JERRY OLEA
Mapangahas si Alex Medina sa mga pelikulang Palitan (2012) at Babagwa (2013), ganoon din sa “Cinema Parausan” episode ng VMX anthology na Erotica Manila (2023).
May ginawa pa ba siyang project sa VMX (dating Vivamax) pagkatapos ng Erotica Manila na idinirek ni Lawrence Fajardo?
Read: Manila, aangal kaya sa paggamit ng pangalan ng lungsod sa Vivamax series na "Erotica Manila"?
“Wala na po,” mabilis na tugon ni Alex nang makatsikahan namin sa mediacon ng horror movie na Post Mortem nitong Pebrero 25, 2025, Martes, sa Mga Obra ni Nanay gallery sa Casa Milan, Fairview, Quezon City.
Matino iyong Erotica Manila, in fairness. Hindi basta talupan at puksaan ng laman.

Tumango si Alex: “Oh, yes! Kay Direk Law, gustung-gusto ko yung ginawa namin. Kasi kumbaga, ano siya, e, parang homage pa rin sa Scorpio Nights [1985] because I love this film.
“So, kahit konting nudity lang, OK lang siya. Pero hindi ko yata kaya to shift more into that. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ayaw na niyang maghubo dahil sa lumalaking anak, o may iba pang dahilan?
Malumanay na sagot ni Alex, “Partly na rin po siguro. Pero even when I entered po nung mga 2015… 2013… 2014…
“Meron akong consciously parang sabi ko na, 'OK na yon.' Kasi, yun nga po, mahirap matali sa iyo yung artistang laging magpapakita.
“Ang hirap din po pala yung ganun. Siyempre tumatanda rin ako, ang hirap mag-maintain physically. Ha! Ha! Ha! To exercise.”
May mga dad bod na walang keber magpaka-daring.
Even ang senior citizen at co-star niya sa Post Mortem na si Francis Mata, bonggang-bongga ang risque scenes sa VMX movie na Cita (2024).
Natatawang sabi ni Alex: “Siguro nga po, kung tumanda-tanda yung anak ko and I have more… siguro po, kung kaya kong i-maintain yung katawan ko, maybe I can show some skin sa itaas.
“Pero yung mga Palitan, Babagwa, baka hindi ko na kaya. Depende po sa material.”
Read: Hubadero 2024 Yearender: Male Celebrities Who Dared To Bare
ALEX MEDINA ON DOING NUDITY ON STAGE
E, sa teatro? Mas keri niyang maghubad sa dula?
Napabuntong-hininga si Alex, “Ano lang po, once lang po ako nag-theater. Sa CCP, yung Virgin Lab Fest [VLF].”
'Tampok sina Alex at Via Antonio sa one-act play na The Bride and The Bachelor (2019).
Pagbabalik-tanaw ni Alex, “Sinubukan ko po. Tapos may topless dun na eksena. Kasi parang kinakausap ko yung ex ko sa utak ko, e, parang ganun ang dating, e.
“So, wala akong pakialam. Nakahubad ako, naka-relax ako, nakabuyangyang ako sa bahay.”
Kahit sa stage, ayaw na rin niyang maghubad?
“OK lang naman if need be. Pero ang stage po kasi, ang hirap din dahil nga may family,” pagtatapat ni Alex.
“I don’t earn that much din naman po when it comes sa TV kaya hindi ko kayang i-devote yung time ko sa stage.
“Sa stage po, kailangan ko ng oras diyan, e. Iba yung preparation mo. Three months, if I remember… we had to practice for three months.
“So that involved me travelling from Quezon City to Manila, Quezon City-Manila just to rehearse and stuff.
“And ultimately kung mag-fail ako sa play, ang hirap. Kasi parang dadalhin ko yung buong buhay ko na ahhh…”
Read: Hubadero 2024 4Q: Nanggulat — John Lloyd Cruz at Benz Sangalang
GORGY RULA
Sa Marso 19 nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ang Post Mortem, na isinulat at idinirek ni Tom Nava.
Co-stars dito ni Alex Medina sina Sachzna Laparan, Jai Asuncion, Agassi Ching, Mike Lloren, Albert Nicolas, Jennica Garcia, Jim Morales, Chino Liu, Tony Lascano, at Francis Mata.
Nasa cast din sina Burong Macacua, Dudut de Guzman, Gepoy Tuazon, Louise Jimenez, Clouie Dimaapi, Ira Ruzz, Lamin de la Cruz, Yow Andrada, Peggy Solis, Rundee de la Cruz, Charlene Cua, Mike Liwag, at Limer Veloso.

Present din sa mediacon si Direk Tom, at ang vloggers na sina Jai at Agassi na ex-lovers.
Pinayuhan ba ni Alex ang mga baguhang sina Jai at Agassi kaugnay sa akting?
Tugon ni Alex: “Si Jai kasi, nakita ko pa lang sa look test namin, sabi ko, perfect siya for the role. Kasi magaling… alam niya kung paano yung kailangang emosyon na hinahanap ni Direk Tom.
“Si Ching, may chemistry naman kami. Kasi kami ang magkakaeksena madalas. Hindi ko na kailangang payuhan, e.
“Hindi kasi ako ganun sa set, so hinahayaan ko lang siya. Pero magaling din si Agassi… Minsan lang siyempre, baka napapagod lang. Iba kasi yung shoot sa vlogging.
“Minsan malilito ka talaga, lalo na first film niya. But he did well. Minsan, iba-iba yung sequence na sinu-shoot. So minsan nakakalito kung nasaan na yung karakter.
“Pero... kayang-kaya. Kinaya niya, e! And I’m sure meron pa yang kasunod.”
Nilinaw ni Agassi na may nagawa na siyang movies before sa Regal Entertainment, at nakapag-teleserye na siya sa ABS-CBN.
In fact, nauna siyang mag-artista bago sumubok maging vlogger o social media influencer.
Read: PEP Troika's Choice: Best Films and Performances of 2024

NOEL FERRER
First full-length film ni Direk Tom Nava itong Post Mortem.
Sabi ni Alex: “Si Direk Tom, magkakilala kami nung 2021 ba, 2020. Pandemic. Ano pa lang siya noon, nagsu-shoot siya, nagka-camera for Erich [Gonzales] and Enchong [Dee] for their online series.
“Naikuwento niya na gusto niyang gumawa ng pelikula. And then years later, kinontak niya ako, sinabi niya yung usapan namin.
“Doon ko siya naalala. ‘Oo nga, ikaw yun.’ Tapos ambilis lang nung progression niya.
“So anlaki ng tiwala ko na OK, there’s something more here. Kasi iba talaga gumalaw si Direk Tom. I guess he’s a very intelligent director and he never stops learning.
“Kumbaga, he works for YouTube and stuff, pero like sa personal, meron siyang ano talaga for films. Meron siyang eye for it.
“So excited akong mapanood yung buong pelikula actually.”
POST MORTEM
Ang istorya ng Post Mortem ay base sa pamahiin na kapag nakita mong walang ulo ang isang tao, dapat sampalin mo ito para mawala ang sumpa rito na mamatay.
Sabi ni Alex, hindi siya paniwalain sa mga pamahiin na elements ng horror.
Aniya, “More of like yung mga signs sa buhay siguro. Mas pina-follow ko yung mga nagga-guide. Mga guiding ano.
“Actually itong film na Post Mortem, it was a sign din. I really wanted to take the film kasi meron akong… kinuwento ko pa nga ito sa kanila na I was writing something close to this.
“Kaya excited ako, it might be a sign. Kasi gusto kong gumawa ng mga komiks and stuff, and merong sort of paranormal effect yon.
“I guess in a sense hindi ako naniniwala sa pamahiin na yung mga supernatural but the signs, I really believe na may nili-lead yun.
“Excited ako na, yun nga, we’ll see kung ano ang reception ng tao.”
Read: Haunted painting na ginamit sa horror film na Lilim, sinunog
