GORGY RULA
Nasorpresa ang mga taga-PEP nang biglang dumating ang Sparkle boys na sina Raheel Bhyria, Anton Vinzon, Bruce Roeland ng Mga Batang Riles, at si Michael Sager, ang leading man sa My Ilonggo Girl, sa Summit Media office noong Martes, Pebrero 11, 2025.
Namigay ang limang Kapuso heartthrobs ng flowers sa mga kababaihan at ilang kabadingan para sa nalalapit na Valentine's Day.

MICHAEL'S PLAN ON VALENTINE'S WITH CASSY LEGASPI
Kaagad hinarang ng PEP Troika si Michael para kumustahin kung ano ang balak nila ni Cassy Legaspi sa Valentine’s Day.
Hindi agad nakasagot ang guwapitong Kapuso actor.
Natawa na lang ito nang tinukso namin siya kay Cassy.
Read: Cassy Legaspi at Michael Sager, magkarelasyon na?
May trabaho raw si Michael sa Araw ng mga Puso dahil taping day nila ni Jillinaw Ward sa My Ilonggo Girl.
Sabi niya, “As much as I can, I’ll enjoy it. It’s a day of love.
"Kung sino ang kasama ko sa set… I’ll enjoy it with Jillian, maybe my friends and families."
Pero pinush pa rin namin na makakapaghanap naman sila ni Cassy ng araw para sa kanila.
“Siguro po, we’ll try [to] get some dinner… spend time together. We’ll see, we’ll see kung ano ang mangyayari,” safe pa ring sagot sa amin ni Michael.
Okay naman daw si Michael sa family ni Cassy.
Super bait daw sa kanya ng mga magulang ni Cassy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi.
“Sina Tita Mina at Tito Z po, yes. Napakaalaga nila sa akin,” bulalas ni Michael.
Read: Carmina Villarroel on Cassy Legaspi, Michael Sager real score

JERRY OLEA
Natutuwa raw si Michael sa fans nila ni Jillian Ward na talagang nakasuporta sa kanila sa My Ilonggo Girl.
Una silang nagkasama sa Daig Kayo ng Lola Ko, nasundan sa Abot-Kamay Na Pangarap, at ngayon ay magkasama sila uli sa My Ilonggo Girl.
Sabi ni Michael: “Actually, nag-pair po kami sa Daig Kayo ng Lola Ko, sa Abot-Kamay. Although, very short lang yung time namin together.
“Dito sa Ilonggo Girl, parang medyo nahiya pa kami sa isa’t isa.
"But nung nag-start kaming nag-taping, mabilis lang yung taping namin, one month, we got really close.
"Ang daming nakita... na makulit siya, makulit ako. Talagang nag-click kami, and masaya akong katrabaho siya."
ON POSSIBILITY OF DEVELOPING A DEEPER RELATIONSHIP
Pero "hopia" ba ang kanilang fans na maging sila?
Ayon sa kapuso heartthrob: “Siguro ang mga comment ng fans… we’re talking about it recently na parang natutuwa sila.
"Kasi kumbaga po, we’ve captured in a sense na yung attention nila na laging sila, in real life na, at the end of the day, with our loveteam, with our teamup, we really want to promote love, kilig, and just happiness for everybody.
"And masaya kami dahil yung mga viewers and mga Kapuso are enjoying what they see."

Posible kayang ma-in love siya at magkadebelopan sila ni Jillian?
“Si Jillian naman is very beautiful inside and out. It’s very easy to fall in love with someone like her.
“She’s very ideal of a lady, and, yeah, napakabait.
"But, kami naman po, we’re just focused on work muna, and she even said na hindi muna puwedeng mag-boyfriend.
“So, okay yun, may priorities siya. Nakita ko naman sa kanya how responsible and mature she is when it comes to work,” nakangiting sabi ni Michael.
Read: Is Jillian Ward ready to do kissing scenes in her projects?
NOEL FERRER
Si Michael Sager ang isa sa pinakapaborito sa bakuran ng GMA-7. Hindi talaga siya nawawalan ng project.
Kasama siya sa TikToClock sa umaga, at My Ilonggo Girl sa gabi.
Naririnig nga naming kinaiinggitan na raw siya ng ibang homegrown talents ng Sparkle.
Si Michael ay co-managed sa Cornerstone Entertainment.
“I’m thankful of course to the Lord for giving me all these wonderful blessings, to my management Cornerstone, Sparkle GMA Artist Center, and to the network.
"Kasi talagang they’re giving me this project, Ilonggo Girl.
“Alam ko po I just finished my previous show Shining Inheritance. The fact that they blessed me with a new show, I’m very thankful.
“Kumbaga, all of these are still learning experience.
"Bago lang ako sa industriya, and I’m still giving it my best, trying my best always when I’m given the opportunity.
"And just work hard and prove them na I deserve this project that they’re giving me, and I want to justify kumbaga the trust that they’ve gave me,” saad ng lead actor ng My Ilonggo Girl.
Read: Sparkle artist Michael Sager moves up to leading-man status via Shining Inheritance
