GORGY RULA
“Sa lahat ng gustong makatikim ng cookie ni Rhian, pumunta kayo sa Bakery Fair,” nakangiting pahayag ng presidente ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na si Mr. Christopher Ah.
Pinaunlakan daw ng Kapuso actress ang imbitasyon nilang maging bahagi sa Bakery Fair 2025 sa World Trade Center, Pasay City, sa March 6 hanggang 8.
Magde-demo si Rhian ng How To Bake Frozen Bas Bake Cookies.
Read: Ai-Ai delas Alas at Rhian Ramos, imbitado sa Bakery Fair 2025

Nagkainteres daw ang FCBAI nang i-post ng Kapuso actress sa kanyang Instagram account habang nagbe-bake ng cookies nang naka-two piece.
View this post on Instagram
RHIAN RAMOS' COOKIE
Nagtanong si Janiz Navida sa media conference ng Bakery Fair 2025 sa Oriental Palace, Quezon City, noong Miyerkules, February 26, kung natikman na ba ni Mr. Ah ang cookie ni Rhian.
Kaya iyon ang isinagot ni Mr. Ah — na pumunta sa Bakery Fair 2025 para matikman ang cookie ng aktres.
“Huwag po sana magalit sa akin si Rhian, nagbibiro lang po ako,” sambit pa niya.
Bukod kay Rhian, nag-confirm din daw si Marvin Agustin na dadalo sa malaking event na ito ng bakers.
Magkakaroon ng talk ang actor-businessman tungkol karanasan niya bilang chef at baker.
Saad ni Mr. Ah: “You know si Marvin, magaling magluto, magaling mag-bake.
"Pinaunlakan din yung imbitasyon natin to visit our event. And nagsabi siya na dadalhin niya ang buo niyang team.
“Si Marvin po kasi talaga into baking, into business po talaga.
“Honestly, we want Marvin to do a demo also. But ang problema, ang dami nating international master baker and chef, punung-puno yung ano natin.
“Punung-puno yung schedule natin.”
Read: Ai-Ai, hindi pa natatanggap ang imbitasyon sa Bakery Fair 2025
NOEL FERRER
Marami ang nagkainteres na i-witness ang demo ni Rhian on How To Bake Frozen Bas Bake Cookies na naka-schedule sa March 6.
Pero nilinaw ng FCBAI na baka isipin ng mga tao na naka-bikini rin si Rhian kagaya ng ipinost nito sa Instagram.
Siyempre, hindi gagawin iyon ng Kapuso actress.
“Bawal po kasi. Ang sa World Trade, bawal ang bikini shorts. Dapat naka-business attire,” pakli ni Mr. Ah.
Doon kasi sa Bakery Fair 2025 ay magtuturo rin ng food safety. Kung ano ang tamang pagluluto o pagbe-bake.
“Marami din tayong mga bagay na matutunan dito, for example yung mga food safety.
“Mapapansin natin ngayon pag nagbe-bake, kahit nasa social media, ay hindi naka-guwantes. Ay, bakit hindi naka-face mask. Bakit hindi naka-hairnet?
“Dito po matuturuan tayo ng mga food safety. And also marami tayo dito mga speakers. Tuturuan tayo for business,” dagdag ni Mr. Ah.
Read: Jodi Sta. Maria, son Thirdy bond over baking as culinary classmates

JERRY OLEA
May schedule din ng demo si Chef Boy Logro, at may ibang celebrities pa raw silang inimbitahan.
Marami raw matututunan dito ang mga artistang may bakeshop at mahilig mag-bake.
Marami sa mga kilalang baker at chef mula sa ibang bansa ang dadalo at magbibigay ng kanilang nalalaman sa pagbe-bake.
Merong Bakerycup 2025 competition.
Kaabang-abang ang Grand Regal Tiers Wedding Cake Display Competition where participants will compete for a grand prize of PHP150,000.
Bahagi ng talumpati ni Mr. Ah: “We are also proud to offer international training opportunities and trips to elite baking institutes for our competition winners, furthering our goal of raising global standards for Philippine baking.
“But Bakery Fair 2025 is not just about competition — it is about collaboration. “It is a platform where industry leaders, suppliers, and baking professionals come together to share knowledge, explore new trends, and forge meaningful connections.
“It is a space where tradition meets innovation, and where the future of baking is shaped.”
Read: Ai-Ai delas Alas finds a "sideline" in her ube pandesal business
