JERRY OLEA
Sa pelikulang Anino sa Likod ng Buwan (2015) na isinulat at idinirek ni Jun Robles Lana, medyo babad ang frontal nudity ni Nardo (Anthony Falcon) samantalang panay-panay ang pawetpaks ng sundalong si Joel (Luis Alandy) sa mga makapukaw-hayup na harutan nila ni Emma (LJ Reyes).
Sa press preview ng dulang Anino sa Likod ng Buwan na idinirek ni Tuxqs Rutaquio nitong Pebrero 8, 2025, Sabado sa Arete ng Ateneo de Manila University, Quezon City, walang pagkukunwari ang kalaguyong si Joel (Martin del Rosario) na nagpasilip ng kalahating “tangkay.”

May butt exposures pa rin si Joel sa umaatikabong subsuban at puksaan nila ni Emma (Elora Españo), samantalang tila damong makahiya si Nardo (Ross Pesigan).

Hindi nahirapan si Elora sa mga “for adults only” scenes nila ni Martin.
Pagmamatwid ni Elora, “Challenging yung complexities nung character and yun nga, the depth of the… yung complexities talaga ng character.
“Kasi dun sa intimate scenes, it’s just choreography. And understanding why we are doing that intimate scene.
“So mas challenging talaga yung building the character for me.”
Pinunto ni Direk Tuxqs, minsan at sandali lang um-exit si Elora kaya kailangang ma-build iyong trajectory nito kasabay sina Martin at Ross.
“Parang secondary na yung mga… yung sex…” pagmumuwestra ni Direk Tuxqs.
Sambot ni Martin na first time mag-teatro, “Dun sa rehearsal, hindi naman natin inaano, e. Walang dikit, walang hawak.
“So I guess yung ipinakita natin ngayon, parang second time pa lang nagdikit yung labi natin, yung maghawak-hawak kung saan-saan.
“So mas ano kasi, mas parang natural na mag-react ka lang dun sa ginagawa namin ng co-actor ko…
“Tama si Elora. Ang naging challenging for me dito, yung character ni Joel. Gandang-ganda ako sa karakter ni Joel pero napaka-complex din niya.
“Paano mo made-deceive yung mga taong nanonood na may ganito pala kasamang tao na akala mo lover boy noong second act?
“So medyo complex siya. Ano ang intensyon niya? Bakit niya ginawa iyon? Andaming ganun.
“So actually, dito sa mga susunod na rehearsals, I’m sure may mga madi-discover pa. Kasi bawat run namin, parang for some reason, iba-iba.
“Wala akong nagagawa yatang parehas na parehas. Parang laging may ibang timpla.
“So siguro by March, ibang-ibang version uli yung mabubuo.”
Natatawang hirit ni Ross, “Wala naman po akong intimate scene.”
Ipapalabas ang dulang Anino sa Likod ng Buwan sa Marso 1-23, 2025 sa PETA Theater Center na nasa Eymard Drive, New Manila, Quezon City.
Apat na shows sa bawat weekend ang kanilang pagtatanghal. Understudies sina Edward Benosa, Denise Esteban, at Vincent Pajara.
Ito ang unang dula na prinodyus ng IdeaFirst Live, na nasa ilalim ng The IdeaFirst Company kung saan president si Direk Perci Intalan, at chief creative officer si Direk Jun Robles Lana.
Ibinalita ni Direk Jun na ang susunod nilang stage presentation ay Die Beautiful The Musical.

GORGY RULA
Matulis ang pa-espada ni Martin del Rosario sa press preview ng Anino sa Likod ng Buwan.
“Half-half lang naman. Hindi ko naman ipinakita yung ano,” napapangiting sabi ni Martin.
“Ha-ha-ha! Silip lang, hindi naman buyangyang na… Ha-ha-ha-ha-ha!”
Maraming beses niyang gagawin iyon sa PETA Theater Center.
“E ako naman, gagawin ko for the first time, gawin mo nang ano, di ba?” kaswal na sambit ni Martin.
“Todo-todo. Kasi first project [sa theater], ganito kaganda, di ba? Napakasuwerte ko na…
“Dati pinag-iisipan ko, dina-doubt ko yung sarili ko na, ‘Tatanggapin ko ba ito? Kaya ko ba ito?’ Yun yung mga tumatakbo sa utak ko.
“Pero na-realize ko, kung hindi ko tinanggap ito, pagsisisihan ko bandang dulo. Kasi sobrang ganda ng role.
“Ang ganda ng mga dahilan. Andiyan na, nakaharap na sa akin. May oras ako.”
Sa pagtatanghal nila sa PETA, ipapakita kaya niya ang lahat-lahat, hindi lang half-half kundi hanggang “ulo ng mga nagbabagang balita”?
Mabilis na tugon ni Martin, “Depende. Kasi kung ma-feel kong puwedeng ganun, pero hindi ko alam kung anong ma-feel.
“Puwede, oo. Kung ano, depende. Depende sa moment, hindi natin alam. Hindi natin alam, oo.”
NOEL FERRER
Buhay na buhay ang teatro at maganda ang talaban nila ng pelikula.
Kung mapangahas na ang pelikula, kakaiba rin ang challenge kapag live.
Walang take two. May instant reaction at kakaibang energy na nanggagaling din sa audience.
Kitang-kita mo ang commitment ng actors para sa magandang materyal na ito, kaya I’m sure mag-e-evolve pa ang mga ito sa kanilang mga roles kapag regular showing na!
Kudos kay Luis Alandy (yes, balik-Luis Alandy na siya) na nanood sa role na ginampanan niya 15 years ago at nagbigay sa kanya ng Gawad Urian Best Actor nomination!

Sabi niya sa akin, gusto niyang magbalik-teatro rin (ginawa niya ang Penis Talks noon with Direk Joel Lamangan).
In the meantime, tatapusin lang niya ang project niya with Direk Marlon Rivera, then two more TV projects that will keep him busy.
Sa February 20, ga-graduate din siya bilang isa sa mapapalad na workshoppers sa Cinematography Course sa Mowelfund!
Truly, napakaganda ng pasok ng 2025 kay Luis. Sana, magtuluy-tuluy na!
