PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedy special ni Alex Calleja naungusan ang Incognito sa Netflix

KathDen movie Hello, Love, Again inaasahang magna-No. 1 agad.
by PEP Troika
Published Feb 11, 2025
alex calleja inognitoi cast
Alex Calleja's (left) stand-up comedy special Tamang Panahon is currently the No. 1 movie on Netflix Philippines, while the action-drama series Incognito, led by Daniel Padilla and Richard Gutierrez (right), slips to No. 2.
PHOTO/S: Netflix Philippines

JERRY OLEA

Naligwak na ang Squid Game sa talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix.

Mula Pebrero 9, 2025, Linggo, hanggang Pebrero 12, Martes, nangunguna sa nasabing listahan ang stand-up comedy special ni Alex Calleja na Tamang Panahon.

Read: Why Alex Calleja thinks going viral can also work against stand-up comedians

Post ni Alex sa X (dating Twitter) noong Sunday morning, Pebrero 10: “Nagising ako na Number 1 na ang stand-up comedy special ko sa Netflix!

"Tayo po ang FIRST Stand-up Comedy special featuring a pure Pinoy stand-up comedian na nag Number 1 sa Netflix.

“Sobrang tuwa ko dahil nagbunga ang pinaghirapan ko kasama ang mga kapwa ko comedians sa The Comedy Crew. Salamat sa lahat ng tao na tumulong para mabuo itong pangarap ko!!!

“Tamang Panahon talaga!!!

“Maraming maraming salamat po talaga!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TAMANG PANAHON CLAIMS NO. 1 SPOT

Ang post ni Alex sa X kahapon, Monday morning: “Number 1 ang comedy special ko sa Netflix, ang Tamang Panahon.

"Alam ko na sobrang lakas ng Incognito kaya babalik agad ito sa Number 1. Masaya na ako na nakatikim tayo ng Number 1. Maraming salamat po

“Pero hindi lang pagiging Number 1 ang nagpaligaya sa akin. Ang mas tumagos sa puso ko ay ang mga feedback at mga messages niyo sa akin.

"Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng comedy ko sa mga taong nanunuod. Ang sarap sa pakiramdam na sa maliit na paraan eh nagbibigay tayo ng ligaya sa mga Pinoy sa buong mundo.

“Ito ngayon ang nagsisilbing inspirasyon ko para magsulat pa ng maraming jokes at pagbutihin pa ang pagiging komedyante ko.

“Marami pong salamat sa inyong lahat! Patuloy po tayong tumawa!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang logline ng 59-minute stand-up comedy na ito, “Veteran Filipino comedian Alex Calleja delivers his hilarious takes on gossip, gender and the differences between the rich and poor.”

Read: Chito Francisco, may patutsada sa "carwash joke" ni Alex Calleja

TOP 10 TV SHOWS

Pangalawa sa Tamang Panahon ang Incognito nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, et al.

tamang panahon incognito
Photo/s: Netflix Philippines
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Top 10 TV Shows sa Netflix PH ngayong Pebrero 12:

  1. Tamang Panahon
  2. Incognito
  3. Sakamoto Days
  4. The Trauma Code: Heroes On Call
  5. Solo Leveling
  6. Surviving Black Hawk Down
  7. Cassandra
  8. Hell’s Kitchen
  9. When The Stars Gossip
  10. Love Scout

GORGY RULA

Gumaganda na ang istorya ng Incognito, kaya nananatili pa rin ito sa Top 10.

Nakikita naman na talagang ginagastusan nila ito nang husto. Ang ganda ng texture at bago siya tingnan dahil sa iba-iba ang location nila.

Nagmarka sa amin ang Episode 17 na napanood ko sa Netflix.

Ang bongga ni Maris Racal na nakipaghabulan sa goons na naka-black panty at bra lang.

Pinatakbo siya sa mga kakakuhayan ng Baguio at nang nakakuha ng isusuot na damit, nakipagbakbakan siya sa mga limang lalaki. Natalo niya lahat yun!

Ang winner ni Maris sa episode na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pang magaling sa episode na yun, si Daniel Padilla.

Hindi niya mapigilang magwala at pinagsasapak si Art Acuña na pinaniniwalaan niyang dumukot sa kanyang kapatid.

Ramdam mo ang hugot ni Daniel sa eksenang yun.

Nasilip ko rin ang Tamang Panahon ni Alex Calleja, na No. 1 movie ngayon. Okay naman siya.

Read: Incognito: kumusta ang premiere sa Netflix?

NOEL FERRER

Noong Pebrero 8, 2025, Sabado, pa natanggal sa Top 10 Movies list ng Netflix Philippines ang Friendly Fire nina Loisa Andalio, Coleen Garcia, at Yves Flores.

Ang Balota ni Marian Rivera ay bumaba na sa pang-apat na puwesto.

Read: Balota ni Marian Rivera, No. 1 movie sa Netflix

Ang nangunguna ngayon ay ang Indonesian horror movie na Sumala.

Four days na sa Tp 10 ang Thai horror movie na Death Whisperer 2, na noong Enero 22 ipinalabas sa local cinemas, at Pebrero 7 nag-Netflix.

Siyempre pa, marami na ang nag-aabang sa KathDen reunion movie na Hello, Love, Again na sa Pebrero 13, Huwebes, mag-uumpisa ang Netflix streaming.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For sure magna-No. 1 agad ito sa Top 10 Movies list ng Netflix PH.

Read: Hello, Love, Again mapapanood na sa Netflix sa February 13

By that time kaya, balik-No. 1 na ang Incognito sa Top 10 TV Shows?

Sa Pebrero 27 naman ang streaming ng unang movie na bida ang MaThon, ang Sosyal Climbers.

Kasaby ng Sosyal Climbers na mag-i-streaming umpisa Pebrero 27 ang pelikulang Demon City.

Read: Maris Racal-Anthony Jennings movie, diretso sa Netflix

TOP 10 MOVIES

Ang Top 10 Movies today sa Netflix PH:

  1. Sumala
  2. Bogota: City of the Lost
  3. Enough
  4. Balota
  5. The Stepfather
  6. The Girl on the Train
  7. Miss Bala
  8. Death Whisperer 2
  9. Legion
  10. Kinda Pregnant
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Calleja's (left) stand-up comedy special Tamang Panahon is currently the No. 1 movie on Netflix Philippines, while the action-drama series Incognito, led by Daniel Padilla and Richard Gutierrez (right), slips to No. 2.
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results