JERRY OLEA
Mabango si Maris Racal sa Netflix.
Sa kabila ng screenshots issue nila nina Anthony Jennings at Jamela “Jam” Villanueva, bet pa rin ng Netflix ang alindog ni Maris.
Ngayong Pebrero 28, 2025, No. 1 ang Sosyal Climbers nila ni Anthony sa Top 10 Movies in the Philippines.
Read: MaThon, may laban ba sa KathDen na undisputed #1 sa Netflix?
Ang Sosyal Climbers ay idinirek ni Jason Paul Laxamana.
Nasa cast din nito sina Ricky Davao, Carmi Martin, Bart Guingona, Cheska Iñigo, Marissa Sanchez, Raquel Pareño, Pam Arambulo, Shanaia Gomez, Jan Silverio, Marnie Lapus, Esnyr Ranollo, Raul Montesa, at MMFF 2024 best supporting actress Kakki Teodoro.

Iyong Incognito na kasama ang MaThon tandem, nakabalik muli sa top spot ng Top 10 TV Shows ng Netflix PH noong Pebrero 25, Martes, at nananatiling No. 1 hanggang ngayon.
Opo!
No. 1 ang MaThon movie, No. 1 din ang TV series na bida sila along with Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Baron Geisler, Ian Veneracion, and Kaila Estrada.
May dalawa pang pelikulang Pinoy sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix PH sa huling araw ng Pebrero 2025.
Nasa ikalimang puwesto ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo, at nasa pansampung puwesto ang Balota ni Marian Rivera.
TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Sosyal Climbers
- Venom: The Last Dance
- Demon City
- The Super Mario Bros. Movie
- Hello, Love, Again
- Sumala
- Dominion of Darkness
- A Copenhagen Love Story
- Kick-Ass 2
- Balota
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- Incognito
- American Murder: Gabby Petito
- Zero Day
- Sakamoto Days
- Tamang Panahon
- The First Frost
- The Trauma Code: Heroes On Call
- 31st Annual Screen Actors Guild Awards
- Court of Gold
- Solo Leveling
GORGY RULA
Excited pa naman ako sa Sosyal Climbers, pero nadismaya ako.
Parang hindi alam kung paano tatapusin ang pelikula. Naglaplapan na lang sina Anthony Jennings at Maris Racal nang bonggang-bongga.
Read: Maris talks about working with Anthony after cheating controversy

Mabuti at magaling talaga ang dalawang ito. Pero si Anthony ang pinakamagaling sa kanilang lahat.
Maganda ang role ni Ricky Davao, kaya na-miss ko tuloy siyang mapanood sa iba pang pelikula. Sana, more movies pa para kay Direk Ricky.
INCOGNITO
Gumaganda ang susunod na episodes ng Incognito kaya siguro bumalik na naman ito sa No. 1.
Mas nakaka-tense ang mga susunod na tagpo kung saan bagong challenge na naman ito sa grupo ng Incognito nina Ian Veneracion.
Ang dami pang mga artistang involved, kaya kitang-kitang ginagastusan talaga ang action-drama na ito ng Dreamscape.
Read: Jam Villanueva still in the process of forgiving Anthony, Maris
SLAY ON VIU
Samantala, tuluy-tuloy pa ang taping ng mini-series na Slay na mapapanood sa Viu.
Tampok dito ang mga Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose, Ysabel Ortega, Gabbi Garcia, Mikee Quintos, at Derrick Monasterio.
Pero mukhang si Ysabel ang bida rito. Abangan natin iyan!

NOEL FERRER
Noong Enero 2025 ay walang pelikulang Pinoy na nanguna sa Top 10 Movies list ng Netflix Philippines.
For February, tatlo ang umokopa sa top spot.
No. 1 ang Balota for four consecutive days, February 1 to 4.
Nanguna ang Hello, Love, Again for eleven consecutive days, February 14 to 24.
At ngayong Pebrero 28 ay pumuwesto sa No. 1 ang Sosyal Climbers.
Tingnan natin kung hanggang kailan iyon sa top spot.
Sa Marso 12 ay mag-i-streaming na sa Netflix ang pelikulang Guilty Pleasure starring Lovi Poe, Jameson Blake, and JM de Guzman.
Sa official entries ng 50th Metro Manila Film Festival, which ones kaya ang na-acquire ng Netflix?
