PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mavy Legaspi, bagong co-host ng PBB Celebrity Collab Edition

Sinu-sinong Sparkle at Star Magic artists ang magiging celebrity housemates?
by PEP Troika
Published Feb 21, 2025
mavy legaspi it's showtime
Mavy Legaspi on being part of PBB Celebrity Collab Edition: “Siyempre medyo may kaba. Pero I’m very excited na makakasama ko ang lahat na mga amazing hosts, and siyempre ang mga bagong housemates. It’s an honor. It’s truly an honor to be part of PBB."
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube

GORGY RULA

Ipinakilala si Mavy Legaspi sa It’s Showtime ngayong Biyernes, February 21, 2025, bilang dagdag na host sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.

Siya ang tinaguriang "Kapuso Royal Tropa ni Kuya," at ang dagdag na Kapuso host sa Kapamilya reality show.

Read: ABS-CBN, GMA-7 join forces for PBB Celebrity Edition Collab

mavy legaspi pbb celebrity collab
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-judge si Mavy sa segment na "Sexy Babe" ng It’s Showtime, kasama sina Max Collins at Chie Filomeno.

Binati siya nina Vice Ganda sa pagiging bahagi nito ng PBB Celebrity Collab Edition.

Sabi ni Mavy: “I’m very excited actually na makilala yung mga bagong housemates na taga-Sparkle, of course Star Magic.

"And siyempre just to be a part of yung pinakasikat na bahay sa bansa, siyempre ang Bahay ni Kuya.

“I’ve been watching it since when I was a kid. Bata pa lang ako, nanonood na ako ng PBB.

"And now to be one of the hosts together with Gabbi [Garcia], Kim [Chiu]... dapat Ate Kim pala, Kuya Enchong [Dee], Kuya Robi [Domingo], Ms. Melai [Francisco], and of course, Bianca Gonzalez.

“I’m very excited na and, of course, the PBB Celeb Collab Edition. March 9 na yan.”

Read: Gabbi Garcia to host Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab

Ngayon lang uli nabigyan ng project ng GMA-7 ang binata nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, pagkatapos niyang mag-host sa noontime show na Tahanang Pinakamasaya, na dating umookupa sa timeslot ng It's Showtime sa Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, medyo may kaba," sabi pa ni Mavy.

"Pero I’m very excited na makakasama ko lahat ng amazing hosts, and siyempre ang mga bagong housemates.

"It’s an honor. It’s truly an honor to be a part of PBB."

WHO WILL BE THE HOUSEMATES FROM SPARKLE AND STAR MAGIC?

NOEL FERRER

Ngayon pa lang ay may mga lumulutang nang pangalan kung sinu-sino ang posibleng papasok sa Bahay ni Kuya.

Ayon sa ilang reliable source, kabilang sa Sparkle talents na ipapasok ang baguhang sexy actress na nagho-host minsan sa mga media conference ng ilang Kapuso shows.

Sa pagkakaalala namin ay minsan na-link itong si sexy actress sa isang sikat na Kapamilya actor.

Papasok din daw sa Bahay Ni Kuya ang anak na dalaga ng kilalang aktres at premyadong aktor.

Ngayon lang namin nalamang talent na rin pala siya ng Sparkle.

Read: Mark, payag maging housemate sa PBB Celebrity Edition Collab?

JERRY OLEA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagdating naman sa Star Magic talents, totoo kayang papasok sa Bahay ni Kuya ang guwapong baguhang aktor?

Lumulutang din ang pangalan ng sikat na young actress na may ka-loveteam na guwapong aktor.

Sikat ang loveteam nila, pero ang tsika, susubukan daw silang i-partner sa iba.

Baka ipa-partner daw itong si sikat na young actress kay guwapong baguhang aktor.

Susubukan daw sa Bahay Ni Kuya kung may chemistry silang dalawa.

Abangan natin iyan sa March 9 kung totoo itong mga tsikang nasagap ng PEP Troika.

Totoo rin kayang sa GMA-7 lang mapapanood ang PBB Celebrity Collab Edition?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mavy Legaspi on being part of PBB Celebrity Collab Edition: “Siyempre medyo may kaba. Pero I’m very excited na makakasama ko ang lahat na mga amazing hosts, and siyempre ang mga bagong housemates. It’s an honor. It’s truly an honor to be part of PBB."
PHOTO/S: Kapamilya Channel YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results