin ni Olivia na magtuluy-tuloy sa pag-aartista.

“Kailangan sigurong ayusin muna yung growth niya. Parang ang gusto ko, school na muna,” sey ni Beauty.

“Pero puwedeng modeling, mga commercial… She had a commercial before, sa moringa dati. Three years old pa lang siya noon.

“Tapos ngayon, may nag-o-offer sa kanya na magma-manage. Marami na! Mga tatlo na yata tumawag sa akin.

“Nagulat ako. Sabi ko, ‘Ay! Ako, hindi ba ninyo ako tatanungin?’ Yung anak ko lang ang tinanong, e. Ha! Ha! Ha!

“So parang kinikilig ako at natutuwa siyempre. As a mother, very proud ako for her. Ayun, I wish her the best.”

Kagaya ni Beauty, biba ang dating ni Olivia.

Pagmamalaki ni Beauty, “Parang mas may dating pa siya sa akin! Mas hinahanap pa siya sa akin kaysa ako. Tapos, mas maarte pa siya sa akin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero school muna… hindi naman sa ayaw namin pero mahirap kasi mag-audition saka taping.

“Alam mo naman yung mahaba yung oras saka parang… school na muna!”

Read: Beauty Gonzalez says being a happy wife is not enough in marriage

NOEL FERRER

Nag-usap ba sila ni Olivia nang heart-to-heart kung gusto ba nitong ipagpatuloy ang pag-aartista?

Pagsisiwalat ni Beauty, “Yeah, ayaw nga niya kasi paulit-ulit din. Sabi niya, ‘Nakakapagod! Di ba, umiyak na ako?! Bakit ulit-ulit na naman?!’

“Sabi ko, ‘Hay, loko!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi naman siya Maldita 101. Parang sa bahay kasi namin, she learned how to speak kung ano…

“Parang nagulat lang siya na parang, ‘Bakit ilang takes?! Bakit ganun, umiyak na ako!’

“Sabi ko, ‘Baby, meron kasing ilaw. May maingay.’ Yung mga bagay na mahirap niyang intindihin. Pero natapos naman niya.

“Pero andami naming nagtsi-cheer. Mga dalawang yaya, yung asawa ko, yung driver, pati ako. ‘Go, Olivia! Go, Olivia!’ Ganun kaming lahat. Ha! Ha! Ha!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Anong masasabi niya sa performance ni Olivia?

“Very good. Nagulat ako, naiyak siya. For a first timer, nagawa niya, naiyak siya. She delivered,” sabi ni Beauty.

“And nakakatuwa, hindi ko in-expect. Parang nung mga times na sinasama ko siya sa taping, nanonood pala siya sa akin.

“Kasi nakukuha niya yung ugali ko. Kung papaano ako magpe-prepare, kuhang-kuha niya.

“So I mean, I’m very proud.”

Hindi raw pinapagalitan ni Beauty si Olivia. Masaya ang buhay ng kanyang daughter.

Paano na-motivate si Olivia na umiyak? Ano ang inisip ni Olivia?

“Hindi ko nga alam, e. Hindi ko natanong, e! Basta nakaiyak na lang siya. Ako naman, sabi ko, ‘Very good! Very good! OK! Moving on! Moving on!’

“Kasi ang hirap nang ulitin, di ba? Noong una nga, nahihirapan siya. Kasi kailangang umiyak sa tatay. Kaso, ibang tatay, di ba?

“Hindi niya ma-imagine, bakit siya iiyak sa tatay na yun? Ha! Ha! Ha! Andaming explanation pero nakakatuwa, kasi nagawa naman niya at natapos niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Wala raw kamalay-malay si Beauty Gonzalez, nanalo siyang Best Lead Actress sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela.

Hindi niya personal na nakuha ang award, na ang sabi ni Beauty, kung nagkaroon lang daw ng chance, gusto niyang pumunta ng Venezuela para madaluhan ang naturang international film festival.

Hinihintay na lang daw niya ang trophy na ipapadala sa kanya dito sa Pilipinas.

beauty gonzalez best actress paquil
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEAUTY ON CHEMISTRY WITH BONG REVILLA

Ang gaan katrabaho ni Beauty, napaka-professional kaya nagustuhan siyang katrabaho ni Senator Bong Revilla sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Ang dami ngang nagsabi na bagay silang dalawa, at meron silang chemistry.

beauty gonzalez bong revilla
Beauty Gonzalez and Bong Revilla
Photo/s: Gorgy Rula

“Aabot ba kami ng Season 3 kung wala kaming chemistry?” bulalas ni Senator Bong nang nakatsikahan namin sa kanilang lunch break.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa raw kaarte-arte ang aktres sa mga promo nila. Buong araw silang nag-motorcade noong Sabado, wala raw silang narinig na reklamo mula sa aktres.

Bumilib din si Bong kay Beauty nung kinunan ang finale episode ng kanilang programa kung saan ilang minuto ding inilubog sa tubig si Beauty.

“Sobra yung underwater scene, first time kung mag-eksena ng ganun,” bulalas ni Beauty.

Sabi naman ni Bong, “Mahirap yun, ha? Yung underwater, kasi lulubog ka dun for about 1 to 3 minutes underwater. Meron ka namang oxygen, pero kapag mag-take na tanggalin.”

Natatawang sabi ni Beauty, “May nakaabang naman kaso… pero nakasigaw ako ng 'Tolome!' dun sa ilalim ng tubig, not once but twice!”

Finale episode na ng Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ngayong Linggo ng 7:15 PM sa GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez on daughter Olivia Crisologo's first acting stint: “Very good. Nagulat ako, naiyak siya. For a first timer, nagawa niya, naiyak siya. She delivered. And nakakatuwa, hindi ko in-expect. Parang nung mga times na sinasama ko siya sa taping, nanonood pala siya sa akin."
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results