PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erik Matti at Neil Daza, nagtatalo dahil sa Eddie Garcia Law

Erik Matti at Neil Daza, nagparunggitan sa social media.
by PEP Troika
Published Feb 4, 2025
erik matti neil daza eddie garcia law
Acclaimed director-producer Erik Matti (left) and award-winning cinematographer Neil Daza (right) have a heated argument on social media about the implementation of Eddie Garcia Law.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Napansin ng karamihan sa mga taga-showbiz ang mainit na patutsadahan sa social media ng direktor na si Erik Matti at ng cinematographer na si Neil Daza, na parehong kilala sa larangan ng paggawa ng pelikula.

Tila isyu sa pagpapatupad sa Eddie Garcia Law (EGL) ang pinagtatalunan ng dalawa.

May mahabang hanash si Direk Erik na ipinost sa Instagram at Facebook noong Enero 31, 2025.

Read: President Ferdinand Marcos Jr. signs Eddie Garcia Law

Ani Direk Erik: “To those producers and directors who adhere to the EGL but are bogged down by film workers who still make our lives difficult despite that, PM me privately. I know a few names that we should not work with.

“There is a cabal of filmworkers who feel that every movie set is out to exploit people forgetting the age old belief that making films is really like going to war.

“Filmmaking is hard enough these days, we don't need people like them to make things harder for industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If they choose to not be on the set despite giving them everything the EGL asks from us, then they would be better off in a 9-5 job where they can just show up, be present and wait for office hours to finish. They don't need to make movies.

“Remember, making films is about gathering a group of creative and technical people passionate enough to tell a singular story that they collectively feel worth telling.

“Not just by people who are solely there to make a living. It is about making a living while creating something of value.

“But if you just want to make a living and not have the energy to create and execute it well, there are other jobs that pay better, not as hardworking and can even send you home early in time to fetch your children from school.

“The EGL set the limits. But together with that, we also need to be responsible to telling the story we set out to do within those limits.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And not compromise it for the handful with their own preferred conveniences or laziness guided by their own literal or even twisted translation of what they understood the EGL to be.

“This is not about passion. This is about what's right. To keep making movies that can still matter.”

Maikli ngunit malaman naman ang mensahe ni Neil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nito: "It's exploitation disguised as passion. And the very reason why EGL was created."

Sa mismong Facebook post ni Neil ay nagkomento si Direk Erik.

Pagalit at naghahamon ang tono ng direktor: "Ito talaga pards naghahanap ka ng away! Kala ko gusto mo kwentuhan? K*p*l ka pards."

Read: Senator Robin Padilla pinatunayang kaya ang 16 hours na shooting ng pelikula

neil daza vs erik matti
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARGUMENTS ABOUT THE IMPLEMENTATION OF THE EDDIE GARCIA LAW

Bago pa lumabas ang isyu nina Direk Erik at Neil, napag-usapan na namin ng ilang producers at artista ang mahigpit na pagpapatupad ng Eddie Garcia Law sa mga ginagawang pelikula at teleserye.

Napag-alaman ng PEP Troika na sa ibang TV shows pala ay may parang bundy clock kung saan kailangang nagta-time in at time out ang mga artista at staff.

Halos iisa ang hinaing ng ilang producers na nakausap: mahirap talaga sa kanila ang pagpapatupad ng EGL dahil kailangan nilang sundin ang itinakdang working hours.

Tuloy, nadodoble ang kanilang production cost.

Nabanggit namin ito kay Senator Bong Revilla, na isa sa nagpasa ng EGL sa Senado.

Isa ring movie producer ang actor-politician.

Ang Imus Productions ng pamilya Revilla ang co-producer sa GMA-7 ng katatapos lang na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Ayon kay Bong, nang nakapanayam namin sa motorcade ng kanyang action-comedy program, sinusunod nila ang nakasaad sa Eddie Garcia Law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: “Dito sa Tolome, we have to admit, talagang lumaki yung cost because of the Eddie Garcia Law. Talagang lumaki yung cost.

“Pero hindi kami nagrereklamo, ha. Kami yung gumawa ng batas, e.

“Siyempre, ni-request yan ng mga artista… baka ako naman ang magiging kontrabida niyan sa mga producer.

“Ayokong maging biased diyan.

"Pero sa totoo lang, medyo ano talaga… baka mag-suffer kasi ang quality, kasi ang ano, 'Bilisan mo na, bilisan mo na. Finished or not…'

"Kapag ganun, titirahin na lang kahit papano yung mga eksena. Mawawala na yung quality.

“Kung hindi naman, magba-balloon talaga yung cost ng project ng pelikula o sa telebisyon."

Sa kabila nito, kailangan daw nilang sundin ang batas kahit para sa iba ay may mga butas pa ito.

Sabi ni Bong, “Pero dapat sundin, batas yan, e. Sa Eddie Garcia Law, you have to follow. Kapag hindi sumunod, mananagot sila diyan.

“No matter what, batas na yan. Kailangang sundin yung batas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Leo Martinez slams Eddie Garcia Bill

JERRY OLEA

Totoo kayang may ilang producers na hindi sinusunod ang naturang batas, pero ayaw na lang magreklamo ng mga artista?

Meron pa rin daw hindi sinusunod ang ipinapatupad na working hours, pero walang nagrereklamong artista sa takot na hindi na sila kukunin uli.

Sa totoo lang, meron talagang ganung nangyayari. Kailangan lang daw kasi nila ng trabaho, kaya tahimik na lang sila.

LAWMAKERS WILLING TO LISTEN TO PRODUCERS?

Posible pa kayang i-amend ang naturang batas?

Open kaya ang mga mambabatas, kagaya ni Senator Bong, na pakinggan muli ang ganitong hinaing ng producers?

Saad ng actor-politician: “Yes. We are willing to listen kasi at least na-experience nila yun. Alam ninyo kung anong epekto.

“Pero, if ever na amyendahan yan, basta mapangalagaan natin yung mga seniors.

“Yung mga bata rin dahil sa sobrang ano... sa oras, lumiliit lalo yung role nila, kasi very limited na lang yung time na binigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baka ang mangyari, darating yung araw wala na kayong makikitang bata sa project, dadayain na nila yung batang maliit na ganyan.

“Ang kukunin nila yung mga maliliit na bata na eleven years old to twelve,” napangiting pahayag ni Bong.

Matagal ding pinag-usapan ang Eddie Garcia Law sa Senado at Kongreso hanggang sa naisabatas ito. Kaya ngayon ay kailangang sundin ang batas.

Saad ni Bong, “Pinayagan, e, yun ang request ng karamihan sa mga artista.

“Ngayon, kung magsa-shutdown o hindi na magpo-produce yung mga producer dahil nalulugi sila, sino rin yung maapektuhan? Yung mga artista.

“Dati nakakalagare ang mga artista. Hindi kailangan pag diyan ka, ngayon diyan ka lang. Hindi ka puwede lumagare.

“Dati nakakadalawa o tatlong pelikula pa. Ngayon, hindi pupuwede kasi siyempre nagmamadali, e.”

Read: Local artists, nagtipun-tipon para talakayin ang Eddie Garcia Law

NOEL FERRER

Ang Eddie Garcia Law o Republic Act 11996 ay isinabatas noong Mayo 24, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ay naglalayong protektahan at tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Sa ilalim ng batas, ang mga manggagawa ay dapat protektahan ng kanilang mga employer o producer.

Ang batas ay nagtatadhana para sa pagpapatupad ng mga oras ng trabaho, sahod, social security and welfare benefits, basic necessity, health and safety, working conditions and standards, and insurance.

Ang proteksiyon ng mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ay dapat ding umaayon sa Labor Code of the Philippines o Presidential Decree No. 442 at Republic Act No. 11058 o ang “Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties para sa mga Paglabag” at iba pang naaangkop na batas.

Nakasaad pa na ang mga lalabag sa alinmang seksyon ng batas ay pagmumultahin ng hanggang PHP100,000 para sa unang offense; hanggang PHP200,000 para sa second offense; at hanggang PHP500,000 para sa ikatlo at mga sumunod na paglabag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pakinggan na lang natin kung ano ang epekto sa producers nitong pagpapatupad ng Eddie Garcia Law.

Apektado nga kaya ang kalidad ng mga ginagawa nilang pelikula at TV shows?

Sa totoo lang, may ilang artistang pumapayag ma-extend ang oras ng trabaho para pagbigyan ang pakiusap ng producer.

Sabi ng isang magaling na aktor, kahit nung nabubuhay pa si Eddie Garcia ay wala ngang cut-off at hindi nagrereklamo kapag lumalagpas na sa oras ang trabaho.

Read: Iza Calzado, kabilang sa umaasang maipasa ang Eddie Garcia Bill

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Acclaimed director-producer Erik Matti (left) and award-winning cinematographer Neil Daza (right) have a heated argument on social media about the implementation of Eddie Garcia Law.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results