GORGY RULA
Isinantabi muna ni Alfred Vargas ang ilang pelikulang gustong i-produce ng kanyang film production na Alternative Vision Cinema.
Naka-focus muna siya sa pagsisimula ng kanyang pangangampanya bilang konsehal ng District 5 ng Quezon City, pati na rin sa reelection ng kanyang kapatid na si Congressman PM Vargas.
Read: Brothers Alfred, PM Vargas reminisce "sobrang wala" days
Pero hindi raw iiwan ni Alfred ang pagpo-produce lalo na’t masaya siya sa kinalabasan ng huling iprinodyus niyang pelikula, ang Pieta, kung saan nakasama niya ang mga dekalibreng aktres na sina Nora Aunor, Gina Alajar, at ang namayapang si Jaclyn Jose.
Read: Alfred Vargas, feeling nasa Marvel universe habang kaeksena sina Nora, Gina, at Jaclyn

“Naiikot siya [Pieta], pati abroad. Happy ako, kasi ang mga Noranians, grabe mag-demand ng movie, e,” sabi ng actor-politician.
Ayon kay Alfred, hindi pa niya nababawi ang ipinuhunan niya sa Pieta, pero konti na lang daw at magbi-breakeven na siya.
“Ngayon, hindi pa. Pero we’re on our way to ano na, to breakeven, mag-ROI [return of investment] na.
“Kasi ipinapalabas siya sa States, tapos ngayon sa Europe naman.
"Pero right now, focus muna tayo sa campaign,” dagdag niya.
NGITING ARTISTA
Masayang ibinalita ni Alfred sa PEP Troika na sa pagtatapos ng buwan ng February, marami raw sa constituents nila sa District 5 ng Quezon City ang nakinabang sa project niyang pinamagatang “Ngiting Artista.”
Matagal na raw itong proyekto ni Alfred na sinimulan niya 14 years ago.
Itinuluy-tuloy na niya ito sa tulong ni Cong. PM Vargas at ng partner nilang Urban Smiles.
Saad ni Alfred: “Kaya namin tinawag na Ngiting Artista, kasi sa showbiz tayo, galing tayong showbiz, tapos tinuturuan tayo to spread good vibes.
“Tapos incidentally, nagkaroon kami ng partner na dentista na kaibigan ko. Tapos na-package na namin… it’s been going on yearly. Hindi lang every February,” saad ni Alfred.
“This February, meron kaming 54 beneficiaries. And with this 54, lampas one thousand beneficiaries na ang nabigyan natin ng libreng pustiso.
“Minsan nga sa mall ako sa SM, may hahabol sa akin, ‘Sir, thank you, ha?’ Tapos ituturo nila, galing sa ‘yo to. O ayan, ha? Ngiti lang tayo palagi.
“Kasi gusto namin, let’s spread good vibes and yung ngiti is contagious.
“Basta good vibes lang tayo, tuloy lang tayo sa trabaho,” sey ni Alfred.
Read: Alfred Vargas says no to any kind of harassment

NOEL FERRER
Ang isa pa sa magandang kinalabasan nang ginawa ni Alfred ang Pieta ay napalapit siya sa National Artist na si Nora Aunor.
Hindi man daw sila yung tipong nagtatawagan or nagte-text sa isa’t isa na closeness, pero maganda raw ang kanilang friendship.
“Hindi ko naman masabing close, pero siguro ang masasabi ko mas lumalim ang ano namin, ang pinagsamahan namin. Napalapit ako sa kanya,” pakli ni Alfred.
Nakarating sa kanya na may karamdaman ngayon ang original Superstar, at nakukumusta raw niya ito kay Direk Adolf Alix.
“Hindi kami kasi magka-text na level. Pero ilang beses na rin ako nakapunta sa bahay niya sa Xavierville. Nadalaw ko siya before,” sabi ni Alfred.
FOREVER YOUNG CAST
Ang isa pang nami-miss ni Alfred ay ang mga kasamahan niya sa Kapuso afternoon drama series na Forever Young.
Ito ang huling drama series na ginawa niya sa GMA 7, bago siya mag-focus sa kanyang kandidatura.
Ang anak niya ritong si Euwenn Mikaell ang isa raw sa na-miss niya talaga dahil napakagaling daw ng bata.
“Sobra! Sobrang ano niya, kasi may charisma talaga siya. He can really act na parang as if may wisdom siya ng matatanda.
“Tapos ang bilis niya kumuha ng instructions from our director. Magaling siya.
“Nung ganun ako kabata, hindi ako ganun, e. Pero siya medyo ano, e… mag-memorize, napaka-professional.
“Actually, nami-miss ko talaga yung cast ng Forever Young. Parang naging family kami dun, e.
"Kami nina Nadine Samonte, sina Althea Ablan, sina Princess [Aliyah].
“Nami-miss ko actually yung Forever Young,” sambit ni Alfred.
Read: Kapuso afternoon shows, patuloy na namamayagpag sa ratings

JERRY OLEA
Nakakatuwa at nandiyan pa rin ang concern ni Alfred Vargas sa ating movie industry.
Gusto niyang ipagpatuloy ang pagpo-produce ng pelikula sa kabila ng mababa pa ring box-office results ng mga ipinapalabas na pelikula.
Bukod kay Alfred, marami pa rin ang gustong mag-produce ng magagandang pelikula kahit hindi pa nila nababawi ang mga una nilang prinodyus.
Tuloy pa rin ang laban para sa ating industriya.
NOW SHOWING
Ngayong linggo ay nagbukas ang pelikulang Everything About My Wife at The Caretakers. Matamlay pa rin sa unang araw ng showing.
Hindi pa namin nakukuha ang figures ng first day earnings ng The Caretakers, pero hindi raw ito ganun kalakas.
Ang nakuha lang namin ay ang sa Everything About My Wife na halos naka-PHP300,000 lang daw ito as of 3:00 P.M. nung Miyerkules.
Panonoorin ko sana ito nitong Wednesday night sa Powerplant Mall, Rockwell Center, Makati City, matapos akong manood ng Nosferatu.
Kaso, as of 6:00 P.M., wala pang ibang bumili para sa 7:30 P.M. screening.
Ayokong mag-isa sa loob ng sinehan kaya hindi na lang ako nanood.
Maganda naman ang feedback sa The Caretakers, kaya tingnan natin kung makakabawi ito sa weekend dahil suweldo.
Basta ayaw na lang daw magpa-pressure ng dalawang bida na sina Iza Calzado at Dimples Romana.
Naniniwala sila na sa ganda ng kanilang pelikula ay may pag-asang tangkilikin ito.
“After watching the film, merong hinga. May pag-asa, totoo. Na-appreciate ko yung pelikula e, that’s step one,” sabi ni Iza.
“Ahhh, kung na-appreciate ko, siguro meron pang iba na nakaka-appreciate.
“We talked about God’s timing. Sana ito ay magandang timing din para sa ating manonood na… this feels like it something important to them.
“Kasi naniniwala ako sa word of mouth. It’s really the most powerful marketing tool that we have.
“When you have a good product and people like, they will talk about it.”
Read: Councilor Alfred Vargas, nagbigay impormasyon sa batas na tumutulong sa cancer patients
Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.
