JERRY OLEA
Kinumusta namin si Niño Muhlach sa lunch break ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis motorcade noong Pebrero 1, 2025, Sabado, sa Cabalen restaurant ng SM San Lazaro, Manila.
“OK lang. Yung kay Sandro [Muhlach], OK naman. OK,” malumanay na sambit ni Onin.
Mahigit anim na buwan na ang lumipas mula nang maganap ang pang-aabuso umano kay Sandro ng dalawang independent contractors ng GMA Network.
Read: Taong 2024, nabalot ng mga isyu ng rape at sexual harassment
Nang mag-guest si Sandro sa Courage concert ni Gerald Santos noong Enero 24, 2025 sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City, agaw-eksena ang paensaymada ni Onin kay Gerald.
Natawa si Onin.
Ano ang feeling niya nang magkamali si Gerald ng pag-introduce kay Sandro? Ang nasabi nito, Sandro Marcos.
“Hindi ko alam kung biro ba yun or kung ano, nagkamali. Baka biro, hindi ko alam.”
Read: Gerald, Sandro, Enzo fight stigma of sexual abuse
HOW IS SANDRO MUHLACH?
Nakapagbakasyon si Sandro sa U.S. at South Korea.
“He’s doing well now. Medyo OK na,” saad ni Onin.
Gusto ba ni Sandro na magbalik-trabaho na?
“Actually, nagte-taping na siya ulit. Tadhana, sa GMA.”
Ano ang natutunan niya sa nangyari sa kanila last year?
“Kay Sandro? Hindi ko lang akalain kasi na mangyayari sa amin. Kasi nga, siyempre yung pamilya namin, kumbaga matagal nang nasa industriya,” lahad ni Onin.
“Kaya hindi ko talaga ine-expect na puwedeng gawin sa anak ko.”
Paano sila sinuportahan ng mga kamag-anak nila?
“Full support naman sila like, di ba, noong nasa Senate kami, nandun lahat. Sina Charlene, sina Albert.”
Si Charlene Gonzalez ay misis ng pinsan ni Niño na si Aga Muhlach, habang si Albert Martinez ay biyudo ng yumaong pinsan ni Niño na si Liezl Martinez.
Ano ang lagi niyang sinasabi sa younger brother ni Sandro na si Alonzo?
“Si Alonzo kasi ang unang-unang sinabihan ni Sandro. Kay Alonzo, hindi mangyayari,” pagdidiin ni Onin.
“Kasi si Alonzo, kumbaga, para siyang ako. Si Sandro kasi, very meek, parang naive. Pero si Alonzo, sigurado gagawa ng eksena. Papalag yon!
“Pero alam mo, ang feeling ko lang, siguro kailangan kay Sandro mangyari. Para matigil na!
“Kasi kung hindi, baka kung sa baguhan na naman nangyari, baka wala na namang nagreklamo. Tuluy-tuloy pa rin!”
Aware siya na iyong sinapit ni Sandro, nangyari sa iba pang lalaking artista sa showbiz?
“Of course! Oo naman! Of course, not only in showbiz, kahit corporate world, I’m sure nangyayari talaga yan.”
Read: Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso
GORGY RULA
Magkakatuwang sina Gerald Santos, Sandro Muhlach, at Enzo Almario sa paglulunsad ng Courage Movement sa nasabing concert ni Gerald.
Pursigido si Gerald na dumulog sa Department of Justice (DOJ) kasama si Enzo para magsampa ng pormal na reklamo laban sa musical composer na si Danny Tan.
Read: Gerald, Sandro, Enzo fight stigma of sexual abuse

“Hindi na lang para sa akin. Para sa ibang victims din,” pahayag ni Gerald sa mediacon noong Enero 10 sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.
“Sabi ko nga nung makaiyak ako sa Senate, anlaki ng tinik na nabunot sa dibdib ko noon. Parang OK na nga ako dun, e.
“Pero yung mga lumapit sa akin, in particular si Enzo Almario, at yung iba pa niyang mga victims… parang he really needs to face Justice.”
Naiintindihan ni Gerald kung bakit iyong ibang mga lalaking biktima ng panghahalay ay ayaw lumantad.
“Yung iba, ayaw pa nilang lumabas, e. Kasi either nahihiya, and sinasabi nila, baka raw atakihin sa puso yung lola’t lolo nila pag nalaman,” saad ni Gerald.
“Kasi hindi alam. Hindi alam nung ibang members ng family nila. Kaya hindi sila makalabas.”
NOEL FERRER
Habang inaabangan ang pag-progress ng kanilang mga kaso, aabangan din natin ang pag-usad ng kani-kanyang career.
Kasi, dapat makilala sila industriya para sa talent nila at hindi lang sa kontrobersiya o isyung kinasasangkutan nila.
The best weapon is always a good work, so aabangan natin ang kanilang iba pang mga proyekto.
Si Gerald ay katatapos lang ng concert at may tinatapos na indie movie, samantalang si Sandro ay may guesting sa isang drama anthology.
More! More!
