PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez ayaw isapelikula ang kuwento ng kanyang buhay

Sylvia Sanchez: "Maraming masasagasaan, so huwag na lang."
by PEP Troika
Published Feb 17, 2025
sylvia sanchez life story
Sylvia Sanchez: “Huwag na, marami namang masasaktan. Kasi kung buhay ko yung ipepelikula ko, no holds barred. Talagang… e, huwag na, huwag na."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Tuloy ang laban para sa aktres na si Sylvia Sanchez sa pagpo-produce at pagdi-distribute ng pelikula, sa pamamagitan ng pag-aari ng kanilang pamilya na Nathan Studios.

Pagkatapos ng pagsali ng pelikulang Topakk sa 50th Metro Manila Film Festival, itinuloy ni Sylvia ang pagdi-distribute ng mga pelikulang nabili niya sa mga napuntahang international film festivals.

Ipinalabas noong nakaraang linggo ang isa sa na-distribute niyang animated film, ang Buffalo Kids.

Read: Sylvia Sanchez, maraming aral na natutunan sa pagsali sa MMFF

buffalo kids
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EX EX LOVERS

Unfortunately, hindi ganoong kalakas ang mga pelikulang nag-showing noong nakarang linggo.

Nakasabay ng Buffalo Kids ang Ex Ex Lovers nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

Marami ang nag-expect na maganda ang kalalabasan ng reunion movie nina Jolina at Marvin sa box-office, pero hindi rin gaanong maganda ang resulta nito kahit may mga block screening pa.

ex ex lovers poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Since pambata itong Buffalo Kids, puwede siyang pumalo noong weekend.

Sabi naman ni Sylvia, medyo umokay ang kita nito noong nakaraang Sabado, Pebrero 15, 2025.

Hindi pa niya na-check nung Linggo kung mas marami bang mga batang nanood.

Read: Ex Ex Lovers at Paquil, makikipagbanggaan sa Captain America

NOEL FERRER

May balak ba si Sylvia Sanchez na isapelikula ang kuwento ng buhay niya?

Ang bilis niyang umiling: “Huwag, ayoko!

“Kasi kung gustuhin ko man, maraming masasagasaan, so huwag na lang.

"Saka nakapagpatawad na ako, okay na yun. Okay na yun, masaya na sa akin.

“Walang katapat na halaga yung nakapagpatawad ka.”

Tiyak na marami ang makaka-relate sa kuwento niya at may matutunan sila.

“Huwag na, marami namang masasaktan," pakli ng premyadong aktres at film producer.

"Kasi kung buhay ko yung ipepelikula ko, no holds barred. Talagang… e, huwag na, huwag na.

“Actually, matagal na akong kinukuha pero huwag na, huwag na. Kasi may peace of mind na ako.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Pampamilya ang Buffalo Kids, at nag-enjoy ang mga paslit na nanood sa special screening nito sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Ang kasabay nitong Paquil movie ay napanood ko sa premiere night sa SM Megamall.

Hindi ito strictly religious movie. May bahid ito ng LGBT story.

Ang husay-husay ng dalawang bida ng Paquil na sina Beauty Gonzalez at JM de Guzman.

Luminous ang karilagan dito ni Beauty.

Read: Beauty Gonzalez takaw-pansin sa 100-anyos na kasuotan sa premiere

Paquil poster
Photo/s: @paquil_movie Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasabay rin ng Buffalo Kids at Paquil na nag-showing ang Captain America: Brave New World.

Pinanood ko ang ika-35 na pelikula sa Marvel Cinematic Universe (MCU) sa giant screen ng Vertis North mall, Quezon City, noong Pebrero 16, Linggo.

Sa tantiya ko, wala pang 15 percent ng seating capacity ng sinehan ang okupado.

Na-underwhelm ako sa Captain America: Brave New World dahil na-reveal na sa trailer ang pag-transform ni US President Thaddeus Ross (Harrison Ford) into Red Hulk.

Pakiwari ko’y sine-set up lang ng movie ang future Avengers films na Avengers: Doomsday (Mayo 2026) at Avengers: Secret Wars (Mayo 2027).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez: “Huwag na, marami namang masasaktan. Kasi kung buhay ko yung ipepelikula ko, no holds barred. Talagang… e, huwag na, huwag na."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results