PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tatlong Kuwento: Masarap, Masakit, Makulay Ang Magmahal

Kilalang aktor, sinasaktan ang dating girlfriend?
by PEP Troika
Published Feb 13, 2025
blind item breakups
PHOTO/S: Canva

kulay JERRY OLEA

Jaws ko po!

Kumibut-kibot ang imaginary matris ng isang BSP — hindi Bangko Sentral ng Pilipinas or Boy Scout of the Philippines, huh, kundi Baklitang Showbiz Personality — nang mabalitaan ang dahilan ng paghihiwalay ng gandarang aktres at guwapitong aktor.

Ang sabi-sabi’y napagod ang dear heart ng guwapitong aktor, at labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang kumalas sa kasintahang toxic.

Pahiwatig ng gandarang aktres, hindi siya ang nagkamali, at ang mga sitsit na sumasagitsit ay paninirang-puri lamang sa kanya.

NKKLK ang matatalas na parunggitan ng magkabilang kampo, lalo pa kung aalalahanin na dati-rati ay mala-224 (2day, 2morrow, 4ever) ang mga kandungan ng ex-lovers kahit maraming nakakakita.

“Better sa 224 ang 444 [4 better, 4 worse, 4ever] but the naked truth is stranger than the chismis!” pa-profound na hanash ng BSP na mahilig kumain ng puwet ng manok.

Read: Hunky actor at pretty actress, hiwalay na naman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAKAIBANG FETISH NG GUWAPITONG AKTOR

Aniya, ang hubad na katotohanan ay nagpapasikip ng dibdib, at nagpapaluwang ng mahiwagang kuweba.

Bakit?

Bakit manipis ang ulap?

Bakit bughaw ang langit?

Bakit ngayon ka lang?

Bakit labis kitang mahal?

Bakit may pag-ibig pa?

Bakit kinagat ni Adan ang mansanas ni Eba?

Umawit ang BSP ala Angela Bofill with matching liyad-liyad, “Break it to me gently/ If you have to, then tell me lies/ Break it to me gently/ At least leave me with my pride

“Try to spare my feelings/ If the feelings have to die/ Break it to me gently/ If you have to say goodbye…”

Pagbubunyag ng BSP: “Nakipag-breakup si gandarang aktres dahil gustong bongkangin ni guwapitong aktor ang kanyang virgin territory, ano pa kundi ang lagusan ng kanyang ernalyn purificacion!

“Ayaw magpa-bona ni gandarang aktres! Hindi niya bet ang fetish chururut ni guwapitong aktor na analytic geometry!”

Read: Blind item: Mahusay na aktres, nabuntis ng magaling na aktor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

All’s well that ends well sa gandarang aktres at guwapitong aktor.

Naka-move on na sila sa kanilang paghihiwalay at parehong nakasumpong ng bagong pag-ibig.

For sure, pareho silang maligaya this Valentine’s Day sa piling ng iba.

Mabubugbog sila ng romansa?!

BATTERED GIRLFRIEND?

Speaking of bugbog, pagputok ng isyung dyinombag si DJ Jellie Aw ng fiancé niyang si Jam Ignacio na ex-boyfriend ni Karla Estrada… nag-react ang ilang kaibigan ng ex-girlfriend ng kilalang aktor.

Read: Jam Ignacio, ex-boyfriend of Karla Estrada, accused of mauling fiancée Jellie Aw

Si kilalang aktor ay tipong mahiyain.

Madalas na idinadaan na lang niya sa pagngiti-ngiti ang mga bagay-bagay.

Naniniwala siya sa kasabihang “less talk, less mistakes.”

Ang reputasyon niya ay mabait at maginoo, lalo na sa mga leading lady niya.

Kaya nakakawindang nang isiwalat sa amin ng aming reliable source na kaya nag-break ang kilalang aktor at ang non-showbiz girlfriend niya ay dahil battered girlfriend pala si binibini.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinasaktan daw ni kilalang aktor ang kanyang irog — physically, verbally, and emotionally.

Noong una ay nakakapagtiis pa si non-showbiz girl, pero umabot siya sa tipping point at minabuting kumalas na sa kilalang aktor.

NOEL FERRER

E, itong nabalitaan nating hiwalayan ng boss at ng boy toy na flavor of the month niya, totoong hiwalayan o pekeng hiwalayan lang ba?

Pinalabas na hiwalay kahit hindi?

O gusto nang linisin ang lahat para makaiwas na ang boss sa ganitong mga usapin dahil kagalang-galang talaga siya?

Read: Tatlong boy toys, nakikinabang sa kani-kanilang benefactors

Basta ngayon, audition kete audition ang boy toy na young actor sa mga trabaho. Tingnan natin kung saan siya nababagay.

Sana, may angking kagalingan si young actor na lagpas sa pagiging kalaro ni boss.

Ang tagumpay, pinaghihirapan talaga.

In this case, ano kaya ang tunay na kapalit ng success?

Hayyyy naku, mapaglarong showbiz…

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results