GORGY RULA
Maraming nagtatanong sa amin kung bumababa na ba ang popularidad ni Herlene Budol aka Hipon Girl.
O naging nega ba ang dating ng pagsisimula ng afternoon drama niyang Binibining Marikit nang inungkat pa niya ang isyu nila noon ni Rob Gomez?
Si Rob ang dating leading man ni Herlene sa teleseryeng Magandang Dilag.
Read: Herlene Budol takes a swipe at former leading man Rob Gomez
Magmula nang mag-pilot ang Binibining Marikit noong February 10, 2025, hindi pa ito humahataw nang husto sa ratings.
Ito ang sinasabing dahilan kaya nagpalit sila ng timeslot ng Prinsesa ng City Jail, na na consistent na mataas ang rating, sa GMA Afternoon Prime.
Ang dating pangatlo sa timeslot na Prinsesa ng City Jail na ang kasunod ng It's Showtime.
Pangalawa ang Mommy Dearest na nag-pilot episode noong Lunes, February 24.
At panghuli na ang Binibining Marikit.
AFTERNOON SLOT TV RATINGS
Narito ang ratings ng afternoon slot nitong Lunes, February 24:
Ang It’s Showtime ay 5.7%, at ang Eat Bulaga! ay 3.5%.
Ang Prinsesa ng City Jail ay 6.5%, at ang katapat nitong Huwag Kang Mangamba ay 0.5% na sinundan ng Frontline Express na 2.2%.
Ang pilot episode ng Mommy Dearest ay naka-6.6%, at ang Viral Scandal ay 0.3%.
Sumunod ang Binibining Marikit na 5.4%, at ang Face To Face ay 0.6%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 3.8%, at ang katapat na Wil To Win ay 1.3%.
Ang Perfect Marriage Revenge ay 2.5%.
Ang Family Feud, kung saan naglaro ang mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado para sa promo ng Everything About My Wife, ay 7.8%.
Itong Family Feud ang pinakamataas na programa sa afternoon slot.
Read: Kapuso afternoon shows, patuloy na namamayagpag sa ratings
NOEL FERRER
Pagdating sa primetime, sinimulan ng 24 Oras with 14%.
Ang katapat nitong news program sa TV5 na Frontline Pilipinas ay 3%, at ang TV Patrol ng Kapamilya Channel ay 3.8%.
Ang Lolong: Bayani ng Bayan na naka-8.4% ay malayo pa rin ang agwat sa FPJ’s Batang Quiapo na 18.2%.
Consistent ding mas mataas ang Incognito na 10.5% versus sa Mga Batang Riles na naka-7.9%.
Consistent namang mas mataas ang My Ilonggo Girl na 6.4%, kumpara sa katapat nitong How To Spot A Red Flag na naka-3.7%. At sinundan ng Saksi na 2.1%.
Read: Batang Quiapo, unbeatable sa ratings at online views
JERRY OLEA
Nanegahan ako sa promo noon ng Binibining Marikit na inokray-okray si Rob Gomez gayong walang itong kinalaman sa programa.
Kaya sa ganang akin, dasurv ng Binibining Marikit na maging "weakest link" sa mga panghapong teledrama ng Kapuso Network.
NKKLK kapag nagpa-flashback ang Lolong: Bayani ng Bayan ng eksena na kasama si Christopher de Leon.
E, si Christopher ay nasa FPJ’s Batang Quiapo bilang Ramon Montenegro, ang tunay na ama ni Tanggol (Coco Martin).
May isang artista na ang karakter sa Batang Quiapo ay tinegi na.
Inalok itong mag-guest sa Lolong: Bayani ng Bayan pero tumanggi ito.
Ngayong Pebrero 25, Martes, ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, bumalik ang Incognito sa top spot ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Interestingly, today ay pumangalawa na ang Hello, Love, Again sa Top 10 Movies list naman ng nasabing streaming platform.
Read: TV ratings vs online views: anong shows ang talagang pinapanood?
