JERRY OLEA
Mala-telenobela ang kandidatura ni Lino Cayetano para kinatawan ng District One ng Taguig at Pateros sa nalalapit na 2025 mid-term elections.
Dahil ba sa “family feud”?
Read: Lino Cayetano, inamin ang sigalot sa pamilya dahil sa pulitika
“Kaya ko sinabi na parang telenobela, kasi siyempre ayoko naman kayong bigyan ng hard news,” pangiting sabi ni Direk Lino sa tsikahan with showbiz media nitong Pebrero 17, 2025, Lunes, sa Valencia Events Place, Quezon City.
“Entertainment pa rin. But kidding aside, parang telenobela yung pinagdadaanan namin kahit papaano nung wife ko [Fille Cainglet].
“Kasi as you know probably, yung kuya ko, si Kuya Alan [Peter Cayetano], and his wife Mayor Lani are supporting another candidate — na OK lang sa akin.
“OK lang sa akin. Pero siyempre there are challenges sa family.
"Nung mayor po ako ng tatlong taon [2019-2022], I decided not to run for reelection para magbigay-daan kay Mayor Lani.
“So, kinausap ako ni Kuya Alan. Gusto raw tumakbo ng asawa niya.
"And para hindi na magulo, para hindi na magkaroon ng away o kung ano man, on my own I stepped aside. Mayor Lani ran."
PETER AND LANI SUPPORT LINO'S OPPONENT
Ngayong 2025 elections ay ipinaalam daw ni Lino sa kanyang pamilya na tatakbo siyang muli bilang mayor. Pero gusto rin daw tumakbo ng kanyang sister-in-law na si Lani Cayetano.
Muling nagpaubaya si Lino at tumakbo bilang congressman.
Ang buong akala raw ni Lino ay susuportahan na nina Alan at Lani ang kanyang kandidatura, pero nagulat daw siya nang malamang ang kalaban niya ang susuportahan ng mga ito.
Ang mahigpit na kalaban ni Lino bilang first district representative ay si Ading Cruz Jr., na katiket nina Alan at Lani.
Lahad ni Lino: “Itong eleksyon na ito, 2025, I told my family again na gusto kong bumalik bilang mayor. Kasi nakikita ko, bilang mayor, mas marami ka talagang matutulungan.
“Again, sabi nila, Mayor Lani wants to run. So I stepped aside and I decided to run for congress.
“So, akala ko madali na nila akong susuportahan, 'no. But I decided to run as an independent with or without their support.
“Pero nagulat ako nung sinuportahan nila yung magiging kalaban ko ngayon… na kaibigan ko rin naman.
“So yun, medyo masalimuot. But in the end of the day, we’re family.
“And alam niyo naman yung eleksyon, parang showbiz, 'no. Minsan nagkakaroon ng alitan. Nagkakaroon ng intrigahan.
“But I’m hoping and praying that at the end of the elections, makita nila that we’re still family.
“And the only thing I think more important than family is our obligation to each other, at yung obligasyon natin sa Panginoon.
“Na tingin ko, yun ang mas mahalaga when you think of serving, and serving the city you love.”
GORGY RULA
Kumusta iyong kasong disqualification sa kanya? Ano ang update?
Read: Lino Cayetano, nagsalita sa kinahaharap na disqualification issue
Tugon ni Direk Lino: “Ongoing yung disqualification. Hindi ko pa rin alam kung sino ang nagpapa-disqualify sa akin.
"Pero merong mga tao na ayaw akong manalo, ayaw akong tumakbo.
“So actually, that’s something na I think hindi mawawala sa kahit anong telenobela. I don’t think it’s the family.
“I think may mga taong baka mas malalim yung interes na ayaw akong manalo, to get involved.
“When I was a mayor of Taguig, nakita ko that if you put politics aside and you focus on serving the people, napakadami palang puwedeng gawin ng gobyerno.
“And that’s something I’m excited to do in Congress. Na pag isinantabi yung pulitika, grabe pala yung kapangyarihan ng gobyerno para mabago yung buhay ng tao."
Patuloy niya: “Ngayon, na-print na yung mga ballots. So my name is in the ballot. So, malaking bagay iyon.
“Pero tuloy pa rin yung disqualification case. Ang maganda dun, nandoon na yung pangalan ko sa balota. So, mas magiging madali na iyong proseso.
“Pero siyempre ang prayer namin ay mabasura yung disqualification case ko.
“Kung humaba naman at tumagal, maaaring kung manalo ako ay maproklama na ako by the time na lumabas yung desisyon.
“So sa akin, ang importante, na-print na yung balota na nandoon yung pangalan ko.”
Read: Vilma Santos at Luis Manzano, iginiit ang kahalagahan ng teamwork
NOEL FERRER
Dahil sa disqualification case, posibleng malito ang mga botante sa District One ng Taguig at Pateros.
Pag-ayon ni Direk Lino Cayetano, “I think yun yung rason kung bakit may disqualification case — para malito yung mga botante.
“So, may mga umiikot, sinasabi nila, ‘Sayang yung boto niyo kasi madi-disqualify lang si Lino.’
“Na nakakapagtaka, di ba? Kasi I was mayor of the entire city of Taguig. At simula noong unang beses kong bumoto, nandoon na ako sa unang distrito.
“It’s the district of my dad. It’s the district of my family.
"Pero ganoon pa man, patuloy ang pagpapaalala namin na, ‘Hindi masasayang yung boto niyo. I am a candidate for the first district of Taguig and Pateros.’
“Noong isang araw lang, nag-hearing din kami. But yun nga, it’s a long process sa Comelec.”
FAMILY RIFT BECAUSE OF POLITICS
Kumusta ang kanilang pamilya sa gitna ng mga isyung ito?
“OK kami ng mommy ko. So, madalas kaming magkita ng mom ko. Dinadala namin yung mga anak namin doon sa bahay niya,” lahad ni Direk Lino.
“Nag-uusap naman kami ng ate [Pia Cayetano] ko.
"Pero totoo na yung pulitika has caused a rift, 'no.
“Very close kami ni Kuya Alan. Tingin ko, ako nga ang isa sa mga bihirang tao lang na puwedeng sabihin yung lahat ng opinyon sa kanya.
“Pag meron siyang ginawa na hindi ko nagustuhan, sinasabi ko sa kanya. And usually, pinapakinggan niya ako.
“So ako, I miss that, 'no. I miss being able to talk to my brother. And hopefully after the elections, 'no, magkasundo rin kami.
“I think we’re more influential, mas marami kaming matutulungan kung magkakampi kami.
“And again, naniniwala ako, pareho kami ng puso. May mga bagay na hindi namin pinagkakasunduan lalo noong dating administrasyon.
“Pero tingin ko, sa isang libong isyu, baka dalawa, tatlo, apat yung hindi namin pinagkakasunduan. Pero iyong iba, magkakasundo kami.
“Kasi pareho kami ng values. So, hindi man kami masyadong nag-uusap ngayon, I pray that after elections, maaayos din lahat.”
Sa kaarawan niya noong Enero 4, binati ba siya ng kanyang kuya?
“Hindi. Pero ako, constantly nagme-message naman ako. I think para sa kanila, siyempre Kuya, baka kulturang Pilipino — pag hindi ka sumunod, may tampo,” sabi ni Direk Lino.
“Baka ganoon, 'no. Pero sa akin, may mga bagay na mas importante minsan kaysa sa opinyon ng iyong kapatid.
“And sa akin, more important than that is yung gusto kong pagserbisyuhan iyong Taguig at Pateros.”
Notice: This falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.
