PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla, may bagong version ng Budots dance

Budots dance ni Bong Revilla, paano nagsimula?
by PEP Troika
Published Mar 3, 2025
bong revilla 2025 elections
Senator Bong Revilla on his viral Budots dabce: nung nilalabas yung ibang commercials ko before, hindi siya kumakagat. Nung pinag-Budots, yung sayaw na lumabas, nag-viral siya. Hindi lang dito sa Pilipinas but all over the world. Billion views yan. Billion, B. Kaya nagpapasalamat ako, until now, nandun pa rin yan. Nagba-viral pa rin yan sa Asia."
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Pumatok ang Budots dance ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Kaugnay sa darating na eleksyon sa Mayo ay may mga gumaya sa teknik na iyon.

“Yun yung sinasabi nila kasi — na 'nag-Budots lang si Bong Revilla, nanalo na noong 2019,'” lahad ni Bong sa mediacon noong Marso 1, 2025, Sabado, sa Victorino’s restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

“Kaya nagtrabaho ako, nag-perform ako. Ipinakita ko sa kanila, hindi Budots yan.

“Ang binudots natin, eto, ang mga batas na naipasa natin. Pero ngayon, yung Budots na yon, ginagaya yon ng iba.

“E, di sayaw tayong lahat para happy!"

THE STORY BEHIND BONG'S BUDOTS DANCE

Ayon kay Bong, "aksidente" lang ang kanyang pagbu-Budots.

Kuwento niya: "Ang point lang diyan, sa Budots, aksidente lang yan actually.

“Hindi naman talaga ako magaling mag-Budots, e. Ganun-ganun lang ako, tat-tat-ta-tat!

“Ang nag-push lang sa akin niyan nung syinut namin yan, si Jolo [Revilla, his son], ‘Papa, sayaw ka!’ Sabi ko, ‘Papaano ba yon?’ ‘Ganun-ganun ka lang.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagganun-ganun nga ako. Tapos lumabas na cute, kasama ko yung mga apo ko dun.

“Kaya sabi ko nga, ano yan. Siguro ang panahon na yun, ang kailangan ay Budots. Siguro, Divine Providence.

“Kasi nung nilalabas yung ibang commercials ko before, hindi siya kumakagat.

“Nung pinag-Budots, yung sayaw na lumabas, nag-viral siya. Hindi lang dito sa Pilipinas but all over the world.

“Billion views yan. Billion, B. Kaya nagpapasalamat ako, until now, nandun pa rin yan. Nagba-viral pa rin yan sa Asia.

“Itong bago naman na jingle natin, naka-copyright pa kasi kaya hindi pa siya nagba-viral.

“Pero tinanggal na yung copyright, so puwede nilang gamitin yung music.

“So anytime, puwede na rin yang mag-viral, ‘Andito na si Bong Revilla. No. 11 sa balota’… ang bagong Budots commercial ko. New version ng Budots.”

Read: Bong Revilla vows to perform as lawmaker: 'Hindi tayo magsasayaw diyan.'

bong revilla budots
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ayon kay Bong Revilla, napuntahan na niya ang lahat ng sulok ng Pilipinas.

“Sabi ko nga, hindi ako huminto, e! Simula nang nahalal ako noong 2019, basta nagkaroon ng problema sa bawat lugar, nandoon na si Bong Revilla,” lahad ng actor-politician.

“Nagdadala ng tulong. Titingnan natin ang kalagayan nila kung ano. So, tuluy-tuloy ang ikot ko.

“Kung makikita ninyo yung Facebook ko, talagang… kaya yung mga nakakaharap kong mga tao, yung libu-libong yun, yun ang mga natulungan natin.

“That’s why sabi ko nga, itong ginagawa na lang natin, nasa polishing na lang, at kasama ako sa rally ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”

Mainit daw ang pagtanggap kay Bong sa mga pinupuntahan niyang lugar, at wala na umanong masyadong isyung ibinabato sa kanya.

“Awa ng Diyos! Minsan ibinabalik nila yung mug shots. But wala na yon. Wala na yon,” sabi ni Bong.

“Yun lang ang ginagawa ng mga ano but that’s nothing. Wala, wala. Tapos na ang mga ganung isyu.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang tinutukoy na "mug shot" ni Bong ay ang pagkakasangot niya sa Priority Development Assistant Fund (PDAF) o pork barrel scam noong 2014.

Inakusahan si Bong ng diumano’y pagbulsa ng P224.5 milyong halaga ng ill-gotten wealth sa pamamagitan ng pagtalaga ng pondo sa bogus organizations na diumano’y nilikha ng negosyanteng si Janet Napoles.

Taong 2014 nang naghain ang Office of the Ombudsman ng mga kaso laban kay Revilla at mga kapwa niya senador na sina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Na-detain si Bong sa Custodial Center ng Philippine National Police simula noong June 20, 2014.

Noong 2018 ay nakalaya si Bong matapos siyang pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder.

Read: Bong Revilla "not guilty" of plunder in pork barrel scam case

WHAT PEOPLE CALL BONG IN CAMPAIG RALLIES

Ano ang tawag sa kanya sa mga rally?

Tolome na karakter niya sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Bong: “Pogi, Pogi! Tolome, Tolome! Panday, Panday! Agimat, Agimat! Yun yung mga maririnig mo.

“Pero pag sumigaw na ako ng ano, ‘Anak ng teteng!’ Yaaahhh!”

May mga nag-abang sa kanya sa grand float parade ng Panagbenga flower festival sa Baguio City.

“Bawal daw [mangampanya], e, bawal daw kaya hindi kami pumunta,” saad ni Bong.

“Bawal mangampanya. Pasampa na sana ako dun pero hindi ako tumuloy. Ayoko namang ma-bash ako dun.”

JERRY OLEA

Matamlay pa rin ang karamihan ng pelikulang Pinoy na ipinapalabas sa mga sinehan. Wala pang box-office hit sa Pinoy movies na ipinalabas this year.

Marami ang umaasam na tulungan sana ng gobyerno ang local movie industry.

“Actually ginagawa naman ng gobyerno kung paano natin matulungan,” pahayag ni Bong.

“Katulad niyan, nagpasa tayo ng Eddie Garcia Law. Ang tanong lang, nakakatulong ba talaga yung Eddie Garcia Law, or balita ko may mga nagre-react na producers at sinasabi, mas naapektuhan sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa tingin ko, dapat talaga… OK at that time siguro. Dahil minsan, nag-e-exceed yung working hours ng mga workers natin sa industriya sa telebisyon, sa pelikula.

“Minsan 24 hours sila dire-diretso, talagang pahirap sa mga trabahador.

“I think we have to revisit the law again. At tingnan natin, we should have a dialogue again with the producers and the actors.

“Dahil ang nangyayari, yung mga senior, yung iba, talagang hindi kinukuha ng producer. Yung mga bata, nawawala na rin.

“Wala na ring nakikitang mga bata ngayon sa television na nabibigyan. Kung meron man, magsu-shoot sila for four hours only.

“Pagka ganun, wala na tayong sisikat na bata. Wala nang Niño Muhlach na mula bata hanggang ngayon, nandiyan pa rin…

“Paano tayo makakapag-develop ng bagong Niño Muhlach kung ganun ang working hours? I think we have to revisit again the law. Pag-aralang mabuti.”

Read: Erik Matti at Neil Daza, nagtatalo dahil sa Eddie Garcia Law

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WHAT CAN THE GOVERNMENT DO FOR LOCAL SHOWBIZ

Pagdidiin ni Bong, dapat aralin pa kung paano matutulungan ng gobyerno ang local showbiz.

“Anyway, andami na namin dun sa loob, e. Andami na namin sa Senate!” bulalas ni niya.

“Pag hindi pa namin nagawa yon, ewan ko na lang! Pero huwag kayong mag-alala, yun naman ang purpose namin — matulungan ang industriya natin para maibangon natin.

“Although talaga naman, even in the States, dying industry talaga ang movie industry. Lahat nasa Netflix na.

“Pero kung mabubuhay natin, di ba, well and good. Naalala ko, kung panahon ng daddy ko, nung nawala yung action, nauso yung bold.

“Pero bumalik pa rin ang pelikulang aksyon. Tapos pumapasok ang drama. So, nabuhay ulit ang industriya.

“Baka ganun lang. Baka nandun tayo sa time na ganun, baka babalik ulit sa normal.

“Dahil iba pa rin ang experience sa loob ng sinehan kesa nandun ka sa loob ng bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang problema lang, sobrang mahal ng bayad sa sine. Ako, sinasabi ko ngayon pa lang, gagawa kami ng batas para ibaba ang bayad sa sine.”

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla on his viral Budots dabce: nung nilalabas yung ibang commercials ko before, hindi siya kumakagat. Nung pinag-Budots, yung sayaw na lumabas, nag-viral siya. Hindi lang dito sa Pilipinas but all over the world. Billion views yan. Billion, B. Kaya nagpapasalamat ako, until now, nandun pa rin yan. Nagba-viral pa rin yan sa Asia."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results