GORGY RULA
Marami ang natuwa nang ibalitang magbibida ang isang mahusay na character actress sa isang proyekto.
Makalipas ang anim na linggo, ini-announce ng produksyon na nag-back out ang aktres sa project dahil sa mga personal na dahilan.
“OK naman, naintindihan naman namin,” sabi ng isang taga-produksiyon.
Read: Pretty Actress, balik-trabaho pagkatapos manganak
INTERESTING STAGE
Nalaman kapagkuwan na nasa interesting stage ang aktres.
Sabi ng ilang kaibigan niya, tama lang because her biological clock is ticking.
Ang boyfriend ng aktres ay isang magaling na aktor na nagwagi sa isang film festival.
Gumanda ang showbiz career ni aktor pagkatapos niyang nakatanggap ng parangal.
Pero pagdating sa personal na isyu ay tahimik lang itong si aktor.
Curious ako kung aaminin ni aktor sa publiko na magiging ama na siya.
Abangan na lang natin kung may pag-amin si aktor dahil tahimik lang ngayon si aktres at hindi na siya nagpapakita sa publiko
Kailangan niyang magpahinga at paghandaan ang kanyang panganganak.
Read: Hunky actor at pretty actress, hiwalay na naman
JERRY OLEA
Last month ko lang nabalitaang magkarelasyon na ang mahusay na aktres at magaling na aktor.
Ibang babae kasi ang karelasyon ng magaling na aktor for so long.
Theater actress iyon, at nagkataong ang unang titik ng pangalan ay kapareho ng bago niyang kasintahan.
Sa social media ay inihayag ng magaling na aktor ang pagpapasalamat sa mahusay na aktres dahil sa mga itinuturo nito sa kanya, at sa wagas na pagmamahal.
Sabi ng magaling na aktor, mahal na mahal niya ang mahusay na aktres… ang katuwang niya sa buhay.
Read: Komedyana, nagtagumpay sa pagbakod sa makisig na aktor
NOEL FERRER
Consenting adults sila kaya kebs naman na natin.
Kaibigan ko si aktor na thirtysomething na, at I’m sure pangangatawanan naman niya iyan.
Kailangan bang mag-public statement?
Well, wala namang okasyon o pagkakataon para gawin yun. At napakapribado rin naman ng aktor na ito sa tunay na buhay.
Let him do his job well, iyan lang naman ang responsibilidad niya sa audience.
Tapos, yung bagay na personal, desisyon na lang niya o nila bilang couple kung ihahain pa iyan sa publiko.
Sa akin, let’s just wish them well.
Read: Actor-politician pinapresinto ang nandakmang businessman-producer