JERRY OLEA
Pinangunahan ni Vilma Santos-Recto at dalawang anak na sina Luis “Lucky” Manzano (with wife Jessy Mendiola) at Ryan Christian Recto ang ribbon-cutting ceremony at motorcade sa 3rd Barako Fest nitong Pebrero 13, 2025, Huwebes, sa Manila-Batangas Bypass Road, Lipa City, Batangas.
Tumatakbo sina Vilma at Luis bilang governor at vice-governor ng Batangas, habang si Ryan ay kumakandidato bilang congressman sa sixth district ng Batangas ngayong 2025 elections.
Read: Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas
Bahagi ng talumpati ng 71-anyos na Star for All Seasons na si Ate Vi: “Kung saan man po ako naroroon ngayon sa aking political career, dito po ako nag-umpisa sa Lungsod ng Lipa.
“Mga Lipeños ang unang nagbigay ng tiwala sa akin bilang kauna-unahang babaeng mayor ng ating lungsod — siya ma’y babae’t maliit, tandaan nyo, lalaking kausap!
“Pero noong ako naman po’y naging ina ng buong lalawigan ng Batangas at pinagkatiwalaan, hindi ho biro yung… kasi for a barako country, para ako po ay bigyan ng tiwala ng buong lalawigan ng Batangas na maging nanay, at pagkatiwalaan ng tatlong termino, siyam na taon, ng mga iginagalang ko pong mayors ng buong lalawigan ng Batangas, mga barangay functionaries, pangulo, sa lahat, konsehal ng iba’t ibang bayan, 34 na bayan po meron ang aming lalawigan, 1,078 barangays.
“Iyan po ang nagtiwala sa akin nang siyam na taon. Kaya kung saan man po nandodoon ngayon, a part of my life not only as an artist sa atin pong industriya ng pelikula but also in my political life, malaking-malaking utang na loob ko po ang unang nagtiwala rin po sa akin, ang lalawigan po ng Batangas para maging kauna-unahang babaeng governor ng atin pong lalawigan.”

VILMA SANTOS AND HER THREE PROMISES TO BATANGUEÑOS
Palakpakan ang mga tao sa mediacon, at nagpatuloy si Ate Vi: “Isa lang po ang aking maipagmamalaki sa inyong lahat…
"Palagay ko, kung ako man po ay nagtagal nang ganito katagal, 24 years at ako’y napagkatiwalaang maging legislator din for two terms, six years.
“Na noong una, as local chief executive, ako ang nagpapatupad ng batas. Ay! Naranasan ko rin naman po ang gumawa ng batas.
“Kaya kahit paano, palagay ko, yun pong ibinigay sa aking tiwalang ito ay naibalik ko naman po iyong tiwalang ibinigay sa akin ng Batangueño! I must have done something good.
“But one thing, I don’t promise anything, I cannot promise heaven and earth. I can only promise two things.
“Sisiguraduhin ko lang talaga, pag tayo’y sadyang pinagkatiwalaan maging nanay muli, ang para sa tao ay dapat mapunta sa tao.”
Palakpakan nang masigabo ang nasa mediacon.
Dagdag ni Ate Vi: “Ang pangalawa po, sisiguraduhin ko lamang po, na paninindigan ko ang merong isang salita. Word of honor.
“Pag meron, meron. Pag wala, wala. Pag oo, oo. Pag hindi, hindi.
“Ay! Sadyang mahirap mamangka ng dalawang ilog! Kailangan may paninindigan dahil diyan makikilala ang pagkatao ng isang nilalang.
“At ang pangatlo ko lang kayang ipangako, siguro po, kung kami ay pagkakatiwalaan sadya, Batangueño, ang akin pong pamilya! Hindi ko po kayo ipapahiya!”
Read: Vilma Santos, sinagot mga katanungan sa pagtakbo nilang mag-iina
NOEL FERRER
Pinasalamatan ni Vilma Santos-Recto ang organizing team sa likod ng Barako Fest 2025, kung saan punong-abala ang Mentorque producer na si John Bryan Diamante.
Ang three-day event ay co-presented ng Construction Workers Solidarity (CWS) Talino at Puso, at 107 Angkas Sangga party-list.
Meron ding partners, platinum sponsors, gold sponsors, at silver sponsors sa private sectors.
Saad ni Ate Vi: “Teamwork, that is the magic word. Teamwork.
"Kahit anong galing mo, Bryan, pag hindi ka nasamahan ng iba na magagaling din, hindi tayo magiging matagumpay.
“And I think that is the magic word — teamwork. We will continue to work as a team, and we will continue to work as a family here in the province of Batangas.
“Barako Fest, this is our third year. We’re very proud of this Barako Fest, kasi ito ho ngayon ang inilalatag namin dito sa Lipa kasama na po ang iba’t ibang bayan ng ating lalawigan.
“Marami ho kaming puwedeng ipagmalaki sa Barako Fest. Lahat po ng mga kaya naming ipagmalaki sa Batangas ay lalabas at lalabas habang naggo-grow, habang tumatagal pa ang aming Barako Fest.
“Ngayon po ay naka-focus tayo ngayon dito sa Lipa. There’ll come a time, iiikot na natin ito sa buong lalawigan ng Batangas…
“Ang Barako Fest po ay pinag-isipan para ito ho ay mabigyan ng pagkakataon iyong masasabi nating micro and at the same time, iyon talagang pinakamalaki na po nating mga entrepreneurs.
“With the present situation natin ngayon, ang isang pinakaimportante, may hanapbuhay. Tama po ba? Hanapbuhay ang number one sa atin ngayon.
“At ang isang ibinibigay ngayon ng ating Barako Fest, bukod sa binibigyan pa ho ng kaligayahan ang atin pong mga Batangueño, yung foodfest natin ay nandito…”
ANGKEYS TO WIN
Sa Angkeys To Win ay limang motorsiklo lahat ang pamigay sa Barako Fest. May tatlong pakotse — brand new Toyota Vios — sa Last To Take Hands Off Challenge. At andiyan ang inspired sa Squid Game na Barako Game: Battle for P1Million.
“Ibig kong sabihin, hindi na namin kaya yan kung sa ating budget. Pero they’re participating, if you notice, just to make people happy,” sambit ni Ate Vi.
“At kung sino ang makakakuha nun, pakikinabangan nun. So it’s really teamwork.”
Read: Vilma Santos, sinagot ang isyu ng political dynasty
GORGY RULA
Siksik, liglig at hitik sa mga pasiklab ang Barako Fest 2025 na nasa ikalawang araw ngayong Valentine’s Day, Biyernes, Pebrero 14.
Merong playfest, content creatirfest, sportsfest, tradefest, foodfest, driftfest, musicfest, ravefest, dirtfrst, at car & motorfest.
Sa main concert bukas, Pebrero 15, Sabado, tampok sina Vice Ganda, Joshua Garcia, TJ Monterde, KZ Tandingan, Alex Gonzaga, Jessy Mendiola, JC Santos, Jerome Ponce, Hev Abi, Ron Angeles, Good Boyz, Eleven 11, Eclipse, at Mike Swift.


Sabi ni Vilma Santos-Recto: “Ang akin lamang po, this is just the perfect example of what I’m saying. Teamwork. We cannot do it alone.
“And siguro po, kung ano’t ano man ang mangyari, no man is an island.
"So, kung tayo po ay papalarin, starting with this Barako Fest natin, we’re all working as a family, palagay ko, ang pinakaimportante po ay yung tagumpay ng bawat isa at higit sa lahat, ng atin pong lalawigan ng Batangas.
“Ito ang isang bagay na kaya nating ipagmalaki."
LUIS MANZANO
Sa pagtatapos ng talumpati ni Ate Vi ay in-introduce niya ang anak at ka-tandem na si Lucky Manzano para siya namang magbigay ng mensahe.
Ani Lucky, “Barako Fest, isang napakagandang selebrasyon po ito ng anything and everything Batangueño. Isang bagay po ito na ating ipinagmamalaki.
“Na nagsimula lang po ito ay three years ago kung hindi ako nagkamali, at sa nakikita po natin sa suporta na ibinibigay hindi lamang ng Lipa kundi ng bawa’t Batangueño, pati buong Pilipinas nagdadagsaan dito sa Barako Fest.
“Ito na po yung simula na pag pinag-usapan natin ang lalawigan ng Batangas, hindi lamang pag-uusapan ang kape, hindi lamang pag-uusapan ang balisong…
"Pag sinabing Batangas, may magsasabi na, ‘Teka, diyan yung Barako Fest, di ba? Ay! Gusto kong mapuntahan yan!’
“At lahat yan ay dahil sa inyong lahat kaya maraming-maraming salamat!”
Sinegundahan ni Lucky ang pinunto ng ina niyang si Ate Vi kaugnay sa teamwork sa mga proyekto sa Batangas, partikular ang Manila-Batangas bypass road.
Ani Lucky, “Lahat po yan ay nangyayari dahil sa tulungan. Walang bida-bida, iisang layunin para sa Batangas.
“Madali ba yan? Siyempre hindi.
"Isang pitik lang ba, nangyayari yan? Siyempre hindi.
“Pero mas napapadali po pag lahat tayo ay magtutulungan para sa Batangas, at yun po ang hatid naming lahat.”
This falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.
