NOEL FERRER
No. 1 ang Netflix comedy special ni Alex Calleja na Tamang Panahon, at nakakatuwa talaga ito.
Sa gitna ng gulo sa politika at sa pang-araw-araw na hamon sa buhay nating mga Pilipino, heto at sumambulat ang isang statement ukol sa carwash joke ng mahusay na komedyante.
Read: Comedy special ni Alex Calleja naungusan ang Incognito sa Netflix
Naglabas ng statement si Alex, sa pamamagitan ng PEP Troika, kaugnay ng akusasyon ng veteran comedy writer na si Chito Francisco na "ninakaw" umano ng stand-up comedian ang kanyang carwash joke.
Heto ang saad ni Alex: “Hindi ako pumapatol sa mga intriga lalo na kung walang katotohanan.
"Pero nalungkot lang ako na imbes na matuwa tayo sa tagumpay ng isa eh naghahanap tayo ng negatibo.
“Ayaw ko po kasi haluan ng negatibong usapan ang comedy, dapat tawa at good vibes lang.
"Pero etong binabato sa akin ay nakakasira din ng pangkabuhayan ko.
"Ang mapagbintangan nagnanakaw ng joke."
ALEX CALLEJA NAGLABAS NG "RESIBO"
Naglabas din ng "resibo" si Alex upang patunayang matagal na niyang naisulat ang carwash joke, taliwas sa alegasyon laban sa kanya.
Saad niya: “May mga resibo po ako sa FB na ang joke po ay nasulat ko as early as 2011.
"Hindi ko po alam kung anong intensyon ng nagpaparatang sa akin pero may resibo po ako sa joke ko na yan, type lang sa FB alex calleja car wash.”
Ang post ni Alex tungkol sa carwash joke ay ipinost niya sa Facebook noong September 9, 2013.


Samantalang ang post ni Chito tungkol sa carwash joke ay nai-post sa Facebook noong September 24, 2019 o makalipas ang anim na taon.

Himutok ni Alex, sana raw ay nag-fact check muna bago naglabas ng ganitong akusasyon.
Pero heto na rin, sa pamamagitan ng PEP Troika, nilalabas natin ang paglilinaw niya sa issue.
Salamat, Alex, sa tiwala.
Read: Chito Francisco, may patutsada sa "carwash joke" ni Alex Calleja
JERRY OLEA
Ayan, may mga “resibo” si Alex Calleja kaugnay sa carwash joke, huh?!
Hindi niya ninakaw ang nasabing joke kay Chito Francisco!!! NKKLK!!!
May epekto kaya sa Tamang Panahon ang isyung ito?
Pebrero 7, 2025, Biyernes, nag-umpisang mag-streaming ang comedy special ni Alex.
Kinabukasan, Sabado, ay pumuwesto ito sa No. 2.
At mula noong Linggo, nag-overtake ito sa Incognito.
Three consecutive days nang nangunguna sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang Tamang Panahon.
GORGY RULA
Araw-araw nagsisimba ako online at magagaling ang mga paring nag-o-officiate sa mass online.
Nakakakuha ng atensiyon sa kanilang homily kapag may hirit silang jokes.
Ang ibang joke nila ay ginamit na ng ibang komedyante.
Minsan ay binabanggit kung kaninong joke, minsan naman ay maganda ang pagkaka-deliver nila.
Halos araw-araw ay may baon silang joke na nagamit na sa mga nakaraang homily, at hindi namin alam kung ideya ba nila yun o kopya sa ilang komedyante.
Pero nakakatawa pa rin, ang sayang pakinggan.
Ang mahalaga ay nakakatawa pa rin at napapasaya ang mga nakakadinig.
Sayang nga, na-miss ko pala yang carwash joke ni Alex Calleja.
Napaidlip siguro ako sa bahaging iyan.
Tawang-tawa kasi ang audience sa show na yun ni Alex Calleja. Sa akin naman ay puwede na.
Pero teka, di ba ang linyang “Tamang Panahon” ay pinasikat na noon ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! na nagpasikat sa AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza?
Hahabulin kaya ito ng Eat Bulaga!?
Read: Alden Richards tried to kiss Yaya Dub and other highlights of #ALDubEBTamangPanahon
