PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez, maraming aral na natutunan sa pagsali sa MMFF

Nathan Studios ng pamilya Atayde, pambata ang unang offering ngayong 2025.
by PEP Troika
Published Feb 10, 2025
sylvia sanchez buffalo kids special screening
Sylvia Sanchez: "Sinubukan namin, tinray, and ang dami naming learnings, ang dami naming natutunan dito sa Metro Manila Film Festival. Tapos ngayon siyempre, hindi naman puwedeng sa isang laban lang, susuko ka. Dapat lumaban ka nang lumaban, para manalo ka, di ba? Parang maging maayos yung pagsali mo sa Metro Manila Filmfest."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Maraming natutunan si Sylvia Sanchez bilang producer sa pagsali ng pelikulang Topakk sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.

Ang pag-aari ng kanilang pamilya na Nathan Studios ang producer ng action movie na pinagbidahan ng anak ni Sylvia na si Arjo Atayde.

Read: Topakk ni Arjo Atayde, R16 ang habol na MTRCB rating

Hindi na idinetalye ng actress-producer kung ano ang mga natutunan niya, pero marami raw.

Ngunit sa kabila nito, patuloy pa rin daw sa pagpo-produce ang Nathan Studios.

FIRST SALVO IN 2025

Ang unang pasabog ng Nathan Studios ngayong 2025 ay ang distribution ng animated film na Buffalo Kids.

Ang Buffalo Kids ay isa sa mga pelikulang binili ng Nathan Studios sa Cannes International Film Festival.

Iso-showing na ito sa mga sinehan umpisa February 12, 2025, Miyerkules.

buffalo kids
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung ang Topakk ay binigyan ng ratings na R16 at R18 ng MTRCB, itong Buffalo Kids ay Rated PG—pambata at wholesome.

May matututunan daw rito ang mga kabataan, pati na rin ang oldies.

“After Topakk, Metro Manila Filmfest, R18, R16, ngayon naman Rated PG.

"Tapos yung susunod naman, I’m sure Rated PG din yun, kasi maganda,” bulalas ni Sylvia nang nakapanayam ng PEP Troika sa special screening ng Buffalo Kids sa Cinema 12 ng Gateway Mall 2, Cubao, Quezon City, nitong Linggo, February 9, 2025.

Dagdag pa ng aktres, “Yung mga dini-distribute ng Nathan… kasi ngayon nandun kami sa may advocacy ang Nathan Studios na pag nagpapalabas, talagang may aral na makukuha.

"Like eto, Buffalo Kids, special naman ito, special child naman ito, tapos yung mga batang mga orphans, alam mo yung ganun.

“Sa susunod naman mga nanay, mga lola, yung ganun. Iba-iba. Iba yung genre, actually meron kaming horror.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi pupunta lang naman ako sa ibang bansa, maghahanap ako ng puwedeng ipalabas dito, so makakapamili ka.

"Pag nagandahan ka, bibilhin mo. Pag tingin mo papatok dito, e, di kunin mo, choice mo."

Read: Lorna Tolentino, pinasok na ang pagiging producer; bumili ng mga pelikula sa Cannes

Sa totoo lang, na-enjoy naming mga oldies ang Buffalo Kids.

Idinirek ito ni Gabo Galdochi sa ilalim ng produksiyon ni Pedro Solis.

Tampok dito ang boses nina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham.

Ipinalabas ito sa Annecy International Animation Film Festival noong June 2024, at kaagad itong na-distribute sa Europe at Asia.

JERRY OLEA

Sabi pa ni Sylvia Sanchez, tuluy-tuloy ang pagpo-produce ng Nathan Studios.

Meron na nga raw silang kinakasang project na balak nilang isali sa susunod na MMFF.

Lahad ni Sylvia: “Gigiling na ang Nathan Studios ulit, pang-Metro Manila Film Festival.

"Ngayon yung Topakk, R18, R16 kami… kasi yung Topakk was intended yun abroad. Sinama lang namin dito sa Metro Manila Filmfest.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sinubukan namin, tinray, and ang dami naming learnings, ang dami naming natutunan dito sa Metro Manila Film Festival.

“Tapos ngayon, siyempre hindi naman puwedeng sa isang laban lang, susuko ka.

"Dapat lumaban ka nang lumaban, para manalo ka, di ba? Parang maging maayos yung pagsali mo sa Metro Manila Filmfest.

"Saka hindi lang yun. Yung mga ipapalabas mo dito, ang daming learnings dun, so maa-apply mo dito kahit hindi sa Metro Manila Filmfest.”

Dahil sa mga natutunan niya sa nakaraang MMFF, alam na raw ni Sylvia ang mga gagawin sa susunod na pagsali ng Nathan Studios.

Read: Sylvia Sanchez anoints Julia Montes as next Action Queen

NEXT ENTRY TO MMFF

Pahapyaw na nabanggit ni Sylvia sa amin kung ano ang gagawin nilang pang-MMFF, kung saan ay makakasama niya si Lorna Tolentino.

“Quiet muna, yun yung pang-Metro Manila Filmfest. Yun yung ipalalabas namin sa Metro Manila Filmfest.

“Kasi hindi naman porke’t nag-ano kami sa Metro Manila Filmfest, yung huling laban namin yung Topakk, hindi naman kami nag-stop dun e,” saad ni Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta ang susunod daw na gagawin ng Nathan Studios ay wholesome, pambata—na yun naman talaga ang crowd ng MMFF taun-taon.

Abangan daw ang mga pambatang pelikulang idi-distribute ng Nathan Studios.

“Gusto lang namin, we want to be different. Pag sinabing Nathan Studios ay kakaiba. Alam mo yun? Kakaiba.

"Basta eto na yung umpisa ng solo nang pag-distribute ng Nathan Studios.

“Eto na yung path na gusto namin, na bilhin na movies abroad. At ayaw namin mag-stick sa family drama lang, gusto namin lahat, pati horror, lahat na genre,” sabi ni Sylvia.

Read: Sylvia Sanchez recalls delaying Arjo Atayde's entry into showbiz

NOEL FERRER

Sa special screening ng Buffalo Kids sa Gateway nung Linggo ay nimbitahan ni Sylvia ang mga bata sa Kapamilya network.

Pupunta ba ang first apo niyang si Sabino, na anak nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo?

“Hindi puwede, four months pa lang siya. So, hindi puwede,” nakangiting bulalas ni Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ng screening ng Buffalo Kids ay tutuloy raw sila ng mister niyang si Art Atayde kina Ria at Zanjoe para dalawin ang kanilang apo.

“Actually, hindi namin palaging nakikita yung bata dahil busy kami. Like eto, after nito, Sunday, pupuntahan lang namin,” aniya.

Hinahayaan na lang daw muna nila ang mag-asawa kung kailan nila gustong ipakita sa publiko ang baby.

“Pero pinapabayaan namin sina Zanjoe at Ria ang mag-alaga sa baby nila.

“Basta isa lang sinasabi ko, pag naglakad yan, at marunong na yan, akin na yan. Hahaha! Ako na mang-i-spoil niyan.

"Ngayon hindi, bahala muna sila,” natatawang sambit ni Sylvia.

Read: Sylvia Sanchez, ibinahagi ang pagiging first-time lola

Wala munang tinatanggap na projects ngayon si Sylvia dahil nakatutok siya sa Nathan Studios, at tumutulong din siya sa pangangampanya para sa re-election ng anak niyang si Quezon City District 1 Congressman Arjo Atayde.

“Merong series, kaso nga lang yung series naman, mag-start na kampanya naman ni Arjo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, nandun kami campaign hanggang May e. So, hindi talaga puwede.

“Actually, iba-ibang istasyon may offers, masaya ako. Kaso nga lang yung kampanya.

"Tapos, yung two movies pumasok hindi ko rin matanggap. Pero after election, puwede na ako.

“Saka na, kasi election muna,” saad ni Sylvia.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez: "Sinubukan namin, tinray, and ang dami naming learnings, ang dami naming natutunan dito sa Metro Manila Film Festival. Tapos ngayon siyempre, hindi naman puwedeng sa isang laban lang, susuko ka. Dapat lumaban ka nang lumaban, para manalo ka, di ba? Parang maging maayos yung pagsali mo sa Metro Manila Filmfest."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results