Trigger warning: Mention of sex-related words
JERRY OLEA
Kaibigan ng mag-asawang Emma (Elora Españo) at Nardo (Ross Pesigan) ang sundalong si Joel (Martin del Rosario) sa dulang Anino sa Likod ng Buwan.
Taong 1993 ang kaganapan, at refugees ang mag-asawang Emma at Nardo sa isang bayan kung saan nagdidigmaan ang mga militar at rebelde.
Nagkakatuwaan ang tatlong magkakaibigan sa paglalaro ng baraha.
Read: REVIEW: Request sa Radyo exposes loneliness of OFWs abroad

SIZE DOES NOT MATTER
Nagpataasan ng ihi kapagkuwan ang dalawang lalaki, at nagkumparahan ng ari. Kanino ang mas mahaba? Kanino ang mas mataba?
Nakita na rin ni Emma ang “sandata” ni Joel pero ayaw magpabuyo ng babae sa tanong kung kaninong “espada” ang mas malaki.
Para kay Emma, hindi mahalaga ang sukat. Ang mahalaga ay kung kanino ang mas masarap.
Masarap panoorin ang talastasan at balitaktakan ng tatlong karakter, lalo pa’t sa mga sulyapan ay mahihiwatigan ang mga ikinukubling lihim.
Ang mga halakhak at halinghing ay mapagkunwari. Mapanukso. Mapanlinlang.
Sino ang tunay na marupok? Sino ang tapat sa kanyang hangarin? Sino ang sadyang napupukaw ang hayop sa kanyang kaibuturan?
ON DEALING WITH DELICATE SCENES
Ang dulang Anino sa Likod ng Buwan ay idinirek ni Tuxqs Rutaquio mula sa panulat ni Jun Robles Lana.
Pahayag ni Ross sa open forum matapos ang press preview ng dula noong Pebrero 8, 2025, Sabado, sa Arete ng Ateneo de Manila University, Quezon City, “Kapag kasi may context na ng ano, why you’re doing it, why you’re stripping off your clothes, why you’re doing this sex scene with this other character — natatanggal talaga yung malice, e.
“So in the case of Emma, she’s doing it for… it’s a power play, di ba? ‘I’m on top,’ ganyan. Tapos in the case of Joel naman, manipulation. Pareho naman silang manipulation, e.
“Pero pag nilagay mo yon, gaya ng sabi nga ni Sir Tuxqs, secondary na lang yung idea na sex scene siya.
“Mas magiging ‘I’m doing this because…’”
First time ni Martin na mag-teatro, at pasiklab agad siya. Nakakadarang, nakakapag-init, nakakangitngit ang kanyang pagganap.
Read: Martin del Rosario nagpasilip ng "tangkay" sa entablado
Pinag-usapan nina Martin at Elora ang maseselang eksena.
Wika ni Martin, “Very respectful kami sa isa’t isa. Sinasabi ko madalas sa kanya kung… ‘Magsasabi ka lang kung may… hawakan mo ako nang mahigpit kung may nahahawakan akong hindi ka kumportable.’
“Feeling ko nakatulong sa akin na alam mo, si Elora, very open.”

Itatanghal ang dulang Anino sa Likod ng Buwan sa Marso 1-23, 2025 sa PETA Theater Center, Eymard Drive, New Manila, Quezon City.
Bawat weekend ay may apat na palabas.
Understudies sina Edward Benosa, Denise Esteban, at Vincent Pajara.
Ito ang unang dula na iprinodyus ng IdeaFirst Live, na nasa ilalim ng The IdeaFirst Company kung saan presidente si Direk Perci Intalan, at chief creative officer si Direk Jun Robles Lana.
Read: Elijah Canlas, Kokoy de Santos, Therese Malvar may live reading ng Anino sa Likod ng Buwan

GORGY RULA
Ano ang pakiramdam ni Elora Españo matapos ang press preview ng Anino sa Likod ng Buwan? Pagod na pagod?!
Natatawang sagot ng aktres, “Actually parang nilabasan. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Puwede ba yon sabihin?
“Para siyang nag-orgasm. Nakakapagod pero masaya. So, yung pagod niya is parang kaya energized pa rin.
“So, naano. Yun po, pero sarap kasing… ang sarap gawin nung lahat kasama nung mga co-actors and everyone backstage. So ayun.”
May naramdaman ba siyang pagte-take advantage on the part of Martin?
Umiling si Elora, “Wala naman, wala. Kasi naiintindihan namin yung character.
"Siguro nagkaroon din lang kami ng parameters before we do the rehearsals or the choreography for the intimate scenes…
“Naalalay namin siya… para hindi too much. So everything is smooth sailing naman pagdating dun.”
Ano ang assessment niya kay Martin na first time mag-teatro?
“Ay, naku! Sobrang sarap katrabaho ni Martin. Kahit na first time niya, even si Denise, sobrang ano sila, nakikinig,” tugon ni Elora.
“On time. Walang diva sa cast. So, sobrang OK nung camaraderie namin.”
Sa totoong buhay, kaya ba niyang gamitin ang kanyang pagkababae bilang armas?
“My gosh, mahirap. Siguro... siguro kung ganito kabigat nung pinagdadaanan ko — pero in real life right now, parang hindi ko siya kayang gawin,” saad ni Elora.
“Kasi wala namang need for it. Pero kung pinagdadaanan ko yung katulad nung pinagdadaanan ni Emma, why not?”
May pagdadaanan ba siya sa Valentine’s Day?
“Oh my God! Ang pagdadaanan ko po ay trabaho rin. Gagawa po ako ng short film,” pagsisiwalat ni Elora.
“Para sa mga estudyante. Kinuha po akong artista ng mga estudyante.”
NOEL FERRER
Sa press preview ng Anino sa Likod ng Buwan, ilang beses sumubsob si Martin del Rosario sa pagkababae ni Elora Españo.
“Ano naman din, we know about the blocking na itself. So parang we braced ourselves na, ‘O, dito kita hahawakan, o gaganituhin kita.’ Tapos siya rin sa akin,” lahad ni Elora.
“Kasi may mga times din na yun nga, yung baril-baril ganesh. So, may maayos na communication sa isa’t isa.”
ON MARTIN DEL ROSARIO'S EXPOSURE
Hindi nagulat si Elora nang ipasilip ni Martin ang kadakilaan nito sa press preview. Nasilayan na niya iyon nang manood si Direk Jun Robles Lana ng rehearsal nila a week before.
Napabuntong-hininga si Elora, “Pero ano naman... nag-preview po kasi kami kay Direk Jun. So, ayun, may pa-reveal.
“Abangan yung pa-reveal, yun na lang ang masasabi ko. Abangan niyo yung pa-reveal…
“Sinubukan lang namin ipasilip [sa preview kay Direk Jun] so that we’ll be comfortable for here [sa press preview].”
Nakita na niya ang lahat kay Martin?
“Hindi naman lahat.”
Mas magiging mapangahas ba sila kapag nagtatanghal na sila sa PETA Theater Center?
“Abangan niyo sa show. Abangan niyo sa show! Meron talaga kaming prinepare for the show!” bulalas ni Elora.
