PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kiko Matos, lay low muna sa basagulero image

Kiko Matos, hinay-hinay na rin sa pagtanggap sa sexy projects.
by PEP Troika
Published Feb 28, 2025
kiko matos pep
Kiko Matos on being a father to his second child: “Ngayon po mas naramdaman ko yung pagiging tatay. Yung gravity of responsibility na pinapasan ko ngayon. I’m more aware of me and my responsibilities.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Maliban sa pagiging character actor, sumabak si Kiko Matos sa pagiging online content creator.

“Sa akin po, parang yung content ko rin naman kasi, ginagamitan ko ng acting!” bulalas ni Kiko nang makatsikahan namin bago ang preview ng pelikulang Bansa (Motherland) noong Pebrero 23, 2025, Linggo, sa The Secret Garden, Busilak St., Mandaluyong City.

“At saka iba yung karakter ko po online, iba yung karakter ko bilang artista, iba yung karakter ko sa totoong buhay.

“Ang na-establish ko pong karakter online, e, yung barumbadong karakter na kilalang-kilala ng tao.”

Iyong barumbadong karakter ba ay may pagka-toxic, o nilalabanan lang ang mga toxic?

“Nilalabanan yung mga toxic. Most definitely, nilalabanan yung mga toxic,” malumanay na tugon ni Kiko.

“Pero sa ginagawa ko ngayon, medyo nag-lay low na akong... tumapat sa ibang tao at makipag-argumento, makipagbardagulan online.

“Sa ngayon, medyo law low lang ang ginagawa ko online.”

Read: Kiko Matos believes, "Mainstream movies have the same formula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARE CONTENT CREATORS SOCIAL MEDIA INFLUENCERS THE NEW MEDIA?

Ibang mundo ba yung pagko-content creator kesa sa showbiz?

“Sa tingin ko, parehong mundo lang. Kasi show, you’re still in the umbrella of show business,” pagmamatwid ni Kiko.

“Parang you have to perform, you have to show your followers and your audience. You have to entertain them.

“Ayun lang naman po yung sa tingin ko, e, kaya kong i-relate in both worlds — sa pagiging artista, sa pagiging content creator.”

May mga content creator o social media influencer na nagke-claim na sila na ang bagong media, at lubog na raw ang traditional media.

“Ay! Hindi naman po ako naniniwala dun. Hindi ako naniniwala dun,” sambit ni Kiko.

“Kilala ko rin kung sino ang nagsasabi nun. Lahat po tayo, nasa isang bracket ng show business.

“And siyempre, nung unang panahon, ang meron lang ay radyo. Tapos dumating ang TV. Tapos ngayon dumating ang computers.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos ngayon, yung computers, nasa cellphone. Kumbaga laging nag-e-evolve.

"Pero lahat po tayo are in the same bracket of media — communication, arts, entertainment, performing arts. Ayun po.”

Kabilang si Kiko sa mga gumanap na PNP-SAF members sa Bansa (Motherland), na idinirek ni Brillante Mendoza.

Nasa movie rin sina Rocco Nacino, Mon Confiado, Joem Bascon, Vince Rillon, Jess Mendoza, Christian Vazquez, Jomari Angeles, JC Tan, Ricky Davao, Cesar Montano, Gina Alajar, Epy Quizon, Marvin Agustin, Richard Quan, Ruby Ruiz, at Cataleya Surio.

Read: Rocco Nacino umiyak nang unang mapanood ang pelikula niyang Bansa

bansa cast
Bansa cast members: (from left) Vince Rillon, Mac Mendoza, Kiko Matos, Jess Mendoza, Rocco Nacino, Mon Confiado, and Joem Bascon.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sa social media naka-focus ngayon si Kiko Matos. Kumikita siya roon.

Recently lang, last part ng 2024 nagsabi siya ng “no more fights”?

Pag-ayon ni Kiko, “Opo, lumilihis na po ako dun sa na-establish kong image kasi.”

Nakaapekto iyon sa kanya personally? Sa mental well-being niya?

“Nakakaapekto in a way na parang yung mga tao, nagugulat pag nami-meet ako in person,” sagot ni Kiko.

“Kasi iniisip nila, pag na-meet nila ako, sasapakin ko sila. E, ngayon, parang… I’m 34 years old, so parang in a way, I’m maturing.

“Naiintindihan ko kung bakit ko siya ginawa noon. Medyo mapusok pa ako.

“Pero ngayon that I’m adding years to my age, parang nare-realize ko na parang… 'Ano pa ang kaya kong gawin maliban diyan?

“'Maliban sa maghamon, mag-angas, ano pa ang kaya kong gawin?'

“Ngayon po, to tell you the truth, meron po akong bagong baby. Ten months na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And itong pangalawang baby, mas naramdaman ko iyong pagiging tatay.”

KIKO MATOS TAMED BY FATHERHOOD

Magse-seven years old na sa Marso ang panganay ni Kiko at ng live-in partner niya.

“Ngayon po mas naramdaman ko yung pagiging tatay. Yung gravity of responsibility na pinapasan ko ngayon,” saad ni Kiko.

“I’m more aware of me and my responsibilities.”

Nagbabago siya para sa dalawang anak niya?

Tumango si Kiko, “Opo, parang ganun po ang mga nararamdaman ko ngayon.”

"Asawa" ang tawag ni Kiko sa ka-live in. May plano ba silang pakasal?

“Siyempre sa mga babae, gusto nilang magpakasal. Siyempre si Misis, gusto niyang magpakasal,” sambit ni Kiko.

“Pero ang sa akin po, praktikal ako, e. I mean, hindi ako mayaman. Di ba?

“Puwedeng simpleng kasal, that’s an option. Pero ang gusto rin ni Misis, iyong extravagant. Pangarap kasi ng mga babae.

“Yun ang napag-usapan namin. Pero hindi ko rin maibibigay yung kasal na gusto niya. Siguro pag yumaman na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko rin kasing isipin at ituro sa anak ko, na hindi porke’t nabuntis ka — babae yung panganay ko, e — hindi porke’t nabuntis ka, kailangan kasal na kayo kaagad.

“So, parang gusto ko lang maging logical sa ngayon. I mean, gusto kong magbigay ng extravagant na kasal, wala pa naman akong means.

“So magpo-focus muna ako sa ibang bagay. Work muna, at possible business ventures. Iniisip lang, pinaplano lang.”

Read: VMX actor Rash Flores confirms leaked video scandal

GORGY RULA

Naramdaman niyang natatakot ang mga tao sa kanya dahil sa image niyang basagulero?

“Medyo nai-intimidate. Ramdam ko po yun pero I appreciate it na may nai-intimidate sa akin,” pagtatapat ni Kiko.

“In a way kasi po… One factor is at least, nakilala rin ako. And another factor is, kung may nai-intimidate sa akin, at least hindi ako pagtitripan.

“Kasi sa totoong buhay, si Kiko Matos, approachable naman talaga. I mean, sensible naman akong kausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang problema ko lang noon is, my kindness is being taken advantage of. And people mistake my kindness for my weakness.”

Anong klaseng pang-aabuso? Seksuwal?

“Hindi naman po. Abuso na parang people can joke around you, and tell you… you know that clown with you,” paglilinaw ni Kiko.

“Minamaliit, ganun. At least ngayon, people take me seriously more. So, parang thank you, Lord, na-establish ko iyun.

“Mahirap ho kasing lumabas sa mundo, especially sa show business, lumabas ka tapos mahirap pong asahan iyung respeto ng tao.

“Hindi ganoon kadali dito sa mundo natin. You have to earn the respect.”

Matagal-tagal na siya sa showbiz…

“Opo. Opo, pero I always think na baguhan lang ako and I always have to prove something.”

NO MORE VMX PROJECTS FOR KIKO

Memorable ang kapangahasan ni Kiko sa pelikulang Hukluban (2014) na pinagbidahan nila ni Krista Miller, sa direksiyon ni Gil Portes.

kiko matos krista miller hukluban
Kiko Matos and Krista Miller in a scene from Hukluban
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala siyang keber sa sexy scenes, pero hindi siya umariba sa VMX (dating Vivamax).

Katuwiran ni Kiko, “Dala po kasi ng meron akong babaeng anak. Nag-VMX ako, yung Pusoy [2022]. Si Baron [Geisler] ang bida.

“May sex scene po ako doon pero hindi naman naghubad.”

Tampok din sa Pusoy sina Angeli Khang, Janelle Tee, Vince Rillon, Jela Cuenca, Julio Diaz, at Felix Roco, sa direksyon ni Philip Giordano.

Umiiwas na siyang maghubad at makipagharutan sa pelikula alang-alang sa mga anak niya?

“Hindi naman umiiwas. Kung isa-sacrifice ko yung image ko bilang tatay na trustworthy, kung isa-sacrifice ko, siguro dapat doon sa role na matimbang,” saad ni Kiko.

“Na worth it, I would take the risk. Kasi kung basta-basta lang, tapos mae-exploit lang ako bilang artista, ay bakit pa?”

Ni-regret ba niya ang pagpo-frontal sa Cinamalaya 2018 short film na You, Me and Mr. Wiggles?

Mabilis na sagot ni Kiko, “Ay, hindi! Wala po akong regret. Lalo na noon, noong mga panahon na yun, hindi pa ipinapanganak yung baby ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala akong regret sa lahat ng ginawa kong nudity in the past, especially yung Hukluban na si Gil Portes ang nagdirek. I don’t regret it.”

Read: Kiko Matos on frontal scenes: "Kung tunay kang artista, kaya mong maglakad sa labas na nakahubad."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Matos on being a father to his second child: “Ngayon po mas naramdaman ko yung pagiging tatay. Yung gravity of responsibility na pinapasan ko ngayon. I’m more aware of me and my responsibilities.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results