PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pretty actress na nasa 20s pa lang, nagpa-facelift na agad

Pretty actress, gumastos ng PHP2M para sa pagpaparetoke.
by PEP Troika
Published Feb 28, 2025
blind item pretty actress
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Nagparetoke ang isang pretty actress na nasa early 20s pa lang.

Napuna ng ilang co-workers ni pretty actress na mas naging pretty siya.

Ang dahilan? Nagpa-facelift pala siya!

Pinaayos niya ang mga talukap ng kanyang eyes.

Ang tsika ng source ng PEP Troika, sa South Korea nagparetoke si pretty actress.

Halos PHP2M daw ang ginastos ni pretty actress para ma-achieve ang improved look.

Napansin ng make-up artist ni pretty actress ang bakas ng pagpapa-facelift nito. Na-sight ni make-up artist ang tahi.

Siyempre, tahimik na lang si make-up artist about this dahil kind and generous sa kanya si pretty actress.

Read: Hunky actor at pretty actress, hiwalay na naman

NOEL FERRER

Ambata pa ni pretty actress para magparetoke.

Kaya pa naman siguro ng non-invasive procedure para huwag siyang magmukhang older than her age.

Di ba, karamihan sa nagpapa-facelift ay iyong bumabagsak na ang mukha?

Si pretty actress, young and fresh-looking pa rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dalawang aktres, pinaglalaruan dahil sa kanilang "bagong mukha"

JERRY OLEA

Puhunan ni pretty actress ang kanyang mukha.

Kung feeling niya ay nagmumukha siyang mas matanda dahil sa talukap ng kanyang mga mata, sino tayo para husgahan siya?

Sana lang, huwag maadik si pretty actress sa pagpaparetoke.

Read: Pretty Actress, balik-trabaho pagkatapos manganak

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results