PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bruce Roeland, rarampa nang naka-underwear sa Bench fashion show?

Sinu-sino pang celebrities ang rarampa sa Body of Work Bench fashion show?
by PEP Troika
Published Feb 14, 2025
bruce roeland summit office
Bruce Roeland is one of the artists who will walk the runway at the Body of Work Bench fashion show to be held at SM MOA Arena on March 21, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Kaabang-abang ang Body of Work Bench fashion show na gaganapin sa SM MOA Arena sa March 21, 2025.

Ang isa sa nakarating sa amin, babalik ng bansa si Lovi Poe, at isa sa natanguan niya ay itong Body of Work na rarampahan niya.

Magpapaandar din dito sina Ina Raymundo, Francine Diaz, at Atasha Muhlach.

Pinag-usapan ang ibang pictorials, lalo na kay Joshua Garcia, na kahit hindi nakahubad ay ang sexy pa rin ang dating.

Ang dami kasing nawindang sa pabukol ni Joshua.

Read: Hubadero 2024 3Q: Male stars who sizzled online and in cinemas

body of work bench fashion show
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BRUCE ROELAND

Daring at ang sexy rin ng underwear pictorial ng Sparkle hunk na si Bruce Roeland.

Proud si Bruce sa pictorial na yun na talagang pinaghandaan niya.

Sandali naming nakatsikahan si Bruce nang dumalaw sila sa PEP office recently, at excited daw siyang maging bahagi sa Body of Work fashion show.

“Na-excite ako lalo kasi may upcoming kami ngayon na fashion show this March. Kaya nagre-ready na ako. I’m very excited,” pakli ni Bruce.

Okay naman sa kanya ang rumampa nang naka-underwear.

“Tingnan po natin… pero siguro underwear po talaga,” nakangiti niyang sabi.

Kaya todo na ang paghahanda niya. Kahit marami siyang ginagawa, naisisingit talaga niyang mag-gym.

“Hilig ko po talaga yung gym e. Mahilig po talaga ako mag-gym.

"Kahit after taping, nagdyi-gym po ako,” sabi pa ni Bruce.

Read: Bruce Roeland, magpapasiklab sa underwear fashion show?

NOEL FERRER

Bahagi si Bruce sa Mga Batang Riles, at nag-aaksyon siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bagay siya sa sexy roles.

Okay naman daw sa kanya ang daring roles kung ia-allow ng GMA 7.

“May tiwala naman po ako sa GMA. Kung ano pong ibigay sa akin na role, may tiwala naman po ako na… basta masabi ng GMA na, 'Go, Bruce,' sunod po ako,” dagdag niya.

Wala pa naman daw siyang offers na magpa-sexy. Bahala na raw ang GMA-7 na mag-decide kung papasukin niya ang pagpapa-sexy.

Read: Sunshine Cruz bares bikini body at Bench Fashion Week

JERRY OLEA

Mas inclusive ang underwear and jeans show na Body of Work kumpara sa mga nakaraang pasiklab ng Bench.

Maliban kay Bruce, abang-abang tayo sa pauga o payugyog nina Alden Richards, David Licauco, Jameson Blake, Derrick Monasterio, Andres Muhlach, Teejay Marquez, Kirk Bondad, at marami pang iba.

Ang sabi ng kaibigang Bernard Cloma, kaabang-abang ang South Korean models na magpapakitang-gilas sa Body of Work.

Hubba Hubba!

Sinu-sino kaya sa VMX stars ang rarampa?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bruce Roeland is one of the artists who will walk the runway at the Body of Work Bench fashion show to be held at SM MOA Arena on March 21, 2025.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results