PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carmi Martin, umaming nagkaroon ng gay boyfriend

Carmi Martin, pumayag gumanap bilang trans woman sa Mudrasta.
by PEP Troika
Published Feb 4, 2025
carmi martin walang matigas na pulis
Carmi Martin on playing a trans woman in the upcoming film Mudrasta: “Oo, bading na bading pero siyempre, habang wala akong eksena… Diyos ko! Talagang ineensayo ko! Bini-video ko pa yung sarili ko. Kung paano maglakad, paano mag-deliver ng lines… sabi naman, OK naman daw.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Gandang-ganda si Carmi Martin sa kanyang role sa pelikulang Mudrasta na pinagbibidahan ni Roderick Paulate.

“Si Awra nung bata, tapos nung lumaki, naging si Carmi Martin,” proud na tsika ni Carmi sa lunch break ng Tolome, Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis motorcade noong Pebrero 1, 2025, Sabado, sa Cabalen restaurant ng SM San Lazaro, Manila.

“Si Awra nung bata. Nung lumaki, nagpaopera at nagka-boobs. Trans. Best friend kami ni Roderick!”

Read: Carmi Martin admits she can relate to Maris Racal's predicament

First time ni Carmi na gumanap bilang trans woman.

“So, grabe yung challenge to level up with Roderick who is known to be such a good, good actor and much, much better portraying a gay role!” bulalas ni Carmi.

So, bading na bading siya sa Mudrasta?

Tumango si Carmi, “Oo, bading na bading, pero siyempre, habang wala akong eksena… Dyusko! Talagang ineensayo ko!

“Bini-video ko pa yung sarili ko. Kung paano maglakad, paano mag-deliver ng lines… sabi naman, OK naman daw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RALATIONSHIP WITH A MEMBER OF LGBTQIA+ COMMUNITY

Sa totoong buhay ba, merong nanligaw o nagparamdam sa kanyang member ng LGBTQIA+ community?

Napatili si Carmi, “Ay! Naman! Naging boyfriend ko pa! At siya, may boyfriend na ngayon. Ako, wala! At ano kami, love na love namin ang isa’t isa.”

Noong time na iyon, hindi niya alam na accla ang boyfriend niya?

“Hindi pa. Meron pa! Meron pang nanligaw sa akin noon tapos nung binasted ko, nakita ko nasa Santacruzan ng mga…” pagkunot-noo ni Carmi.

“Sabi ko, ‘Victorio?’ Na naging Vicky na yata?!”

Read: Carmi Martin reveals getting sexual advances during her prime

NOEL FERRER

Ipinakilala si Carmi Martin sa pelikulang Dolphy’s Angels (1980) kung saan kasabayan niya sina Anna Marie Gutierrez, Liz Alindogan, at Yehlen Catral.

dolphy's angels
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpa-sexy siya sa mga pelikulang Hot Property (1983) at Akin Ang Iyong Katawan (1984) na idinirek ni National Artist Lino Brocka, ganun din sa Laruan (1983) na idinirek ni Emmanuel H. Borlaza.

Pero mas nakilala siya bilang comedienne sa telebisyon, ganoon din sa mga pelikula.

“Pero to a dramatic actress. Why not dream for… gusto ko talaga magtagal dito sa showbusiness. Locally or internationally, why not?” sabi ni Carmi.

“Kaya naman nag-aaral ako ng acting workshop pa rin is because I want to offer the audience different characters, kung ano yung ipo-portray ko, different roles.”

Read: Carmi Martin, 60, on going for cosmetic fixes in moderation

GORGY RULA

Isa si Carmi Martin sa pinaka-busy na character actress sa ngayon.

Noong Linggo sa finale episode ng Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, katapat nito ang Da Pers Family nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez sa TV5.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aba! Nandoon din ang Carmi at guest pala siya sa episode na yun.

Hindi ko napanood ang buong sitcom, pero parang may "something" sila roon ni Roderick Paulate na bahagi rin sa Da Pers Family.

Talagang magkatapat ang dalawang programang parehong napapanood ang naturang aktres.

Regular si Carmi bilang si Tiya Lucita sa Walang Matigas Na Pulis… at guest lang siya sa sitcom na kung saan nandoon ang BFF niyang si Roderick.

Nagkasama sina Carmi at Roderick sa TV programs na Tonight With Dick and Carmi (1988-1991) at Abangan ang Susunod na Kabanata (1991-1997).

Pagdating sa pakikisama ay maasahan mo si Carmi, kaya hindi siya nawawalan ng trabaho at gusto siyang makatrabaho.

Puring-puri siya ni Senator Bong Revilla, dahil kahit nahirapan na siya at kitang-kitang napapagod na sa kamo-motorcade para sa promo ng kanilang programa, wala siyang reklamo at masaya pa ring nakipagtsikahan sa mga entertainment press.

Read: Carmi Martin recalls confronting pasaway co-star on the set: "Hindi ko na napigilan, in-award ko na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carmi Martin on playing a trans woman in the upcoming film Mudrasta: “Oo, bading na bading pero siyempre, habang wala akong eksena… Diyos ko! Talagang ineensayo ko! Bini-video ko pa yung sarili ko. Kung paano maglakad, paano mag-deliver ng lines… sabi naman, OK naman daw.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results