PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lito, Lorna, at Julio nagpaalam na sa FPJ's Batang Quiapo

Kumusta ang rating ng pilot episode ng Binibining Marikit?
by PEP Troika
Published Feb 11, 2025
lito lapid lorna tolentino julio diaz batang quiapo
The characters of (from left) Lito Lapid, Lorna Tolentino, and Julio Diaz bid goodbye to top-rating primetime series FPJ's Batang Quiapo.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Madugo at maaksiyon ang episode ng FPJ’s Batang Quiapo noong Lunes, February 10, 2025.

Umabot sa 726,006 ang concurrent viewers niyon sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Iyon ang huling labas nina Primo (Senator Lito Lapid), Amanda (Lorna Tolentino), at Augustus (Julio Diaz).

Ang taas ng rating ng Monday episode ng FPJ’s Batang Quiapo!

Read: Kapuso afternoon shows, patuloy na namamayagpag sa ratings

Naka-17.5% ang aggregated ratings ng primetime series ni Coco Martin na napapanood sa TV5, A2Z, at Kapamilya Channel.

Ang katapat nitong Lolong: Bayani ng Bayan, na napapanood sa GMA-7 at GTV, ay 9.8%.

Sumunod ang Mga Batang Riles na naka-7.8%, at ang Incognito ay naka-10%.

Bumawi na lang ang Kapuso network sa My Ilonggo Girl na naka-6.4%, at ang katapat nitong How To Spot A Red Flag ay 3.6%.

Pagkatapos nito ay Saksi na 2.5%.

BATANG QUIAPO DEVELOPMENTS

Patuloy ang maiigting na kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagkakasundo nina Ramon (Christopher de Leon) at Maritess (Cherry Pie Picache), saan pupulutin si David (McCoy de Leon)?

Take note na kasama si Christopher sa unang season ng Lolong, na katapat noon ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Si Lolong ang “nagpatumba” sa FPJ’s Ang Probinsyano, di ba?

Ngayong nasa FPJ’s Batang Quiapo si Christopher, ayan, hindi makaporma rito si Lolong!

Read: TV Ratings: Mga Batang Riles, kumasa ba sa Batang Quiapo?

fpj's batang quiapo
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang maganda rito, talagang nagpapagandahan ang mga programa!!!

Kitang-kita ang effort sa FPJ’s Batang Quiapo, at lalo na sa Incognito na iba’t iba ang location na pinagte-taping-an nila!

Sulit talaga para sa Netflix audience din!

Sa Lolong: Bayani ng Bayan naman, may post ang kaibigan nating si Nessa Valdellon ng GMA Public Affairs na may hawak ito na nagsasabing, “We got a double digit deadline to meet and miles to go before we sleep. Go Loloooong!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Winner tayo sa pagandahan ng panoorin sa TV, di ba?

Good luck sa lahat ng palabas na ito ngayon!!!

Read: Online platforms, unti-unting pinapatay ang traditional TV

GORGY RULA

Nagulat din kami dahil ang taas ng expectations namin sa bagong afternoon drama ni Herlene Budol na Binibining Marikit, pero hindi ganoon kabongga ang rating ng pilot episode nito noong Lunes, Pebrero 10.

Hindi kaya nakatulong na binuhay pa ni Herlene ang isyu nila ni Rob Gomez o hindi na epek sa mga manonood ang kakikayan niya?

Read: Herlene Budol takes a swipe at former leading man Rob Gomez

Tila mababa ang viewership noong Lunes kung saan nag-pilot ang bagong programa ni Herlene.

herlene budol in binibining marikit
Herlene Budol in Binibining Marikit
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simulan muna natin sa It’s Showtime na naka-5.6%, at ang Eat Bulaga! ay 3.4%.

Dito na sumunod ang Binibining Marikit na naka-6.2%.

Mas mataas pa ang Prinsesa ng City Jail ni Sofia Pablo na naka-6.5%.

6.5% din ang rating ng Forever Young na magtatapos next week.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.6%, at ang katapat nitong Wil To Win kung saan nagpaalam na si Willie Revillame ay 1.8%.

Sumunod ang Perfect Marriage Revenge na 2.8%.

Ang Family Feud naman ay 7.8%.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The characters of (from left) Lito Lapid, Lorna Tolentino, and Julio Diaz bid goodbye to top-rating primetime series FPJ's Batang Quiapo.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results