PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ex Ex Lovers at Paquil, makikipagbanggaan sa Captain America

Ex Ex Lovers at Paquil, kumasa kaya sa Captain America?
by PEP Troika
Published Feb 12, 2025
ex ex lovers paquil captain america
Local movies Ex Ex Lovers and Paquil are going up against the Hollywood movie Captain America: Brave New World at the box office.

JERRY OLEA

Limang pelikula ang nag-open sa local cinemas ngayong Pebrero 12, 2025, Miyerkules.

Dalawa sa ito ay gawang-Pinoy, ang Ex Ex Lovers nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, at ang Paquil nina Beauty Gonzalez at JM de Guzman.

Tatlo ang foreign films na nag-open today sa ating mga sinehan — ang superhero film na Captain America: Brave New World, ang animated adventure film na Buffalo Kids, at ang romcom film na Bridget Jones: Mad About The Boy.

Ang Buffalo Kids ay locally released ng Nathan Studios. Nabigyan ito ng 54 sinehan sa opening day.

Punong-abala si Sylvia Sanchez sa special screening nito na dinaluhan ng maraming bata noong Pebrero 9, Linggo, sa Gateway Mall II, Cubao, Quezon City.

Read: Sylvia Sanchez, maraming aral na natutunan sa pagsali sa MMFF

buffalo kids
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Paquil ay nabigyan ng 47 sinehan — 20 sa Metro Manila, 20 sa Luzon, 4 sa Visayas, at 3 sa Mindanao.

Read: Beauty Gonzalez takaw-pansin sa 100-anyos na kasuotan sa premiere

paquil poster

At this writing, ang reunion movie ng MarJo (Marvin at Jolina) na Ex Ex Lovers ay nabigyan ng 187 sinehan — 57 sa NCR, 40 sa Mega Manila, 42 sa Luzon, 25 sa Visayas, at 23 sa Mindanao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jolina Magdangal tells Marvin Agustin, "Ang petty natin dati."

ex ex lovers poster

Ang Captain America: Brave New World ang ika-35 pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU).

Bida rito si Anthony Mackie bilang Sam Wilson, ang bagong Captain America.

Nasa cast din sina Danny Ramirez bilang Joaquin Torres aka Falcon, Shira Haas bilang Ruth Bat-Seraph, Giancarlo Esposito bilang scientist na si Seth Voelker aka Sidewinder, at Harrison Ford bilang US President Thaddeus Ross aka Red Hulk.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
captain america brave new world

Ang Bridget Jones: Mad About The Boy ay may 141 sinehan — 80 sa Metro Manila, 26 sa Luzon, at 35 sa VisMin.

bridget jones mad about the boy
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAPTAIN MARJO

Paandar ng SM Cinema sa socmed, kesyo ang “Captain MarJo” ang love triangle na mahirap pagpilian.

Ang tinutukoy riyan ay ang mga pelikulang Captain America: Brave New World at Ex Ex Lovers.

capain marjo

Ang limang pelikulang nag-open today sa mga sinehan ay pawang rated PG (Parental Guidance) ng MTRCB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibig sabihin, kailangan ng patnubay at gabay ng magulang para sa mga batang manonood na edad 12 pababa.

Alin kaya sa mga pelikulang ito ang “pinakbet” (as in pinaka-bet) ng mga magde-date sa Valentine’s Day, Pebrero 14, Biyernes?

NEXT ATTRACTION

O mas bet ng local moviegoers ang mga coming soon na movies sa mga sinehan?

Nasa February 19 playdate ang horror movie na Mananambal starring National Artist Nora Aunor and Bianca Umali.

Kasabay nito ang showing ng The Monkey, Homestead, at The Room Next Door na idinirek ni Pedro Almodovar.

Nasa February 26 ang Everything About My Wife nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Sam Milby, pati The Caretakers nina Iza Calzado at Dimples Romana, at iyong Nosferatu.

Nasa March 5 playdate iyong In Thy Name ni McCoy de Leon, at nasa March 12 playdate ang Lilim ni Heaven Peralejo.

Maaari pang magkaroon ng pagbabago ang mga playdate na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa updates, bisitahin ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), SM Cinema, Ayala Malls Cinemas, at Robinsons Movieworld, maging ang website ng Click The City.

NOEL FERRER

Nakakakaba pero umaasa ako na sana, tangkilikin ng mga kababayan natin ang Ex Ex Lovers na pelikula nina Marvin at Jolina na alam mo naman na pinag-effort-an nila talaga!!!

From the filmmaking with Dan Villegas and Tonet Jadaone to the promo na sobrang sipag nila talaga, they did everything para maging event ang showing ng pelikulang ito talaga!

Sana kumita! Sana talaga!!!

GORGY RULA

Ang nakuha naming info mula sa ilang reliable source ng PEP Troika, hindi pa rin pumapalo ang mga pelikula natin.

As of 3:00 P.M. daw ay hindi pa sumasampa sa PHP1M ang kinita ng Ex Ex Lovers nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, kahit nadagdagan ito ng tatlo pang sinehan.

Kung merong grupong magpapa-block screening sa gabi, baka medyo aangat pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Captain America: Brave New World daw ang okay ang takbo sa takilya.

As of 3:00 P.M. ay umabot na raw ito ng PHP2M at ang tantiya, mahigit PHP10M ang first-day earnings nito.

Kung maganda ang feedback nito, puwede pang lumakas hanggang weekend.

Maaring iba sa kanila ito, dahil first time pa lang na isang black na si Anthony Mackie ang gumanap na si Captain America.

May pasok pa ngayon kaya hindi pa naglabasan ang mga bata para manood ng Buffalo Kids.

Tingnan natin sa darating na weekend kung makipagbakbakan ang Buffalo Kids kay Captain America.

Read: MMFF 2024: Tatlo o apat na pelikula lang ang kumita sa box office

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Local movies Ex Ex Lovers and Paquil are going up against the Hollywood movie Captain America: Brave New World at the box office.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results