PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeff Moses okey lang maghubad sa pelikula, pero...

Hindi naman daw niya sinasadyang magpa-sexy.
by PEP Troika
Published Feb 9, 2025
Jeff Moses
Ayon kay Jeff Moses, puwede naman daw siyang mag-sexy o maghubad sa pelikula, pero desisyon pa rin daw ng Sparkle management ang susundin niya.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Natatawa na lang ang Sparkle artist na si Jeff Moses sa kantiyaw ng ilang entertainment media kung niligawan ba nito noon si Jillian Ward.

Matagal na nagkasama ang dalawa sa Abot-Kamay Na Pangarap, at naging close sila.

Umiiling si Jeff nang tinanong ito sa kanya sa nakaraang media conference ng Binibining Marikit.

“Sa totoo lang po, sobrang lapit po namin sa isa’t isa, close kami.

“Ano naman kami ni Jillian talaga, like ever since sa show, sobrang close namin. Maganda yung friendship talaga namin ni Jill,” pakli ni Jeff.

Ilonggo kasi si Jeff kung saan nagbida sa 1st Puregold CinePanalo entry na Under A Piaya Moon na purong Ilonggo ang dialogue.

Kaya sinabi ng ilang reporters sa kanya na mas bagay sana kung siya ang leading man ni Jillian sa My Ilonggo Girl.

Hindi ba siya na-hurt na si Michael Sager ang piniling maka-partner ng Star of the New Gen?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, hindi po. Ako, happy po ako na sila, binigyan ng project na ganyan. Si Michael close ko, si Jillian close ko rin,” sagot agad ni Jeff.

May group chat nga raw sila at binati pa raw niya ang dalawa sa My Ilonggo Girl na maganda ang performance sa ratings.

Thankful din si Jeff sa GMA-7 dahil hindi siya nawawalan ng project. Pagkatapos ng Abot-Kamay ay ibinigay sa kanya itong Binibining Marikit ni Herlene Budol na magsisimula na sa afternoon drama ng GMA-7 bukas, February 10 pagkatapos ng It’s Showtime.

JERRY OLEA

Napansin ang kaseksihan ni Jeff Moses sa pagpi-flex niya sa kanyang Instagram account. Hindi naman daw niya sinasadyang magpa-sexy sa mga ipino-post niya sa social media.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mahilig po ako mag-workout. Hindi lamang dahil gusto ko mag-look good lang, ganun. Pero kasi, iba rin yung sa mental health ko na rin po.

“Gusto ko na rin mag-exercise para mag-improve yung health ko, as well as sa physical health ko po. Ahhh... masarap po sa pakiramdam na nakapag-ehersisyo, and actually, ginagawa ko na po siyang lifestyle and part na rin po ng daily life ko.

“Aside po sa nag-e-enjoy ako, resistensya ko po yan sa trabaho. Kasi, laging puyatan po kaming mga artista,” pakli ni Jeff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero open ba siya sa projects na kailangan niyang magpa-sexy? Okey lang bang maghubad siya sa isang pelikula?

“Ako naman po… mataas po yung respeto ko in terms of work. Kasi siyempre, I worked professionally, and…. yes, ahh, may mga times po na nag-offer ng work na 'Okey ba si Jeff dito?' di ba, ganito-ganyan?

“Sa part po na yun, sinusunod ko po yung gusto ng management, sa Sparkle po. And yun, so far naman po wala pa naman pong specific project na inalok sa akin na mag-topless si Jeff Moses.

“Pero, I’m open po na if ever po na gusto nilang ganun, basta po ako iano ko po, i-consider ko po. Irerespeto ko po yung decision ng Sparkle sa akin,” sambit nito.

Pero may limitations pa rin sa kanya sakaling bibigyan siya ng isang project na kailangan niyang magpaka-daring.

“Personally ano po, hindi po muna sa totally ano po, alam nyo po. Siguro if they want to work with me na kita po yung physique ko, siguro po topless po, puwede. But then again, depende po sa management.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro, hindi po ako ganun ka-daring sa ganun po,” tugon ng 24-year-old Kapuso actor.

NOEL FERRER

Hindi nakaligtas si Jeff Moses sa mga nagpapadala sa kanya ng mensahe na parang may indecent proposal na.

Pero hindi naman daw siya nababastusan sa mga mensaheng natatanggap niya. Wala naman daw siyang pinapatulang indecent proposals.

“Before po, meron po,” pakli niya. “Pero para sa akin po hindi ko po siya tinatanggap as bastos. Ahhmm, iniisip ko na lang po na ang mga ganun po, yung mga taong humahanga sa 'yo, and na-appreciate itong physique mo.

“And ako naman po, marespetong tao and the way I react, the way po na mag-respond sa mga ganun po, nag-thank you na lang po ako, and I do appreciate, na na-appreciate niyo ako as a person. But hindi po kasi ako yung tipong nagde-date around or lumalabas.

“Mahal ko po yung trabaho ko, at yun, mataas po yung respeto ko sa ibang tao at sa sarili ko,” saad ni Jeff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Jeff Moses, puwede naman daw siyang mag-sexy o maghubad sa pelikula, pero desisyon pa rin daw ng Sparkle management ang susundin niya.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results