GORGY RULA
Inimbitahan ng grupo ng bakers ang mga aktres na sina Ai-Ai delas Alas at Rhian Ramos para dumalo sa Bakery Fair 2025 na gaganapin sa World Trade Center sa March 6-8, 2025.
Ang Bakery Fair 2025 ay in-organize ng Filipino Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI), na pinamumunuan ni Chris Ah ng Liberty Foodmart.
Read: Ano ang papel ni Cory Quirino sa pagbangon ng popular hopia brand na Eng Bee Tin?
Every two years ang Bakery Fair at dito ay nagkikita-kita ang mga grupo ng bakers sa bansa.

May partisipasyon din ang bakers mula sa ibang bansa para ibahagi ang kanilang kaalaman sa baking.
“Darating po yung mga bakers club. Yung Ilonggo bakers club, Visayas… from the baking group. All around the Philippines, darating po lahat ito.

"And we have international mga chef and master bakers to share their knowledge and technologies,” pahayag ni Mr. Chris Ah.

WELCOME TO ALL BAKERS
Bukod sa may mga bakery o bake shop, welcome din ang lahat ng mahilig sa baking.
Malaking bagay raw kung may celebrities na sumali, kagaya nina Ai-Ai at Rhian, pati sina Marian Rivera, Ara Mina, Yasmien Kurdi, at Ysabel Ortega.
Si Ysabel ay meron nang bakeshop na Maria Ysabel’s Cakes and Pastries.
Napansin ng FCBAI ang pagtitinda ni Ai-Ai ng ube pandesal noong pandemic, at nakakatuwa raw na maganda ang ginawa nitong negosyo noong panahong yun.
Read: Ai-Ai delas Alas finds a "sideline" in her ube pandesal business
Panawagan pa ni Mr. Chris Ah sa Kapuso actress na si Rhian Ramos, “Meron pa po tayong napaka-sexy na si Rhian Ramos, baka puwedeng mapagbigyan niyo po kami?”
View this post on Instagram
Nagpadala na raw sila ng imbitasyon kina Ai-Ai at Rhian.

NOEL FERRER
Isa si Ai-Ai delas Alas sa nagpauso noon ng ube pandesal.
Meron ding gumagawa ng malunggay pandesal.
Kaya sana raw, may mga celebrity na sumali sa Bakery Fair 2025. Baka meron din silang mai-share kung paano makagawa ng sinasabi nilang healthy bread.
Ayon kay Mr. Chris Ah: “Isa po sa mga challenges para sa mga bakers to develop healthier bread, healthier products na hindi makaka-affect sa kalusugan.
“Also siyempre, pag gumamit po tayo ng sinasabi natin na clean label. Ang clean label po, bawal po gumamit ng mga chemical preservatives, chemical colors.
“So, ang clean label is natural lahat. Which is nagiging trend na po ito sa ibang bansa.
"And sa Philippines, tuluy-tuloy na rin po ito. Ang FDA, unti-unti rin sinusulong to.
“Ito po yung pagkakataon bakit po tayo nagkaroon ng Bakery Fair kasi darating po yung mga different suppliers from around the world, to share kung papano magamit ang natural ingredients sa bread natin with a very minimal cost.”
Read: Celebrity bakers, imbitado sa Bakery Fair 2019

JERRY OLEA
Pag-uusapan din sa Bakery Fair 2025 kung paano makakapag-adjust sa pagtaas ng presyo ng ingredients kagaya ng arina at asukal nang hindi naaapektuhan ang kalidad ng tinapay na ginagawa nila.
“Ito po yung every two years nagtitipun-tipon, nagkikita-kita to discuss… lalo na ngayon, ang mahal nito. Anong solusyon?
“Lahat yan, ito pong Bakery Fair ay sasagot sa mga katanungan nila. It will be the solution of all the bakers at sa mga problema nila,” sabi ng FCBAI president.
“Eto rin po yung pagkakataon, for the first time na magkakaroon kami ng townhall meeting, kumbaga, with all the bakery associations. Different bakery associations around the whole Philippines.
“And also, magkakaroon tayo ng forum with the entire bakery association. So, member po tayo ng International Bakers Association.
“Dito po magkakaroon ng forum. Isi-share sa atin, how do they do their bakery business sa ibang bansa. Paano po naging successful.”
