GORGY RULA
Maganda ang ratings ng mga programa ng GMA-7 noong Biyernes, February 7, 2025, lalo na sa panghapon dahil patapos na ang Lilet Matias: Attorney-At-Law.
Okay lang ang It’s Showtime na malakas naman online. Naka-6.2% ito, at ang katapat nitong Eat Bulaga! sa TV5 ay naka-3.7%.
Ang Lilet Matias naman ay naka-8.2%.
Read: Online platforms, unti-unting pinapatay ang traditional TV

Mababa yung mga katapat nitong replay na Kapamilya teleserye. Ang Frontline Express naman ng TV5 ay 2.2%.
Sumunod ang Prinsesa ng City Jail na pataas nang pataas ang rating. Naka-8.4% ito.

Ang Forever Young na malapit na ring matapos ay naka-7.9%.

Ang Fast Talk With Boy Abunda, kung saang guests sina Boobay at Super Tekla, ay 5.3%.
Okay rin ang Perfect Marriage Revenge na naka-3.3%.
Ang Wil To Win sa TV5 ay hindi na nakasampa sa 2%, naka-1.7% lang ito noong araw na iyon.
Curious tuloy kami kung lalo ba itong bababa o mas tataas kapag hindi na si Willie Revillame ang host?
Tumaas din ang Family Feud na naka-8.7%.
Read: TV ratings vs online views: anong shows ang talagang pinapanood?
BINIBINING MARIKIT PILOT EPISODE
Ngayong Lunes, February 10, nagsimula ang Binibining Marikit na kapalit sa timeslot ng Lilet Matias.
Nandiyan pa rin kaya ang lakas ni Herlene Budol sa televiewers at kasinlakas din kaya ito ng Magandang Dilag niya?
Read: Herlene "nag-take advantage" sa leading men na sina Tony at Kevin

NOEL FERRER
Noong Sabado, February 8, ay naka-6.4% ang It’s Showtime, at 3.4% naman ang Eat Bulaga!.
Sumunod ang finale episode ng Lilet Matias: Attorney-At-Law, kung saan ay special guest si Dingdong Dantes. Naka-8% naman ito.
Ang Tadhana ay 6.7%, at ang Wish Ko Lang! ay 5.2%.
Okay rin ang Maka na naka-4%.
Pagdating sa primetime, sinimulan ito ng 24 Oras Weekend, naka-6.9%.
Ang TV Patrol Weekend ng Kapamilya Channel ay 1.4% at ang Frontline Weekend ng TV5 ay 0.9%.
Ang Daig Kayo ng Lola Ko, na napapanood din sa GTV, ay 8.3%.
Sumunod ang Pepito Manaloto na naka-9.4%, at pagkatapos nito ay ang Magpakailanman na 9.1%.
JERRY OLEA
Namamayagpag pa rin ang FPJ’s Batang Quiapo, na napapanood sa TV5 at Kapamilya Channel, na nagpasok ng mga bagong karakter.
Noong Biyernes ay naka-14.9% ito, at 9% lamang ang katapat nitong Lolong: Bayani ng Bayan.
Pati ang Incognito ay na-maintain din ang mataas na rating na 8.7%, at ang Mga Batang Riles ay 7.6%.

Sumunod ang Amazing Earth na 4.8%, at ang How To Spot The Red Flag ay 3.5%.
Read: TV Ratings: Mga Batang Riles, kumasa ba sa Batang Quiapo?
Noong Linggo, February 9, ay okay naman ang All-Out Sundays kung saan nag-live sila kasama sina Heart Evangelista at Alden Richards. Naka-3% ito.
Ang katapat nitong ASAP Natin ‘To ay 2.6%.
Sumunod ang GMA Blockbuster na 2.6%.
Ang Regal Studio Presents ay 2.6% din, at ang katapat na PBA Game 1 ay 2.3%.
Ang Resibo naman ay 2.7%.
Sa primetime, naka-6% ang 24 Oras Weekend.
Nagsimula na ang Pinas Sarap na naka-8.6%.
Naurong ang BBL Gang na naka-8.4% lang dahil wala na ito sa GTV.
Sumunod ang Kapuso Mo, Jessica Soho na 14.6%, at ang The Boobay and Tekla Show na nag-celebrate ng kanilang 7th anniversary ay naka-3.8%.
