GORGY RULA
Ibinasura ng Court of Appeals ang apela ng dating medical operations head ng Belo Medical Group (BMG) na si Reginald Grace Llorin na i-reverse ang desisyon ng Makati Regional Trial Court.
Ito ay kaugnay ng kasong isinampa ng kumpanya ni Dra. Vicki Belo laban kay Llorin.
Napatunayan sa korte na nilabag ni Llorin ang pinirmahang dalawang non-compete agreement sa Belo Medical Group, pagkatapos nitong umalis at lumipat sa kalabang kumpanya.
Read: K Brosas wins court case against house contractor
Ipinag-utos ng Makati RTC na bayaran ni Llorin ang Belo Medical Group ng PHP1 million liquidated damages, PHP500,000 moral damages, at PHP3 million attorney’s fees, litigation expense, at cost of suit.
Inapela ito ni Llorin sa CA pero hindi siya kinatigan.
May order na ring bayaran niya ang halagang PHP4.5M damages at attorney’s fees.
Nang nag-resign si Llorin sa BMG ay lumipat siya bilang consultant ng Victoria Skin and Laser Center and Avignon Laser Dermatology, na direct competitor ng Belo Medical Group.
NON-COMPETE AGREEMENTS
Dalawang non-compete agreements ang pinirmahan Llorin sa BMG, kung saan two years pa ang effectivity ng isa sa pinirmahan niya.
Kinontra ito ni Llorin.
Depensa niya, forged umano ang kanyang pirma. Pero hindi ito tinanggap ng korte.
Itinanggi rin ni Llorin na na-disclose sa kanya ang trade secrets at business information ng BMG.
Pero mas pinaniwalaan ng Makati RTC ang panig ng kumpanya ni Dra. Vicki Belo.
Hanggang sa Court of Appeals ay hindi rin ito napatunayan ni Llorin kaya umayon pa rin ang desisyon sa Belo Medical Group.
Sinubukan ng PEP Troika na hingan ng pahayag si Dra. Vicki Belo, pero minabuti niyang manahimik na lang.
Ang gusto lang daw nila ay tuparin ang pinirmahang non-compete agreement pagkatapos nilang matuto at maraming nalaman sa Belo Medical Group.
Read: Tessa Prieto sues ex-GF Angel Chua for physical abuse
JERRY OLEA
Para sa mga empleyado ng Belo Medical Group, meron silang pinirmahang non-compete agreement.
Kailangan itong sundin hanggang sa matapos ang effectivity nito.
Marami nga naman silang natutunan doon pagkatapos silang i-train.
Unfair nga naman kung ang ending ay mapakikinabangan ito ng kalabang kumpanya.
Ang ibang umalis sa BMG ay isinasama sa kanilang calling card na galing sila sa Belo.
Sa halip na tahimik na lang sana silang umalis, ginagawa pa nila itong pang-attract sa bago nilang papasukan.
Magsilbi sanang aral itong nangyari kay Reginal Grace Llorin sa mga nagtrabaho sa BMG na umalis pagkatapos nilang na-train nang husto.
Ang iba kasi ay inilalako ang kanilang sarili sa bagong pagtatrabahuan o kaya sa ipinapatayo nilang clinic na trained sila ni Dra. Vicki Belo ng Belo Medical Group.
Read: Muntinlupa court orders takedown of Pepsi Paloma teaser video
NOEL FERRER
Kilala ang Belo Medical Group sa pagpapalaganap ng latest surgical and non-surgical beauty breakthroughs sa bansa.
Andami nilang kakumpitensiya sa beauty and wellness industry, kaya marapat lamang na protektahan nila ang kanilang trade secrets.
Tuluy-tuloy rin ang BMG sa kanilang outreach programs.
Pinost nila sa kanilang Facebook page ang pagdo-donate ng school kits para sa mga bata.
“We are deeply grateful to our patients, whose trust not only fuels their beauty journeys but also helps create meaningful change in the lives of these children. Thank you for being part of something truly special,” mensahe pa ng BMG.
Samantala, mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa lahat ng nabanggit sa artikulong ito.
Read: Ex-Quezon City Mayor Herbert Bautista found guilty of graft
