JERRY OLEA
Nag-courtesy call ang "Revival King" na si Jojo Mendrez sa Star Music head na si Roxy Liquigan kahapon, Pebrero 18, 2025.
Pumirma rin kahapon si Jojo ng kontrata sa ABS-CBN Star Music, bago siya tumuloy sa mediacon na ginanap sa Dapo restaurant, sa Sct. Borromeo St., Quezon City.
Masayang-masaya si Jojo dahil umabot sa 45M views sa iba’t ibang platform ang revival niya ng kantang "Somewhere in My Past," na ang original singer ay si Julie Vega (1968-1985).
Read: Revival King Jojo Mendrez, may music video collab kina Buknoy Glamurr, China Roces, Erika Embang
PHOTOS AND VIDEOS WITH MARK HERRAS
Inusisa ng katotong Janiz Navida si Jojo kaugnay sa pictures at video nila together ni Mark Herras na magkasama sa casino.
Natsismis na kesyo nag-check-in silang dalawa roon.
Nilinaw na ni Jojo sa PEP Troika ang nasabing intriga. Pero hindi mamatay-matay ang tsismis.
Read: Jojo Mendrez nagpaliwanag sa spotted photos nila ni Mark Herras
Noong Pebrero 14, Valentine’s Day, ay magpe-perform sana si Mark for the third time sa Apollo gaybar na malapit sa Baclaran Church, Parañaque City.
Hindi natuloy roon si Mark.
May mga hitad na nag-one-plus-one at baka raw pinigilan ni Jojo, o magka-date sila noong Araw ng mga Puso.
Siyempre, haka-haka at eme-eme lang iyon ng mga tolits at marites.
Ayon kay Genesis “MamiGen” Gallios ng Apollo, nakatakda sa Pebrero 28 ang next guesting ni Mark sa naturang gaybar.
Read: Mark Herras, walang pagsisisi sa pagpe-perform sa gay bar

At any rate, may naramdaman ba si Jojo somewhere in his past kay Mark?
Ang tugon ni Jojo: “No comment, pasensiya na. No comment.
"Kasi ano, e. Yun nga ang pinagdadaanan ko ngayon, e. Yung video na lumabas ngayon, napaka-malicious.
“Kaya sabi ng management, ‘Huwag mo nang sagutin.’
"Kasi kahit sabihin ko na hindi, sasabihin ng tao’y oo. Kung sasabihin ko naman, oo, sasabihin ng tao’y hindi.
“So, saan ako lalagay? Kasi nga, ang social media, madali siyang ano. Ang mga tao, madaling mag-judge. Kung anong nakita nila, yun na yon.
“So I cannot explain to everyone na, ‘Ito ang totoo!’ Kaya sabi ko, huwag na lang akong mag-comment, di ba?
“At siguro kung makita niyo siya [Mark], puwede niyo rin naman siyang tanungin.
"Kasi sa aking side, e, andami ko nang pinagdaanan. Family ko, affected. Tapos yung mga kaibigan ko, tumatawag sa akin.
“Pag-open ko ng cellphone ko, mukha ko agad ang makikita sa Google, sa Facebook, lahat. Mukha ko.
“So, kumita naman ang mga social media, mga bloggers. Kumita sila dun.
"Sa akin, hayaan na lang. Siguro one day, malalaman din nila yung totoo.”
Read: Mark Herras, nag-show sa isang male entertainment bar
NOTHING GOING ON BETWEEN JOJO AND MARK
Nilinaw ni Jojo na hindi bahagi si Mark ng music video ng "Somewhere in My Past."
Susog ng katotong Rodel Fernando, may mga nababasa siyang komento na bagay sina Jojo at Mark.
“Si Jun Lalin na lang ang sumagot niyan, Jun!” bulalas ni Jojo.
“Sabi ko nga, no comment na lang. Kasi andaming program na nag-interbyu sa akin diyan.
“Sinasabi ko nga, kahit sabihin kong hindi ay iisipin ng tao’y oo, di ba? Kung sabihin ko namang oo, di naman maniniwala din.
"Di huwag na lang akong mag-comment.”
Walang something sa kanila ni Mark?
Mabining sagot ni Jojo, “Wala. Ikaw talaga!”
Hiningan ng sampol si Jojo ng kantang "Nandito Lang Ako" na likha ni Jonathan Manalo.
Pahayag ni Jojo: “Napakalaking oportunidad po sa akin ang magawan ng kanta ni Jonathan Manalo na isa rin hong kilalang composer.
“At sana ho, magustuhan ninyo iyong 'Nandito Lang Ako.' Kasi ang story naman ng 'Nandito Lang Ako' ay yung ano, e.
"Marami ngayon ang nagpapaasa. Nagpapanggap na mahal ka.
"Pero bihira yung taong nagmamahal nang totoo. At yung taong nagmamahal nang totoo, yun ang kumakanta ng song.
“Na ibibigay lahat ng kanyang panahon at buhay sa taong kinakantahan niya.
“So, kahit sabihin mong maraming nanloloko ngayong panahong ito, meron pa ring natatanging tao na puwedeng magmahal sa iyo nang totoo.”
Read: Nora Aunor, nagbantang idedemanda ang singer na si Jojo Mendrez
NOEL FERRER
Pagtatapat ni Jojo Mendrez, nag-tranquilizer siya nang i-record ang "Nandito Lang Ako."
“Kasi first time kong makatrabaho si Jonathan Manalo. Masyadong ninerbiyos ako,” pagsisiwalat ni Jojo.
“Kasi ayokong mapahiya sa kanya. Kasi siyempre song niya yan, so kailangan kong ma-perfect yung kantang yon.”
Nag-uumapaw ang emosyon ni Jojo sa pag-awit, lalo na sa parteng…
“Maghihintay lang sa yo, mahal ko/ Nandito lang ako/Di kita iiwan/ Nandito lang ako/ Di ka pababayaan”
MARK HERRAS SURPRISES JOJO MENDREZ
Habang inaawit niya ang parteng iyon ay sumulpot si Mark Herras, yumakap sa kanya, at nag-abot ng pumpon ng bulaklak.
Kilig-kiligang napatili ang ilang fans, at agad namang sinamahan si Mark ng isang taga-Aqueous Entertainment (management ni Jojo) sa pag-exit.

Pagkatapos umawit ni Jojo ay nag-announce ang isa pang taga-Aqueous, “Ayun po, sa mga minamahal po naming press people ngayon pong gabi, humihingi po kami ng paumanhin.
“Medyo sumama lang po yung pakiramdam ni Jojo. Sa mga magtatanong po na iba, baka puwede na lang natin na iano, i-direct message or interview na lang by phone.”
Read: Mark Herras says no bad blood with Sparkle; still with GMA-7
Bale apat lang ang nakapagtanong sa mediacon. Um-exit na rin si Jojo.
Ngayong Pebrero 19, Miyerkules, ay humingi muli ng paumahin ang Aqueous Entertainment sa mga taga-media na dumalo sa mediacon.
Bahagi ng kanilang statement: “Due to overwhelming atmosphere, Jojo had to excuse himself because of hyperventilation.
“But rest assured he’s ok now and in good shape.”
I know Jojo has such a good and generous heart.
Sana talaga, dumating ang point na malaman niya kung tunay ang pakikitungo sa kanya o eklay lang.
He really needs people to ground him sa realidad, hindi lang ng ating industriya kundi sa mga pagkakaibigan kahit sa labas ng showbiz.
Basta sana, with this new song at partnership with Star Music, mahanap at matagpuan niya ang makakapagpasaya sa kanyang buhay.
All the best, "Revival King"!
Read: Mark Herras, magkano ang TF sa muling pagkaldag sa gay bar?
GORGY RULA
Ang revival song na "Somewhere in My Past" ang pinu-promote ni Jojo Mendrez, pero ang kumalat sa social media ay ang tagpo sa kanyang press launch kung saan kinanta niya ang single niyang "Nandito Lang Ako" na likha ni Jonathan Manalo.
Maganda naman ang kanta, at madaling sabayan.
Comment nga ng listeners namin sa aming radio program, maganda raw ang kanta na pang-theme song ng teleserye.
Nang kinakanta ni Jojo ang "Nandito Lang Ako" sa mediacon, biglang sumulpot si Mark para iabot ang bulalak at yumakap kay Jojo.
Yun kaya ang mensahe ni Mark kay Jojo? Kahit ano ang mangyari ay nandiyan lang siya?
Pero umalis din agad si Mark pagkatapos ng eksenang yun.
Kasunod nito ay umalis na rin si Jojo dahil nag-iba raw ang pakiramdam nito.
BEHIND THE SCENE
May nagkuwento sa aming maaga pa lang ay nasa labas na raw ng Dapo restaurant si Mark.
Halos magkasabay raw silang dumating ni Jojo at magkatabi pa raw sila ng kotseng pinagparkingan.
Nasa loob lang daw ng kotse si Mark, at lumabas lang ito nung kalagitnaan na ng press launch.
May bitbit nga raw na bulaklak si Mark, at yun ang iniabot kay Jojo.
Bongga ang paandar na iyan dahil marami talaga ang curious kung ano ba talaga ang meron kina Jojo at Mark.
Kung ano man yun, at least nakatulong si Mark para sa promo ng bagong single ng "Revival King."
Sinubukan kong tawagan si Jojo para linawin sana ito, pero kalalabas lang daw niya ng hospital.
Kaya hinayaaan ko na muna, bago ko siya kulitin tungkol sa isyu nila ni Mark.
Samantala, totoo kayang may ilang taong concerned kay Mark na kinakausap ang executives ng GMA-7 na bigyan sana ito ng show?
Pero hataw naman pala ngayon si Mark sa mga raket out of town.
