JERRY OLEA
Bumaba na naman sa second place ang Incognito sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ngayong Marso 2, 2025, Linggo.
Kinabog ito ng sci-fi action series na HALO, na merong siyam na episode.
Ang logline ng HALO: “Master Chief John-117, a genetically enhanced soldier, leads a team to fight the Covenant — a theocratic union of aliens intent on destroying humanity.”
Ang good news, nasa ikaapat na puwesto pa rin ang comedy special ni Alex Calleja na Tamang Panahon.
Read: Comedy special ni Alex Calleja naungusan ang Incognito sa Netflix
Bahagi ng Facebook post ni Alex ngayong Sunday morning: “Every gising is a blessing (pahiram Mama Ogie Diaz ).
“Maraming dapat ipagpasalamat sa Panginoon!
“Nasa Top 10 pa rin ang Tamang Panahon sa Netflix. Number 4 as of the moment (wow as of the moment!)
“Successful at sold-out ang mga shows ng The Comedy Crew.
“Maraming projects ang nakapila here and abroad.
“May kita ang mga comedians para makatulong sa kani-kanilang mga pamilya.
“Maayos na health dahil siguro nakakatulog ng peaceful and happy.
“Madaming mga bagong supporters ng stand-up comedy dahil sa Tamang Panahon. Ang saya lang dahil alam mong comedy fans talaga at ang gusto eh tumawa lang!
“Mga kasama kong comedians na iisa ang layunin. Ang magbigay ng maayos na entertainment at laging magsulat ng bago at nakakatawang jokes.
“Mga circle of friends na magkakatulad ang goals. Itaas ang isa't isa at maging positibo lang sa buhay.
“Panalo Lakers!
“Maraming salamat po Lord!!!
“Ang panibagong dasal ko naman para sa lahat.
“Sana ma-achieve niyo rin ang mga pangarap niyo sa buhay para everybody happy. Kung hindi ngayon, sa Tamang Panahon!
“Peace of mind to all!!!”
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- HALO
- Incognito
- American Murder: Gabby Petito
- Tamang Panahon
- Zero Day
- Sakamoto Days
- Running Point
- The First Frost
- The Trauma Code: Heroes on Call
- The Apothecary Diaries
NOEL FERRER
Noong Pebrero 7, 2025 nag-umpisang mag-Netflix streaming ang Tamang Panahon ni Alex Calleja. Kinabukasan ay pumuwesto iyon sa No. 2.
Mula Pebrero 9, Linggo hanggang Pebrero 17, Lunes, ay topnotcher ito sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines — nine consecutive days.
Pebrero 18, Martes, ay bumalik ang Incognito sa top spot, at pumangalawa muli ang Tamang Panahon.
Pebrero 19, Miyerkules, ay third placer na ang Tamang Panahon, at nang sumunod ma dalawang araw ay pang-apat na.
Pebrero 20, Sabado, bumaba na naman ang Tamang Panahon at nasa panlimang puwesto.
The next day, umangat sa fourth place.
Pero noong Pebrero 24, Lunes ay naging pang-anim na.
Pebrero 25, Martes, pangwalo na ang Tamang Panahon.
Pero nang sumunod na dalawang araw ay nasa sixth place.
Pebrero 28, Biyernes, umangat uli at napunta sa panlima.
At kahapon at ngayon ay nasa pang-apat na puwesto.
TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Samantala, ang pelikulang Sosyal Climbers nina Maris Racal at Anthony Jennings ay three consecutive days nang No. 1 sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix PH.
May dalawa pa ring Pinoy movies sa list, ang Hello, Love, Again at Balota.
Sa Marso 12 ang Netflix streaming ng Regal movie nina Lovi Poe, Jameson Blake, at JM de Guzman na Guilty Pleasure.
Iyong Kraven The Hunter na ipinalabas sa local cinemas noong Disyembre 11, 2024 ay streaming na sa Netflix sa Marso 25.
Kasabay ng Kraven the Hunter na ipinalabas sa ating mga sinehan ang animated film na The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim, na nauna nang mag-streaming sa Max noong Pebrero 28, Biyernes.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Sosyal Climbers
- Demon City
- Venom: The Last Dance
- Counterattack
- The Super Mario Bros. Movie
- Hello, Love, Again
- Squad 36
- Sumala
- Balota
- A Copenhagen Love Story
Read: Maris-Anthony movie at TV show, parehong No. 1 sa Netflix
GORGY RULA
Ang Tamang Panahon ni Alex Calleja ang ikalawang Pinoy comedy special na nag-streaming sa Netflix. Nauna rito ang Mabuhay is A Lie ni Red Ollero na eight days lamang nasa Top 10 TV Shows list — mula Marso 16, 2024, Sabado, hanggang Marso 23, Sabado.
Hindi iyon nag-No. 1. Nag-peak iyon sa third place noong Marso 18, 2024, Lunes.
HELLO, LOVE, AGAIN REACHES PHP1.6 BILLION MARK
Samantala, ang reunion movie ng KathDen na Hello, Love, Again ang pinakamalakas na Pinoy movie sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation).
Ibinalita ng ABS-CBN Star Cinema at GMA Pictures noong Martes, Pebrero 25, na umabot sa PHP1.6B ang worldwide gross nito.
May screening ang Hello, Love, Again sa Marso 5, Miyerkules ng 2:45 P.M., sa Manila International Film Festival sa Los Angeles, California, USA.
Ayon sa Hollywood correspondent na si Oliver Carnay, panelists sa Q&A matapos ang screening sina Kriz Gazmen (executive producer at head of ABS-CBN Films), Kevin Kreider (actor), Mark Labella (actor), Marvin Aritrangco (actor), at Ruby Rodriguez- Aquino (actress).
Read: Hello Love Again at Tamang Panahon, parehong No. 1 sa Netflix
