GORGY RULA
Pagkatapos ng screening ng The Caretakers ng Rein at Regal Entertainment sa SM The Block noong Lunes, February 24, 2025, nagkaroon ng media conference para sa cast, sa pangunguna ng lead stars na sina Iza Calzado at Dimples Romana.
Kabilang din sa cast sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Inka Magnaye, Jake Taylor, at ang child stars na sina Althea Ruedas, Erin Espiritu, at Erika Clemente.
Hindi nakadalo ang direktor ng pelikula na si Shugo Praico.
Read: Dimples Romana at Iza Calzado, magpapasiklab sa The Caretakers
"TALK SHOW" WITH IZA AND DIMPLES
Nagmistulang talk show sa media conference sa haba ng sagot ng dalawang bida.
Kuwento ni Iza, sa buong shooting days nila ay sobrang dami nilang napag-usapan ni Dimples.
Hindi raw mapigil ang bonggang huntahan nila sa set.
Noong hindi pa raw kasi sila nagkakatrabaho, kumustahan lang sila at hindi nagkakaroon ng chance na mag-usap.
Dito na lang nang magsama sila sa The Caretakers.
Pahayag ni Iza: “Finally, we got to work together. Hindi kami tumitigil tsumika. So the dynamic duo of tsika. Yun lang.
“Hindi ko nga alam kung paano ito natapos nila Direk Shugo, e. Kasi ang daldal talaga namin.
“Pero beyond that, you know? She [Dimples] has this wealth of experience in being a mother…. that, you know, I come humbly asking for tips for, you know, experience, cause I just want her to tell her story.
“Because she just picks out naman of what you get, di ba?
“And then, na-enjoy ko yung kanyang energy at na-inspire ako sa kanyang pagiging businesswoman, you know.”
Read: Iza Calzado, ipinaliwanag bakit ayaw munang gumawa ng teleserye

A FRIENDSHIP WAS BORN
Sa shooting daw talaga nabuo ang magandang friendship nina Iza at Dimples.
Saad ni Iza: “Ang hirap kasi mag-establish ng friendship na malalim sa stage na ito ng buhay namin.
“Seize here when you’re younger. Cause you have so much time. But as you get older, you’ve so much on your plate.
“So, for it to get deeper, will take a lot of conscious work and will take a lot of...
"Even if we are not in the same space hanging out… you know, you can count on me and I can count on you. I think ganun lang siya kasimple.
“So, I would like to think that we have become friends through this project na yung hindi lang ‘hi, hello, how are you.’ And I am grateful for that.”
Nagtuluy-tuloy pa ang bonding ng dalawa sa promo ng The Caretakers, dahil magso-showing na ito sa mga sinehan bukas, Pebrero 26, 2025.
Read: Dimples Romana: Tribute ang The Caretakers kay Mother Lily
JERRY OLEA
Umayon si Dimples Romana sa mga sinabi ni Iza Calzado tungkol sa nabuo nilang friendship dito sa The Caretakers.
“Tama po si Iza. Siyempre alam niyo naman, ang mga kaibigan… sanay kasi ako sa mga kaibigan na superstar. Di ba, sina ano… and Iza is a superstar,” sambit ni Dimples.
“For me, before working with her… ako kasi, having been able to experience with Angel [Locsin] and Bea [Alonzo], and now Iza.
“I feel very blessed that I get to work with such big stars and big energies like themselves, and yet so grounded.
“Iyon yung pinakamaganda sa lahat na nangyaring ito, na alam mong nagningning siya, malaki yung pagningning niya.
“Pero hindi niya pinaramdam sa yo na malaki siya. Iyon yung importante sa akin.
“Totoo po yun na parang pinag-adya ng pagkakataon na kami ni Iza ay... naniniwala po kasi ako sa perfect timing. Wala akong pinipilit na mga bagay.
“And thank God, when sina Direk Lino [Cayetano], sina Direk Philip [King] and Direk Shugo [Praico] had approached and said this is finally happening, and this is with Iza Calzado, and I was, like, wow!”
Sina Lino Cayetano, Philip King, at Shugo Praico ang co-founders ng Rein Entertainment.
Read: Iza Calzado at Dimples Romana, perfect timing ang unang pagsasama
NOEL FERRER
Nakikita sa pelikulang ito ang pagbibigayan nina Iza at Dimples sa mga eksena. Walang sapawan.
Sabi nga ni Dimples: “Minsan gagamayin mo yung artista, kasi hindi mo alam kung gusto ba niyang mag-shine ngayon. Or gusto ba niyang magbigay?
“Ako naman marespeto ako sa ganun kasi lumaki ako sa mga beterana e. So, alam ko magbigay.
“Iyon ang pinakamagaling ako sa totoo lang, ang magbigay. Iyon yung gift ko kasi I don’t know anything else. I grew up in this business giving.
“And when you grow up to be a support character, you always remind yourself to know your place. This is where I’m at, and being a support character it doesn’t mean you’re on the sideline.
“You hold up those who supposed to shine at the moment. And then you wait for your moment.
“That for me, the biggest gift of this film is that Iza and I worked as a team.
“Nobody wanted to outshine one another. That’s why you can see it on the film.
"Nakikita mo, e. Pag titimbang ka, parang ho ho ho. Kaya tinignan ko ang ganda.
“Ang sarap sumayaw pag ang kasayaw mo hindi nananapak ng paa.”
